Oct 28, 2009

Can you sacrifice love for the sake of your friend's happiness...?

ilang beses na akong nag sakripisyo para sa ikaliligaya ng friend ko... maraming "CRUSH" ang hinayaan kong maging boyfriend nang friend ko, maraming beses narin akong naging tulay para sa bestfriend(s) ko (kaya mula non, hindi na ako nag bestfriend ng babae lalake nalang). isa sa matinding sakripisyo na nagawa ko; may nagmahal sakin na minahal ko narin, pero hindi ko pinaalam ( sa kanya na minahal ko sya ) kasi gusto sya nang friend ko at dahil ayokong masaktan si friend BINASTED KO ang taong "MINAHAL" ko narin. ( pero hindi naging sila kasi ayaw talaga ni guy sa friend ko ) sa ngayon si dating mahal nakita ko ang new picture sa friendster may hawak na baby (kanya ata... hayz) Nakakaramdam ako ng konting panghihinayang, hindi ko kasi alam kung tama ba naging decision ko non, kasi diba, anong malay ko kung isa na pala sa mga pinalampas ko si Mr.Ryt na hanggang ngayon hindi ko makita.

minsan tuloy naiisip ko kung mabuting kaibigan ba talaga ako o nagiging tanga na ako... Oo nga't tinuring ko silang kaibigan pero naging kaibigan ba talaga sila para sakin? kasi parang friend in one moment ( kaibigan sa isang chapter ng life mo sa susunod hindi na, lalo na sa panahon kung kelan kailangan mo dapat sila ). ... :(


Oct 27, 2009

Ako ang dagang may barkadang mga pusa

DAGA 1: ako tapang kain ako racumin
DAGA 2: mas tapang ako! kain ako cheese sa mouse trap
DAGA 3: ako tapang sa lahat!!!
DAGA 1 & 2: Bakit?
DAGA 3: barkada ko mga pusa

“Be brave enough to love your friends whom you know might hurt you in the end…”

Hayz parang ganon na nga ang nangyari, minahal ko’t pinagkatiwalaan ang mga taong akala ko makakatulong sakin para gumaan ang loob ko. Pero mali, maling-mali, dahil hibis na I cheer-up nila ako lalo akong na down. Pakiramdam ko lalo nila akong binabaon sa “kumunoy ng pagsubok”. Hindi lang ako dinamay pa si “Cookie”. Hiyang-hiya nga ako sa tao nung mangyari yon, Na nanahimik kasi sya, nakikisama, tapos pakikitaan nila nang kakitiran nang utak? Huwaw! As in Huwaw! Bat sila ganon? Nag matured nga sila sa kilos pero parang nahuli sa pag grow ang mga utak nila. Bakit ang kikitid parin nang utak nila?

Tuwing napapaaway ako laging sinasabi sakin na “wag mo nalang sila pansinin”. Na-apply ko sya that night at ang nakakatawa nariyan silang apat nagtatalumpati kaming dalawa ni Raniel tahimik lang. I cried nung maungkat ang problem ko sa bahay gusto ko silang pagsisigawan pero buti nalang na control ko sarili ko hinayaan ko sila mag speech pero walang nag sink-in na salita sakin. Hindi ko alam kung start na yon nang pakikipaglaban ko sa weakness ko. O dahil alam kong bawat masakit na salita nila sakin ay nasa pagkatao rin nang mga nagsasalita sakin.

“dahil dyan sa kinikilos mo, kami ang napapahiya sa ibang tao” natawa ako sa speech na ‘yon ano ba ginawa ko? Naging close lang naman ako sa isang kaibigan, hindi naman ako bulgarang naghubad sa harap nila, paano sila napahiya? Nung maging batang ina sila, at yung iba binuntis lang tapos iniwanan hindi ba sila napahiya non? Wala silang narinig sakin nung pinag sabihan ako nang magulang ko na lumayo na sa kanila dahil mga disgrasyada daw sila at baka matulad lang ako sa kanila. But instead heto ako nakikisama parin sa kanila, pinapatunayan sa mga magulang ko na kahit ganon ang barkada ko hindi ako nadadala sa IMPLUWENSYA nila. “konti respeto lang” respeto? Bakit may respeto ba sya sa sarili nya? Babae sya pero nagbibihis at kilos lalake sya, kahit na sabihing tibo pa sya. Nasaan ang respeto nya sa sarili nya?

Hindi ko pinapakelaman mga buhay nila kaya wala silang karapatan na pakelaman buhay ko. Kung may problema man ako sa family ko ‘wag na sila manghimasok antayin nila na kusa kong ikwento sa kanila hindi yung pipilitin nila akong sabihin sa kanila dahil kaibigan ko sila? Hindi sapat na dahilan ‘yon, hindi porket mga barkada ko sila dapat transparent na’ko sa kanila, hindi lahat pwede ko ipagkatiwala sa kanila, lalo na’t alam kong kung ano man ang sabihin ko; yun din ang gagawin nilang panlaban sakin. Hindi ko sila naging barkada para diktahan ako kung ano ang tama at mali. Sila dapat yung mga taong nakakakilala nang lubos sakin, mga taong magle-lend nang shoulder for me to cry on, mga taong mag chi-cheer-up sakin kapag sumusuko na ako, mga taong tutulong sakin para ma conquer ko mga fears at kahinaan ko sa buhay. Once in my life naging ganon sila, “ONCE” lang hindi pangmatagalan, kasabay nang pag graduate namin ang pag graduate din nila nang pagiging tunay na kaibigan…

Ngayon… kung isa man sa kanila ang makabasa nito, alam kong masasaktan sila, magdadamdam, o magagalit sakin…

Pero ayos lang! atlis quits na kami… para sa kanila ang “MIRROR AWARD” :D



Oct 2, 2009

Ayoko nang ganitong Reunion

Nagtataka si Raniel kung bakit ganon nalang ang pag worry ko sa kanilang lahat. (kinikilig naman sya, hehehe) Sa totoo lang mabilis talaga ako mag worry lalo na sa mga ka kilala ko. Ang dami na kasing nangyari, naranasan kong mamatayan ng boyfriend, naranasan kong makipag reunion sa bestfriend ko sa ospital nung masaksak sya (ok na sya ngayon), naranasan ko din mamatayan nang kaibigan. Kaya ganon nalang pag aalala ko sa kanila “ayokong um-attend ng reunion kung may isang natutulog” hindi na gets agad ni Raniel ang sinabi kong yon kaya kinuwento ko sa kanya ang nangyaring reunion sa family namin. Hindi kasi close ang family naming noon, away-away sila, magulo… basta magulo, Si ate Glo. Ang masayahin kong pinsan ang laging nag re-remind sa amin na tawanan lang ang problema. Hindi namin akalain na sya rin pala ang unang susuko. Nag bikti sya, at hindi namin alam ang dahilan, pero parang namaalam na daw sya kela mama at sa iba pa naming pinsan nung makausap sya sa phone. Tuliro kaming lahat nung mangyari yon, halos lahat hindi makapaniwala, naalala ko pa ang biro nya nung nag reunion namin sabi nya “pag ako namatay kikilitiin ko kayo sa paa” tapos nung naka libing na sya sabi nang pinsan kong isa, “ ’te glo reunion ulit tayo oh, kaya lang tulog ka na”. Pigil ang luha ko non. Natanim sa isip ko na “Ayoko nang ganitong reunion”. After ko ikwento kay reniel dun nya lang naintindihan kung bakit ganon ang pag wo-worry ko sa kanila. Kaya lang mapaglaro talaga ang tadhana, Oct. 1 nang gabi nag text si Angie patay na raw ang baby nya (hindi dahil sa bagyo, dahil sa sakit nya). Kahit hindi ko pa nakikita ang baby nya nakaramdam parin ako nang takot. Kinabukasan nag text si Joy pupuntahan naming si ghie sa bahay nila. Naiisip ko bigla reunion nanaman kaming magbabarkada noong high school pero may isang natutulog, hindi pa naming gaanong nakasama ang baby ni ghie pero nakaka lungkot parin, at natatakot ako sa pwedeng mangyari kay ghie. Ang lakas kasi ng imagination nailagay ko agad ang sarili ko kay ghie, (style ko yon para maintindihan ang ibang tao, laging “what if kung ako nasa kalagayan nila”). Mangiyak-ngiyak habang iniisip ko kung ako nasa kalagayan ni ghie, kaya sabi ko kela mhica dapat pasayahin naming si ghie kasi mahirap ang pinag dadaanan nya, Kasama si Raniel non (syempre kaklase naming sya nung high school). sya rin ang ginawa kong pampalakas nang loob, kahit tahimik syang tao kinakausap ko nalang sya para mawala ang isip ko sa babay ni ghie, Kasi naiiyak talaga ako, ayoko namang ipakita sa kanila yon, lalo na kay ghie baka ma apektuhan pa sya, lalong malungkot dahil sakin, Nung nandon na kami kela ghie hindi ko magawang silipin ang kabaong nang baby, miski lumapit hindi ko magawa. Nung nag kwe-kwento na si ghie nakita ko sa mata nyang gusto rin nya maging strong, bilib naman akong kinakaya nya.