*imitating Raquelita Dela Cruz a.k.a Rocky of Bride For Rent The Movie* "Puch@ naman o!"
Kung mahirap mag move on sa bad guy mas mahirap mag move on sa nice guy. Kasi sa bad guy expected mong babaero sya kaya iwan ka man handa ka, Pero sa nice guy?!
- Christian,
- Mapagmahal sa pamilya,
- Mabuting kaibigan,
- Mukang Artista,
- Maraming pangarap sa buhay,
ay takte! almost perfect pero mahina naman pala. hindi kinaya ang pagka homesick sa ibang bansa kaya ayun BOOM! nahulog sa iba. gusto kong magalit sa kanya eh, kung noong hindi pa kami, hindi ko alam bakit sya iniiwan ng mga naging GF nya ngayon alam ko na...
BAKLA SYA! hindi sya marunong mag pahalaga ng girlfriend nya, gusto nya sya lang inaalagaan? sya lang iniintindi? sya lang inaasikaso? KATULONG HANAP NYA hindi partner in life! PURO SYA SALITA kulang naman sa gawa, nag promise syang lulubusin ang bakasyon nya dito sa Pinas kasama ako: skating rink, food trip, maraming pics, PERO NUNG NANDITO NA SYA? WALA! NGANGA! binigay panga nya sa pamangkin nya yung sinasabi nyang pasalubong nyang camel na keychain (para daw sakin yun pero pinamigay nya?! gara diba?)
SUPER SWEET SYA, Oo! pero same lang ang sweetness nya sa GF, sa Friends, at sa Pamilya nya as in walang pagkakaiba, tell me is it necesarry na hawakan mo ang FRIEND ng GF mo pag tatawid kayo sa daan? tapos idadahilan sayo "friend mo naman yun eh" Wow ah! ako nga na friend ko hindi ko sya hinahawakan pag tatawid kami, eh bakit sya? to think na first time lang nila nagka kilala may hawak agad? wow talaga! ano yun bata? hindi marunong tumawid? ang sarap lang nila itulak sa gitna ng kalsada care ko kung masagasaan sila >_>
SINUNGALING SYA! ni hindi nga nya magawang sabihin sa family nya kahit sa mga pinsan nya ang kalokohang ginawa nya sa past nya. pinag aral nya ng nursing ang GF nya noon, nag paka kuba sya sa pag ta-trabaho sa ibang bansa at ipadala sa Pinas ang sa pag kakaalam nya tuition fee pero yun pala pambayad na ng bahay ng ka live-in ng GF nya noon na nakabuntis sa kanya (ang saya diba?) kung alam ko lang na lolokohin nyako sana naging masama nalang ako sa kanya, pinagkaperhan ko narin sana sya ang yaman ko na siguro ngayon, tsk.!
kunwari mabait sya pero yung totoo MAYABANG SYA! lakas nga ng loob nyang manloko eh, sige na gwapo na sya kamukha na nya si Billy Crawford, pero chubby naman, daming peklat, hindi katangkaran, SAUSAGE pa hmp! >:P kya wag syang feeling HEARTHROB hanggang face lang sya mas marami paring lamang sa kanya, kahit nga POGAY lamang sa kanya hahahaha
at higit sa lahat BORING SYANG KASAMA as in! makalumang tao nga yon noh! mga joke nya laos na, trying hard mag panggap na may SENSE OF HUMOR sya pero sorry! waley talaga eh! try nya mag enroll sa CRAXE UNIVERSITY bestfriend ko ang may ari nyan, para naman natututo sya ng less effort na pag papatawa. (imaginary ko lang yung university wla talaga nun baka hanapin nyo eh :P)
ang sama ko ba? sorry naman ah! kailangan ko lang talaga halungkatin lahat ng negative side nya para makatulong sakin sa pag move on. iwas-iwas muna sa main FB account pag may time, mag oonline lang ako dun pag online si PAPA video call lang naman ang happiness nya ngayon dahil nasira ang cp nya hindi naman sya pwedeng bumaba ng barko, ipagkakait ko paba ang happiness nyang yun?
o pag may time na akong ayusin ang photo albums ko dun (yung as in mabilisan na pag organize). sa ngayon mag papaka busy ako:
- Mag dasal: na sana malagpasan kong muli itong pag subok na'to tulad ng mga nalagpasan ko na, pero sana hindi matagal, hindi na durog puso ko eh, buhangin na ata.
- pag walang magawa sa work: magbasa ng stories sa wattpad. (hindi rin naman ako komportable sa mga taong nasa paligid ko dun, kesa ma stress ako sa kanila mag papaka nerd nalang ako sa pag babasa) tutal libre naman ang wifi dun edi sulitin na! para narin lalong lumakas yung imagination ko matatalino daw in other side ang mga may malakas na imagination. kahit manlang sa IMAGINATION UNIVERSITY maging veledictorian ako :D ok na yun!
- pag rest day: mamamasyal ako, pag may extra cash edi mag shopping! ang sarap kaya ng feeling pag may branded kang damit o kaya mamahaling gadget. parang trophy mo narin yun sa pag ta-trabaho.
- bibili ako ng books: kung nung college nga nagawa kong tumambay sa national bookstore ngayon pa kaya? hindi ako mahilig sa academic books pero sa fiction books? hayyy heaven! minsan naliligaw din ako sa mga WEIRD magazine stand, attracted ako sa mga organizing stuff, DIY, o kya picture ng design sa loob ng bahay, o kya picture ng planeta at unknown creatures (ang amazing lang isipin paano nagawa itong earth) nagbabaka sakali narin baka may matagpuan akong libro na may title na "How to be manloloko".
- magpapaganda ako: aminado naman akong hindi ako kagandahan, hindi rin malakas ang apeal ko, pero minsan pag tumitingin ako sa salamin may araw na cute ako (once in a blue moon nga lang yun) pero atlease! may 1% chance ok na yun kesa wala. kailangan ko lang talaga matuto magpaka babae (make-up, dress, parlor, kikay stuffs) isipin ko palang nandidiri na ako eh! that is not so ME! pero ano magagawa? sa panahon ngayon ang simpleng babae kadalasan ZERO.
- mag re-recycle ako: ang daming gamit sa bahay na hindi masyadong ginagamit kailangan ko paganahin ung utak ko sa pag iisip ano pwedeng gawin para ma re-used sila.
- mag pi-feeling writer ako: (TRIVIA: nung elementary ako madalas ako mag kulong sa kwarto nag lalaro ng paper doll kaya may nabuo akong characters sa utak ko) hanggang ngayon naaalala ko parin ang mga characters na yun kaya oras na siguro para bigyang buhay ko sila, isusulat ko na ang kwento nila. tapos susubukan ko isali sa contest (TRIVIA ULET: nung college may sinulat akong istorya, pinabasa ko sa mga kaklase ko para malaman ang reaction nila, kasi baka mamaya abnormal na pala ako kaka-imagine ko, gladly nagustuhan naman nila na encourage pa akong ipasa sa writing contest sa school, gladly ulet na napasama sa finalist.) malay natin maging future Nicholas Sparks ako o kaya Bob Ong o kaya Ricky Lee ako... teka puro lalake yan ah! :-/ Hindi madaling gawin pero gagawin ko parin sa ngalan ng pagiging busy, maraming beses ako mare-reject, mababaliwala, hindi mapapansin pero bilog ang mundo mauuso din ang mga storya ko, dadating yung panahon magiging libro sya kung hindi man edi iipunin ko tapos ipapaprint ko tapos papa-bookbind hard-bound pa, tadah! libro na sya lolz
- mag pi-feeling music director narin ako: may ibang song kasi na pag pinapatugtog... PAK! imagination started. parang yung nangyari sa MV Video ng game na ginawa ko Love Knot - Searching for love to be specific.
- mag pi-feeling singer ako: (TRIVIA: 2009 kumanta ako sa youtube, boses nga lang at japanese version pa hindi naman ako hapon at nakatanggap ako ng malupit na compliment mula sa mga foreigner ang ganda daw ng boses ko kulang lang sa practice) may boses naman eh kulang lang talaga sa practice... mag voice lesson kaya ako? baka ma built ko pa yung self confidence ko. pra kaya ko nang kumanta sa labas ng banyo at sa harap ng maraming tao hahaha. (TRIVIA ULET: dahil wala akong kadala-dala 2009 rin ng kumanta ulet ako tinagalog na korean song akalain nyong umabot ng 30,000 views kung hihingian ko sila ng tig-piso may 30,000 na sana ako haha)
- Mag isip kung ano pa ang pwedeng libangan...
Ayan ang dami ko nang gagawin pwede na mag oplan: busy-busyhan. Until maka move-on ng tuluyan. ^_~
No comments:
Post a Comment