Jan 29, 2010

Birthday wish ko?... HAPPINESS

yah seriously pansin ko kasi lagi nalang akong umiiyak, EMO, malungkot, bad mood, UNKNOWN... kulang na kulang sa happiness.

Magulo kasi life ko, nakaka baliw... (ikaw ba naman tumira sa bahay na may maingay na nanay, at walang modong mga kapatid) I might smiling outside but they don't know the pain i kept inside... (tama ba grammar ko? basta something like that) . Tapos mag karoon ka'pa ng mga kaibigan (na hindi mo talaga alam kung KAIBIGAN) sabi ng iba nagsusungit ako dahil sa age ko... naman! numbers lang yan at hindi pa naman ako ganon katanda O.A ha! Hindi naman lahat sinusungitan ko pag badtrip lang ako, masama ang gising, o kung yung kaharap ko alam kong pina-plastic lang ako (kunwaring mabait pero pag talikod ko may chismis agad sa kabilang bahay). Choosy lang talaga ako sa mga taong pagkakatiwalaan ko ngayon dahil kahit kamag-anak hindi mapag kakatiwalaan.

At 'tong sakit ko depress man o stress, sa kakaisip ko yan ng problema. kaya nga nag hahanap ako ng mga bagay-bagay na mapag-lilibangan ko base sa interest, dahil kung hindi siguradong sasabog 'to, magising nalang ako isang araw nasa mental na'ko.

HAPPINESS?
  • kapag wala nang nag compare sakin at sa ibang tao
  • kung hindi na ako maririndi sa boses ng nanay ko
  • kung may disiplina ang mga kapatid ko at may respeto
  • kung naka graduate ako sa kursong gusto ko
  • kung sinu-suportahan ako sa pangarap ko
  • kung naiintindihan ng ibang tao ang ugali ko
  • kung may taong magpapatawa sakin kapag nalulungkot ako
  • . . .
mga simpleng bagay para sa ibang tao, pero malaking bagay na yan para sakin. walang pain



ayos naman ang birthday celebration ko (celebration??????) anyways. ano man ang tawag don, syempre may kantahan ulit, (kahit walang ampli banatan parin sa kantahan). Pumunta mga HS tropa q (kailangan pa dramahan bago pumunta; dapat lang lagi akong present sa mga invitation nila kahit alam kong pag tutulungan lang ako, nakakahiya naman sakin kapag ako na nag iimbita at wala sila) may limang tinablan; yung isa kinabukasan pa pumunta, yung iba patigasan talaga (ano ba naman yung mag reply man lang sa tinext ko, diba? 2 weeks before palang nag paramdam na'ko)...

akalain mong may cake pa'ko:


galing sa barkada ni rose, hindi ko sila close noon (kinikilala ko pa, attitude nila) nagulat nalang sila kinausap ko sila. at tinupad nila ang sinabi kong i entertain ang mga bisita ko, (tutal feel at home narin lang sila, tahimik kasi nung apat kong HS berkz)

nakapag bonding din sila (sa inuman) sila-sila lang, mucho kasi ininom nila amoy palang nahihilo na'ko @_@ kaya no thank you!

kaya ang 0.1 happiness uhmmmmm OK LANG!

Jan 12, 2010

What’s your Korean name?


Surname: last number in your year of birth.

0: Park
1: Kim
2: Shin
3: Choi
4: Song
5: Kang
6: Han
7: Lee
8: Sung
9: Jung

Middle name : month of birth

1: Yong
2: Ji
3: Je
4: Hye
5: Dong
6: Sang
7: Ha
8: Hyo
9: Soo
10: Eun
11: Hyun
12: Rae

Name : date of birth

1: Hwa
2: Woo
3: Joon
4: Hee
5: Kyo
6: Kyung
7: Wook
8: Jin
9: Jae
10: Hoon
11: Ra
12: Bin
13: Sun
14: Ri
15: Soo
16: Rim
17: Ah
18: Ae
19: Neul
20: Mun
21: In
22: Mi
23: Ki
24: Sang
25: Byung
26: Seok
27: Gun
28: Yoo
29: Sup
30: Won
31: Sub 
Mine is: Lee Yong Sup (wee parang lalake hehe)

Jan 1, 2010

2010 na! @_@

Iba ang aura ng bagong taon ngayon. lumabas ako ng bahay ng walang takot dahil nasa mag-kabilang kanto lang ang mga nagpapa-putok, as in malayo.. eka may video ako non.. marami pa akong newyears video (yung sayawan sa loob ng bahay) upload ko nalang pag na compile na lahat. actually ang dami na naming newyears videos, camcorder pa gamit ko non at hindi pa na transfer sa cd or even dito sa computer kulang kasi sa accesories yung camcorder.

Nag trip pala kami ni kuya C. pataasan tumalon, tapos may picture

ayan naki join ang mga kapit bahay... tamang trip na kaming lahat, wala ako dyan kasi po masyadong mataas yung talon ko... char! hehe hindi kasi marunong si kuya C. kumuha pag nasa ere na lahat kaya aun, But honestly, mas maganda yung previous new year, may sayawan sa tapat ng tindahan namin, at na video-han ko pa yung sunod-sunod na pumasok sa loob ng bahay para maki kain hehe.

Inabot din pala kami ng 7am na kantahan, Una kwentuhan lang (ako pati ang "TV5" boys) habang nakikipag inuman sila sa tito ko (muntik na maubos ang laman ng ref. namin kaka-kuha ni tito ng redhorse... amp LUGE na tindahan!) tibay din ng dalawa (hindi kasi maka takas) tapos etong isa nung mag sawa sa kaka-kanta ako na napag tripan (itanong daw ba si "THE PAST") new year na new year pinaiyak ako takte talaga, pero hindi ko alam 'bat nga ba ako naiyak nung nabanggit na sya..
  • hindi naman siguro sa hindi ako maka move-on - dahil unti-unti akong NAKAKA MOVE-ON
  • pwedeng na mi-miss ko sya - sya lang kasi ang taong nakakaintindi sa ugali ko at nakakaalam kung paano ako mapapasaya
  • posible kayang... mahal ko pa sya? - ewan ko ba'ka akala ko lang yon kasi wala pa akong bf hanggang ngayon.
Mababaw lang talaga luha ko kapag napag uusapan "ANG NAKARAAN". yun din ang dahilan kaya hanap ko si "HAPPINESS" para maiba naman...

Hayzzz may mga tao talagang panira lang ng araw...