Mar 13, 2010

Ayieee Bongga! hindi ako manhid...

proof na hindi ako manhid... kinikilig ako! ang bait talaga ni Lord sakin... di' lang nya pinadali ang sagot sa tanong ko nung isang araw, binalik pa nya ang alam nyang makaka heal ng tuluyan... kaya eto HAPPY HEART ulit :D

Kinamusta ako ng crush ko nung college... (as-usual, un-expected time in un-expected day)


Nagulat ako dun... sya nalang? why not?! hahaha XD matino naman syang guy (yun ang pag kakakilala ko sa kanya, kaya ko nga naging crush). bungad palang kinikilig na'ko lalo na sa mga sumunod naming usapan... andun yung sinabi kong pinag se-send ko ng application form ang mga manliligaw then saka ko nire-review, then sabi nya mag apply din sya, biniro ko naman na "cge send lang... pasisingitin pa kita" XD. tapos nung tinanong ko kung hiring sa office nila sabi nya wala pero pa papasukin nyako as GF nya. (talaga naman!) tapos ininterview pa nya ako (application as GF) ayun sa bandang huli pasado rin pala XD dami pang echos.
SYA: ok pasado ka na!
AKO: Uhmm kelan po ako mag sisimula?
SYA: ngayon na! pwede ba?
kinuha pa nya number ko (yun oh! 1st step)... at bago matulog...



Halos hindi na matanggal ngiti ko non. mama ko napansin narin ako "hoy ano ba yan nag co-computer ka lang naka ngiti ka pa" hahaha para 2loy akong baliw XD. sarap namnamin ng kilig factor XD. pero syempre kailangan ko parin maging WISE.
Lord, Thank you Lord! kung joke man yun ok lang, sa apat na oras na nagkausap kami naging masaya ako super saya. kaya na namnamin ko talaga ang kilig... thank you po :'>


Mar 6, 2010

Thanks Bro...

Ayun na nakapag 2nd opinion na ako na X-ray na ulit ako... positive... same lang sa unang findings. pero wag daw ako matakot sabi ng doktor, minor stage palang nagagamot pa. yun nga lang aabot ng 1 year mahigit ang gamutan...

Thankful parin ako kay lord dahil hindi malala ang sakit ko... (2lad noon na tinaningan ako ng doktor). sa ngayon nandito ako sa bahay nag papahinga. . .

Alam na ni Papa ang sakit ko, may pag-aalala sya nung maka usap ko sa phone, pinapaalala na wag ako mag-skip sa gamot at sundin ang doktor. para gumaling agad ako... syempre sinusunod ko, gus2 ko munang makita ang Happiest happiness in life. bago kami mag meet sa personal ni Bro :D

Mar 5, 2010

Because you left me...

hayzz REN! relax lang ang puso mo kaya mo yan! ganyan talaga ang life.... sa bawat 1% of happiness may 99% of sadness...
Lord biglaan naman :(

ang bilis nyo naman pong mag respond sa hiningi kong help... sana po slowly lang para hindi masyadong masakit... pero ok narin po na binigla mo para isang sakitan lang... kaya salamat po Lord, maraming nagmamahal sakin pero ikaw ang number 1 TRUE...

"God suffices me and He is the best guardian"

Mar 4, 2010

sana may gamot sa pag control ng feelings...

Kung meron mang gamot para lang ma-control 'tong nararamdaman ko, ininom ko na kahit ma overdose pa ako mawala lang ang nararamdaman kong "mali"...

Alam kong kapag nalulungkot ako laging may isang tao ang pinapakilala ni lord sakin. "someone" na may magagawang kakaibang role sa life ko para mabawasan ang sakit ng "the past". pero bakit sa dinami-dami ng taong dumating... sa kanya ako na pra-praning... makita ko lang picture nya, o name nya napapangiti na ako, walang happiness ang bawat araw kapag hindi ko sya nakaka-usap, at kahit bago matulog sya parin naka picture sa mind ko... Anong meron sya at nagawa nyang buhayin ang manhid kong heart?

Nahuhulog nanaman ako sa kanya... nawala na'to non nung malaman kong na ninigarilyo sya (malaking T.O sakin yon) pero heto nanaman... ilang months kaming hindi nag usap (busy sa kanya-kanyang life) ngayong may communication nanaman kami, hindi ko maiwasang mahulog sa kanya. Kaso hindi pwede... kaibigan ko sya at HINDI AKO ang mahal nya... worst is wala akong binatbat dun ang ganda nya eh >.>

Ang sarap isipin kung isang araw makakausap ko sya at aaminin nyang mahal nya rin ako... hayzzz DREAMS...

sa ngayon pinipilit kong itanim sa isip ko ang advice ni daddy Aries sakin non...

"Try to assess your feelings first. May mga tao na sadya lng malambing sa kahit na kanino… sa nanay, sa tatay, sa kapatid, o kamag-anak, sa kaibigan, sa katrabaho, sa kliyente, sa kahit na sinong nakakahalubilo nya. wag masyadong mag isip na inlove k na nga sa kanya. Always remember na “Love” should came with ‘respect’ and ‘trust’. Isipin mo rin baka naman kc kaya ganyan un feeling's is just b’coz, you feel na sya lang un nakakaappreciate sa iyo. Take some time for thinking and reflections, ask God for help."
At sana hindi lang matanim sa isipan ko, kundi tanggapin din ng heart ko yan...

Hindi ko masabi ang nararamdaman ko, kaya eto nalang daanin nalang sa kanta...
(at Oo naiintindihan ko ang meaning ng kantang yan kaya nga naka relate ako)