Ako bilang manunulat

Si Ren ay isinilang sa bayan ng TUNDO noong Enero 29, 1987. bata palang ay nakahiligan na nya ang pagsusulat ng iba't-ibang istorya. Nakapuno na siya nang 198 pages na kwento sa notebook (mas marami pa kesa sa notes nya sa school). Pero sa kasamaang palad hindi na binalik ang notebook nang huling nagbasa. Laping pitong taon sya nang sumali sa paligsahan sa unang pagkakataon at pinalad na mapasama bilang finalist nang 5th Artisan Literary Awards noong Marso 5,2004 na may sagisag panulat na Kheruvim. Ngayon ay pinapangarap niyang magkaroon nang sariling libro at kilalanin bilang isang mahusay na manunulat upang mas rumami pang bumasa at malibang sa mga istorya na kanyang ginawa... (isang pangarap na hindi ko rin alam kung kelan matutupad).



ang mga kwentong ito ay base sa hima-hinasyon at inspirasyon ng MGA may akda. sadyang gumamit ng salitang taglish para sa aming kapwa Pilipino...

Nararapat lamang na mahalin natin ang ating sariling wika, huwag magpaka-professional lalo na kung nasa Pilipinas ka, ang pure english ay ginagamit lamang sa mga opisina at hindi sa pang araw-araw na usapan, bigyang respeto ang ating mga bayani na nagbuwis ng buhay para sa ating bayan. Huwag hayaang dumanak ang dugo mula sa ilong ng bawat Pilipinong nagmamahal sa ating wika.

Pinoy! magpaka totoo ka . .. ^_~



Para sa:

mga bata,
kabataan,
isip-bata,
mag-aaral,
ayaw mag-aral,
matanda,
namatanda,
magulang,
magugulang,
mga kaibigan,
kaibigan kapag may kailangan,
ka-ibigan,
umiibig,
ayaw umibig,
sawi sa pag-ibig,

BASTA TAONG MARUNONG MAGBASA