Oct 11, 2010

Isang liham para sa minamahal kong kaibigan...


Dear pardz,

parang kelan lang... isa kalang kaibigan ng bf ko noon... sino mag aakalang magiging super close tayo? andun ka nung magdramahan kami ikaw pa nag sorry kasi siniryoso ko ang biro mo sa kanya... noong mga panahon na wala sya ikaw ang ka kwentuhan ko, kapag EMO-EMOHAN ako, pinapatawa mo'ko... pinanindigan mo pa ang pagiging "CLOWN NG BUHAY KO"... mas CLOSE panga tayo kesa samin ng bf ko non diba? :D tapos nung nagkakalabuan na kami akala ko sya ang kakampihan mo... pero hindi, nanatili ka sa tabi ko at pinapasaya parin ako...


ang naganap na kasal-kasalan sa IWC Rally tambayaniSimplyRen and Kenzukiiwitness: xXx_m3hLuffHon3y_xXxdate: Oct. 11,2008 (4am)

Oct. 11 4am halloween event sa gaia same tayo naka masterpiece, naganap ang kasal-kasalan natin na ikaw rin ang pari...saksi si suzie... nagulat nga ako nung inalala mo yung exact date at time, pinagalitan mo pa 'ko nung nakalimutan ko :D mula non tinandaan ko na talaga yung date at tinuring ko na yong friendship day natin :D at ngayon 2 years aniv. na natin weeeeee more ADIK mode to come XD hndi kita nabati nung 1st aniv. kasi nasa ospital ako non pero pinaabot ko naman ang aking pagbati kay bruhang kath.

sobrang thankful ako kay lord kasi pinakilala ka nya sakin. madrama pero totoo. Thank you po lalo na sa mga happy moments,

sorry sa pagiging pasaway ko, ang tagal na nating friendship ni minsan hndi tayo nag away, nangyari lang first war natin dahil sa pinaka last kong naging bf... feel na feel ko galit mo sakin non. napagsalitaan mo pa ako ng masakit pero ok lang ako naman talaga may kasalanan... sorry pardz ha... promise hndi na ako mag bi-bf ng ganon... hndi na puro heart ang susundin ko pati si brain na... promise din hndi na ako agad-agad mag titiwala kahit long LOST FRIEND ko pa sya... kikilalanin ko muna ng paulit-ulit... promise...

Happy aniv. pardz gift ko ha? hahahaha mahahalikan kita ng tadyak at suntok pag wala kang gift :p sana mag tagal pa lalo friendship natin, seryoso ako ikaw gagawin kong ninong ng first baby ko! kaya humanda ka!... :p

Love you pardz... miss you alot... totoo yan kahit madalas mo akong pagtripan.. ayos lang masaya naman hehehe

(pansin ko lang dati nag a-i love you, i miss you with kiss and hug ka sakin ng madalas, bat ngayon once in a blue moon nalang? may malisya na? ayyieeee ikaw ha!! hahaha joke lang)

tama na masyado ng madrama baka ma-featured pa'to sa maalaala mo kaya, hahaha

Ashiteru ( • 3 •) mmmwah