Jul 27, 2012

Minsan sa aking buhay... buhay manunulat


kung magkakaroon lang ulit ako ng oras, sipag, lakas ng loob... para maisulat lahat ng gumugulo sa isip ko. baka nagkaroon na ako ng 100+ na pocketbooks. iba't-ibang storya pero iisa ang characters. at bawat title nakapaloob sa isang kanta na parang OST ng bawat storya... pero kaiba sa natural na pocketbook. hindi perfect ang personality ng mga tauhan, hindi rin madalas happy ending.. maiba lang!

highschool palang ako nag susulat na ako ng iba't-ibang stories. hindi ako sumusunod sa fiction rules... malayang pagsulat lang! lahat naka base sa mood ko... basta ang naaalala ko kapag galit, o masama ang loob ko asahan mong may namamatay sa story. Hanggang ngayon naaalala ko pa ang itsura ng kauna-unahan kong LIBRO (actually notebook ko yun, recycled notebook, mula sa mga natirang pahina ng notebook ko sa school, parang tatlong notebook na pinag dugtong-dugtong) lahat un pinuno ko ng stories. un ang naging sumbungan/kaibigan ko nung mga panahon na magulo pa ang childhood life ko. may drawing pa nga eh! minsang dinala ko un sa school para magsulat habang vacant, tapos nakita ng mga classmate ko. binasa nila, natuwa sila hiniram nila!... hindi naman ako naging madamot pinahiram ko sa kanila. nakakatuwa din kasi minsan marinig ang comment nila. tipong parang nakaka-relate sila. ang malas lang... yung huling humiram nasunugan. at kasama sa nasunog ung story notebook at mga drawings ko. hindi ko maiwasan yung pakiramdam na sana hindi ko nalang pinahiram. maingat kasi ako sa gamit, at sumasama talaga ang loob ko kapag may nawawala o nasisira. lalo na kung hindi ako ang may kasalanan. Nung mawala yung notebook kong yun. parang nawala narin ang pinaka memorable na childhood memories ko. bukod sa moment na tinuturuan ako ni papa ng math gamit ang banana-que stick ni mama ;)) ( panahon na hndi pa ako nag aaral )

muli lang ako nagsulat nung college at magkaroon ng writing contest sa school. kasabay kong sumali ang (ngayon ay) X-bestfriend na X-boyfriend narin. kaya may inspiration at moral support rin kahit papaano. nakakatuwa lang na sa 1st time ko sumali at sa dami ng nagpasa ng entries naging finalist pa ako. >ang ibang detalye ay narito<  iba ang feeling non! hindi man ako nag wagi ok lang! experience rin un! at pandagdag self confidence. nag uwi rin ako ng tumataginting na PARTICIPATION CERTIFICATE ;)) sukli yata ng napiga kong utak matapos lang ang storya sa takdang oras. sa gulo ng utak ko non pinagsama ko nalang sa iisang storya ang tatlong story na naisip ko nung panahon na yun. sapat na sa akin na malamang tumatak sa isip ng mga judges ang kwentong ginawa ko.

Tapos na busy ulit nawalan ng time i-type/isulat ang mga ideyang tumatakbo sa utak ko. kaya ayun ang daming PENDING hehehe... well sana nga magkaroon ako ng time na tapusin lahat. gusto kong gawin yung advice ng isa sa X ko noon eh, ang ipunin ang lahat ng storyang nagawa ko at ipa-book binding. good idea di'ba? ;)) nagustuhan din ni papa ang ideyang yun. kaya sana nga matupad... 

No comments:

Post a Comment