Hay nako ang daming puchu-puchung nangyari sakin nung nag-daang araw. Na stress ako pero konti lang naman. pag ang problema talaga dumating sunod-sunod, may napansin lang akong kakaiba sa sarili ko. I guess marunong na ako mag handle ng DEPRESSION, effective ang yoga! (ilang inhale at exhale lang, parang nag melt yung something solid sa heart ko). Effective din ang stress reliever chocolates.. (para ngang nag enjoy pa ako, lamon ang ginawa ko.) and I prayed (yah! I really prayed) na sana makayanan ko lahat, So I thank God dahil nag response sya agad. after a few days lang heto't sunod-sunod ang message nya...
*Nanood ako ng TV habang nag i-inventory ng business?! tapos natawag ang atensyon ko sa sinabi ni Sarah Geronimo.
Mahalaga ang nagpapakatotoo, yung hindi mo binabago ang sarili mo at hindi mo itinatago ang nararamdaman mo. Sabi nga nila, the moment you open up yourself is the moment you set yourself free. Magandang malaman na mahal ka ng mga tao sa paligid mo sa totoong ikaw, hindi sa paano ka nila gustong maging ikaw, dahil doon mo lamang malalaman kung sino talaga ang tunay na nagmamahal sa’yo… Yung tatanggapin at handa kang mahalin kung sino ang tunay na ikaw.” -Sarah G LiveBigla akong naging proud sa sarili ko. I'm not that bad at all naman pala,
*Tapos biglang flash back ng advice ng isang naka-close na artista/model about haters.
You can't please everybody all the time. Artista man o hindi; may haters. kailangan mo lang mag master ng DEDMATOLOGY. Para makamit ang tagumpay, yung tipong biglang isang araw kaya mo na sila tignan sa mata tapos mapapangiti ka nalang sa kanila habang nanggagalaiti sila sa galit pagnakikita ka.
*Tapos ilang araw lang may natanggap na 'kong text invitation from Oneng. Mumunting reunion from DCET,
bukod sa nakaka touch na pangyayaring naalala nila ako ng biglaan... ang galing ng timing nila... saturday night! with full effort, nag-text na pinuntahan pa daw ako sa bahay (kay mudra ko lang nalaman) eh may pasok ako kaya humabol nalang ako. 6pm sila nag start 10pm na yata ako nakarating, BUSY ako eh! hahaha. Pero salamat parin at may tyaga pa silang salubungin ako kahit uber late ako naasikaso pa ng hindi oras =)) sorry naman ahhh pagod ako sa byahe eh. wish ko lang hindi ko naubos ang pagkain =)) wish ko lang din sa susunod may kasama na akong DCS para bonggang reunion na. nakaka-miss ang ganung bonding. nakaka miss ang tambayang school na may multo DAW. miski yung simpleng kwentuhan na may halong asaran na hindi na kailangan i-filter pa ang mga sasabihin... natural lang! Kaya maraming salamat DCET!
Then naisip ko ulit ang pinoproblema ko and I just realize... 'Bat ko nga ba pinagsisiksikan ang sarili ko sa barkadahan hindi naman pala ako tanggap. Maaring tunay nga silang kaibigan pero hindi sakin. Hindi lang sila ang barkada ko, marami pa! May mga kaibigan na hindi ko man nakilala ng matagal pero tanggap ako may nagbago man sakin o wala. So maybe hindi sila para sakin...
After nun OK na'ko! waley na ang mga nababasa ko nag ba-bounce back rin naman sa kanila yun eh. Mas madali ko na silang mapapatawad ngayon. Hindi ko man maibalik ang samahan NOON I must go on with the flow NGAYON. ;)
After nun OK na'ko! waley na ang mga nababasa ko nag ba-bounce back rin naman sa kanila yun eh. Mas madali ko na silang mapapatawad ngayon. Hindi ko man maibalik ang samahan NOON I must go on with the flow NGAYON. ;)
No comments:
Post a Comment