Nov 11, 2015

Once in my life nawala si bessy pardz...


       'Yun yung araw na nagkaroon sya ng super selosang girlfriend. Nagulat na nga lang ako naka block na ako sa FB nya. Masakit rin pala yun, of all the people na pinaniwalaan kong never akong iiwan, ayun! Biglang naglaho.



       Timing pa kung kelan kailangan ko ng tunay na kaibigan saka sya nawala. I know kasama sa prayer ko ang maging masaya si pardz pero hindi ako prepared na closeness pla namin ang kapalit. Knowing myself pwede akong magalit sa kanya that time dahil inulit nya ang ginawa sakin ng pinaka last bf ko noon pero ang weird ko lang hindi ako nakaramdam ng galit, nag tampo Oo pero hindi galit. Malakas kutob ko non na hindi si pardz ang nag block sakin. Tama naman! Nagwagi nanaman ang women instinct. Dahil nung nag away sila at nakausap ko sya nalaman kong yung gf nya nag block sakin. Kaya nung mawala ulit si pardz alam ko na nagkabati ulit sila ng gf nya.

Isang beses nakaaway ko gf nya gamit ang viber ni pardz. Grabe yun lahat ng panlalait sakin nasabi nya. Yung mga pang asar na lait ni pardz masakit pala pag iba na nagsabi. Ayoko sana syang patulan dahil si pardz din ang maiipit pero nasagad nya pasensya ko at the same time naaawa ako sa girl na yun. Wala naman talagang pinanganak na masama diba? pero sa ugali nya obviously may malalim na pinanghuhugutan. I don't know kung ano nangyari sa past life nya.

I tried to put my self on her. Tulad nya super selosa din ako noon pero hindi ko matandaang may inaway akong kaibigan ng bf ko noon. (Kung may X man po akong nagbabasa nito ngayon paki-remind po ako, thank you!) Nasa kanya na ang ganda at yamang inaasam ng iba pero bakit parang hindi parin sya masaya? Kaya after that fight with that girl, ako na ang lumayo. Mas kailangan ng girl na yun ang tulad ni pardz.

Naisip ko rin na baka way to ni Lord to give me some lessons. Masyado na kasi akong nag depend ng happiness kay pardz sa tuwing problemado ako, nalulungkot, naiinis, o nasasaktan, sya yung kinakausap ko pra lang maiba mood ko. May sariling problema rin naman si pardz at hindi ako sure kung nagagawa ko syang pasayahin sa mga araw na bad mood sya. It's time for me to be strong and fight alone.

Bestfriend ko sya pero hindi sa lahat ng pagkakataon nariyan sya. parang super hero! hindi lang isang tao ang dapat nyang tulungan kundi lahat ng taong kakailanganin sya. Sarili ko ngang shadow iniiwan ako sa darkness. Sya pa kaya?

Sa ngayon nagbalik na si Pardz! break na kasi sila nung selosang girl. Kaya lang hindi na kami kasing close noon. Nandun parin yung kakulitan nya pero kakaiba na talaga sya. Mas ramdam ko kawalan nya ng interes sa kwento ko minsan, mas obvious na pag change topic nya pag di sya interesado sa kwento ko. Parang napalayo na talaga loob nya sakin. Medyo cold na...

Para akong nawalan ng kapangyarihan mag pasaya ng kaibigan. Nakakalungkot na kailangan nya pang alalahanin yung isang past nya para lang maging masaya. Lalo na nung maging close ulit sila nung unang bestfriend nya. I was like "juskolord! Ano laban ko dun? They've known each other personally for so long!!!" Samantalang ako andito parin miles apart, Ni-hindi nga ako sigurado kung interesado pa ba syang magkita kami sa personal.

Pero baka nasa moving on stage pa sya, nag aadjust, kya intindihin nalang. He still there anyway! Nawala man sya nagbalik naman at effort parin magpatawa sa'kin kapag nalulungkot ako. Hindi sya tulad ng iba na tuluyang nawala.


 

No comments:

Post a Comment