Oplan move on: The hopefully last part
Sabi ko sa bestfriend ko, 'pag dumating yung araw na magkita kami at gustuhin nyang mamasyal, 'wag nyako dadalhin sa Luneta kasi baka mag-drama ako bigla.
Dito ako unang nagmahal ng lubos, naging masaya, nasaktan... at ngayon nandito akong muli kasama ang tatlo kong kaibigan para sa fresh air na aking kailangan (minabuti ko nang magsama, mahirap na baka makapag-isip nanaman ako ng hindi maganda).
Saksi ang monumento ni Rizal kung ilang baldeng luha na dinilig ko sa damuhan tuwing ako'y masasaktan. siguro kung makakaalis si Rizal sa kinatatayuan nya bababa sya at lalapit sakin para i-alay ang mga balikat pra aking iyakan.
Ang hirap magpigil ng luha... ayoko kasing makita ng mga magulang ko ang sakit na nararamdaman ko. masyado nang marami ang pino-problema nila, ayoko na makadagdag pa. Nakita ko silang naging masaya para sakin sa unang pagkakataon, narinig ko silang nangarap kung gaano kasaya maging lolo't lola.... pero ngayon... paano na? paano ko sasabihing nag-fail nanaman ang panganay nila sa pagibig? sigurado akong madi-disappoint ko sila..
Ganun din sa trabaho ang hirap mag-panggap na okey lang ako. Ayoko na kasing pag-usapan, baka madala ako, hindi ko magawa ng maayos ang trabaho ko...
Ok na sa lugar na'to fresh air at busy ang iba sa pakikipaglambingan sa partner nila... Ngayon lang ako humarap kay Rizal na hindi teary-eyed. Hindi ko alam kung dahil ba yun sa mga kasama kong comedian o dahil naka-recover na akong talaga. Kalmado lang!
Ilang minuto lang ang nakalipas... uwian na! adios Dr.Jose Rizal! at maraming salamat... isa kang tunay na doctor sa mata. Tinitigan ko lang ang monumento mo, namulat na ang mga mata kong tanggapin ang katotohanang kahit ang pinaka mabait at pinaka pinag-kakatiwalaan mong matinong tao ay magagawa ka 'ring saktan at biglaang iwanan, salamat din at binigyan mo ako ng malinaw na pang-unawa para mapatawad sya ano man ang dahilan nya.
Maraming salamat...
No comments:
Post a Comment