Dec 31, 2015

Lessons from 2015 (year-end blog)

 


It became a difficult year for me. kung nag tapos ang 2014 ko ng malungkot pakiramdam ko nadala ko sya ng buong 2015.


     May mga araw na naghahanap ako ng happiness pero lagi akong nauuwi sa sadness. Wala nga akong nai-blog kahit nasa plan ko for this year na every moment may memories. Kasi nga hindi sya naging maganda, Nawala si pardz - big impact sakin yun, hindi ako sanay na di'ko sya maramdaman lalo na sa mga araw na kailangan ko ng kaibigan. Nagulo mundo ko sa clinic: nagkaron ng spa, nag-resign ang mga ka batch ko, naiwan ako mag isa, na promote as shift manager, may nag balik na kasama, nagkaroon ng mga bagong kaibigan, Nagkaron ng inspiration, natuklasan ang mga plastic na kaibigan, namulat sa mundong ni-minsan di'ko naimagine na maranasan, Natutong mangilala ng tao base sa pakikitungo sayo at hindi sa gawain nito, na left-out, naiwan muli ng ka batch, nalungkot, nasagad ang pasensya, naloko, na stress, nag burn-out, napagod. May mga nakilala din ako na hindi ko ka trabaho, nag explore, na experience magka hang over. Na gantyo ng akala ko tropa. sinubukan mag apply sa iba, nag training (sa umaga duty sa gabi), Nagkasakit. hays... basta napakaraming nang nagyari at karamihan dun hindi maganda.

"No need for revenge.those who hurt you will eventually screw up and if you're lucky, you may get to see!"
      And yes I do believe that quotes. hindi pa tapos ang taon yung mga taong may nagawang masama sakin ayun! may hindi natanggap abroad, namatayan ng kamag anak, nawalan ng trabaho, nawalan ng negosyo... that's DIGITAL KARMA for them. On the bright side mas madali ko na silang mapapatawad. I will forgive them but I won't forget what they did to me.

      Eventually, time will heal all the pain and tears. lilipas din ang lahat, iikot din ang mundo ko at tulad ng mga nag daang taon ng pagsubok, hindi man naging maganda ang taong ito may another 365 days pa ako para sa panibagong chapter ng buhay ko.

 

No comments:

Post a Comment