Dec 25, 2009

Merry Christmas!



Ayos naman ang pasko dito sa bahay, dating gawi KANTAHAN yan ang naging family bonding namin, parang walang kapit-bahay na maririndi sa boses namin kahit karamihan needs more practice. Hmmm imagine... Mga boses na kumakanta galing sa isang buong choir... ng mga PALAKA hehe. May video pala kami non (kumakanta isa-isa, syempre wala ako) upload ko nalang pag na compile ko na.

Oct 28, 2009

Can you sacrifice love for the sake of your friend's happiness...?

ilang beses na akong nag sakripisyo para sa ikaliligaya ng friend ko... maraming "CRUSH" ang hinayaan kong maging boyfriend nang friend ko, maraming beses narin akong naging tulay para sa bestfriend(s) ko (kaya mula non, hindi na ako nag bestfriend ng babae lalake nalang). isa sa matinding sakripisyo na nagawa ko; may nagmahal sakin na minahal ko narin, pero hindi ko pinaalam ( sa kanya na minahal ko sya ) kasi gusto sya nang friend ko at dahil ayokong masaktan si friend BINASTED KO ang taong "MINAHAL" ko narin. ( pero hindi naging sila kasi ayaw talaga ni guy sa friend ko ) sa ngayon si dating mahal nakita ko ang new picture sa friendster may hawak na baby (kanya ata... hayz) Nakakaramdam ako ng konting panghihinayang, hindi ko kasi alam kung tama ba naging decision ko non, kasi diba, anong malay ko kung isa na pala sa mga pinalampas ko si Mr.Ryt na hanggang ngayon hindi ko makita.

minsan tuloy naiisip ko kung mabuting kaibigan ba talaga ako o nagiging tanga na ako... Oo nga't tinuring ko silang kaibigan pero naging kaibigan ba talaga sila para sakin? kasi parang friend in one moment ( kaibigan sa isang chapter ng life mo sa susunod hindi na, lalo na sa panahon kung kelan kailangan mo dapat sila ). ... :(


Oct 27, 2009

Ako ang dagang may barkadang mga pusa

DAGA 1: ako tapang kain ako racumin
DAGA 2: mas tapang ako! kain ako cheese sa mouse trap
DAGA 3: ako tapang sa lahat!!!
DAGA 1 & 2: Bakit?
DAGA 3: barkada ko mga pusa

“Be brave enough to love your friends whom you know might hurt you in the end…”

Hayz parang ganon na nga ang nangyari, minahal ko’t pinagkatiwalaan ang mga taong akala ko makakatulong sakin para gumaan ang loob ko. Pero mali, maling-mali, dahil hibis na I cheer-up nila ako lalo akong na down. Pakiramdam ko lalo nila akong binabaon sa “kumunoy ng pagsubok”. Hindi lang ako dinamay pa si “Cookie”. Hiyang-hiya nga ako sa tao nung mangyari yon, Na nanahimik kasi sya, nakikisama, tapos pakikitaan nila nang kakitiran nang utak? Huwaw! As in Huwaw! Bat sila ganon? Nag matured nga sila sa kilos pero parang nahuli sa pag grow ang mga utak nila. Bakit ang kikitid parin nang utak nila?

Tuwing napapaaway ako laging sinasabi sakin na “wag mo nalang sila pansinin”. Na-apply ko sya that night at ang nakakatawa nariyan silang apat nagtatalumpati kaming dalawa ni Raniel tahimik lang. I cried nung maungkat ang problem ko sa bahay gusto ko silang pagsisigawan pero buti nalang na control ko sarili ko hinayaan ko sila mag speech pero walang nag sink-in na salita sakin. Hindi ko alam kung start na yon nang pakikipaglaban ko sa weakness ko. O dahil alam kong bawat masakit na salita nila sakin ay nasa pagkatao rin nang mga nagsasalita sakin.

“dahil dyan sa kinikilos mo, kami ang napapahiya sa ibang tao” natawa ako sa speech na ‘yon ano ba ginawa ko? Naging close lang naman ako sa isang kaibigan, hindi naman ako bulgarang naghubad sa harap nila, paano sila napahiya? Nung maging batang ina sila, at yung iba binuntis lang tapos iniwanan hindi ba sila napahiya non? Wala silang narinig sakin nung pinag sabihan ako nang magulang ko na lumayo na sa kanila dahil mga disgrasyada daw sila at baka matulad lang ako sa kanila. But instead heto ako nakikisama parin sa kanila, pinapatunayan sa mga magulang ko na kahit ganon ang barkada ko hindi ako nadadala sa IMPLUWENSYA nila. “konti respeto lang” respeto? Bakit may respeto ba sya sa sarili nya? Babae sya pero nagbibihis at kilos lalake sya, kahit na sabihing tibo pa sya. Nasaan ang respeto nya sa sarili nya?

Hindi ko pinapakelaman mga buhay nila kaya wala silang karapatan na pakelaman buhay ko. Kung may problema man ako sa family ko ‘wag na sila manghimasok antayin nila na kusa kong ikwento sa kanila hindi yung pipilitin nila akong sabihin sa kanila dahil kaibigan ko sila? Hindi sapat na dahilan ‘yon, hindi porket mga barkada ko sila dapat transparent na’ko sa kanila, hindi lahat pwede ko ipagkatiwala sa kanila, lalo na’t alam kong kung ano man ang sabihin ko; yun din ang gagawin nilang panlaban sakin. Hindi ko sila naging barkada para diktahan ako kung ano ang tama at mali. Sila dapat yung mga taong nakakakilala nang lubos sakin, mga taong magle-lend nang shoulder for me to cry on, mga taong mag chi-cheer-up sakin kapag sumusuko na ako, mga taong tutulong sakin para ma conquer ko mga fears at kahinaan ko sa buhay. Once in my life naging ganon sila, “ONCE” lang hindi pangmatagalan, kasabay nang pag graduate namin ang pag graduate din nila nang pagiging tunay na kaibigan…

Ngayon… kung isa man sa kanila ang makabasa nito, alam kong masasaktan sila, magdadamdam, o magagalit sakin…

Pero ayos lang! atlis quits na kami… para sa kanila ang “MIRROR AWARD” :D



Oct 2, 2009

Ayoko nang ganitong Reunion

Nagtataka si Raniel kung bakit ganon nalang ang pag worry ko sa kanilang lahat. (kinikilig naman sya, hehehe) Sa totoo lang mabilis talaga ako mag worry lalo na sa mga ka kilala ko. Ang dami na kasing nangyari, naranasan kong mamatayan ng boyfriend, naranasan kong makipag reunion sa bestfriend ko sa ospital nung masaksak sya (ok na sya ngayon), naranasan ko din mamatayan nang kaibigan. Kaya ganon nalang pag aalala ko sa kanila “ayokong um-attend ng reunion kung may isang natutulog” hindi na gets agad ni Raniel ang sinabi kong yon kaya kinuwento ko sa kanya ang nangyaring reunion sa family namin. Hindi kasi close ang family naming noon, away-away sila, magulo… basta magulo, Si ate Glo. Ang masayahin kong pinsan ang laging nag re-remind sa amin na tawanan lang ang problema. Hindi namin akalain na sya rin pala ang unang susuko. Nag bikti sya, at hindi namin alam ang dahilan, pero parang namaalam na daw sya kela mama at sa iba pa naming pinsan nung makausap sya sa phone. Tuliro kaming lahat nung mangyari yon, halos lahat hindi makapaniwala, naalala ko pa ang biro nya nung nag reunion namin sabi nya “pag ako namatay kikilitiin ko kayo sa paa” tapos nung naka libing na sya sabi nang pinsan kong isa, “ ’te glo reunion ulit tayo oh, kaya lang tulog ka na”. Pigil ang luha ko non. Natanim sa isip ko na “Ayoko nang ganitong reunion”. After ko ikwento kay reniel dun nya lang naintindihan kung bakit ganon ang pag wo-worry ko sa kanila. Kaya lang mapaglaro talaga ang tadhana, Oct. 1 nang gabi nag text si Angie patay na raw ang baby nya (hindi dahil sa bagyo, dahil sa sakit nya). Kahit hindi ko pa nakikita ang baby nya nakaramdam parin ako nang takot. Kinabukasan nag text si Joy pupuntahan naming si ghie sa bahay nila. Naiisip ko bigla reunion nanaman kaming magbabarkada noong high school pero may isang natutulog, hindi pa naming gaanong nakasama ang baby ni ghie pero nakaka lungkot parin, at natatakot ako sa pwedeng mangyari kay ghie. Ang lakas kasi ng imagination nailagay ko agad ang sarili ko kay ghie, (style ko yon para maintindihan ang ibang tao, laging “what if kung ako nasa kalagayan nila”). Mangiyak-ngiyak habang iniisip ko kung ako nasa kalagayan ni ghie, kaya sabi ko kela mhica dapat pasayahin naming si ghie kasi mahirap ang pinag dadaanan nya, Kasama si Raniel non (syempre kaklase naming sya nung high school). sya rin ang ginawa kong pampalakas nang loob, kahit tahimik syang tao kinakausap ko nalang sya para mawala ang isip ko sa babay ni ghie, Kasi naiiyak talaga ako, ayoko namang ipakita sa kanila yon, lalo na kay ghie baka ma apektuhan pa sya, lalong malungkot dahil sakin, Nung nandon na kami kela ghie hindi ko magawang silipin ang kabaong nang baby, miski lumapit hindi ko magawa. Nung nag kwe-kwento na si ghie nakita ko sa mata nyang gusto rin nya maging strong, bilib naman akong kinakaya nya.

Sep 27, 2009

Ang lupit ni ondoy

Sept. 26, 2009 ; Pinasok nang tubig ang bahay. Inakyat ko agad yung CPU sa takot na baka abutin nang baha. Tapos tumulong na ako sa paglilimas nang tubig. Iisa ang view sa magkakapit bahay, lahat naglilimas nang tubig. Dati, sila lang ang madalas bahain pero that time kabilang narin kami. Hapon na bago kami tumigil sa paglilimas, tuloy-tuloy ang buhos nang ulan, kaya parang baliwala ang paglilimas namin nang tubig. Tapos nawalan pa nang kuryente kaya lalong mahirap kumilos sa loob. Madaling araw na non nung makaramdam kami nang antok. Kinabukasan paggising namin lubog na sa baha ang ibang gamit namin, brownout parin, pero tumigil na ang ulan. Feeling ko nasa titanic kami habang inaakyat ko ang mga nabasang gamit sa platera. Mataas ang tubig at flashlight lang ang liwanag. Lumubig din sa baha ang component naming, yung pinaglalagyan nya bumigay, buti hindi tuluyang nahulog ang tv at speakers na nakapatong sa bandang itaaas. Si mama galit na galit nung makita nya ang component inaasahan na kasing sira na yon. Sinisisi pa si papa sa pag kabit non, “pag tumawag ang papa mo sesermonan ko talaga yon” yon ang pagkakasabi ni mama. kesyo palpak sa pag aayos nang gamit na parang napaka talinong tao ni mama. Naaawa nga ako sa papa ko, hindi naman akalain ni papa na papasukin nang baha ang bahay mataas na kasi, tiles pa. at ang pagkakaayos nya sa component, inayos lang naman nya ang cord sa may likuran para hindi buhol buhol ang cord maganda pa tignan. Si mama parang hindi kumpleto ang araw nang walang sinisisi. “sabi ko na nga ba aabutin nang baha yang component eh” sa isip-isip ko (“naisip mo na palang aabutin nang baha, ‘bat di’mo naisipang mag tawag nang kalalakihan para mabuhat yang mga minamahal mong gamit”). Naglilimas kami nang baha ni Rene sya nag tatawag, si rose dun sa bahay ng kaklase nya natulog na stranded kasi sila sa school, at lubog narin sa baha ang Blumentritt. Buti isa sa mga nakausap ni mama sa phone sabi daw sa kanya “ikaw naman papagalitan mo pa si nato nag tra-trabaho ang tao dun, di naman nya alam na babahain kayo, pasalamat ka nalang di tayo tulad ng nangyari sa ibang lugar na lampas tao ang baha. Pasalamat ka buhay pa kayo” siguro nga tinamaan si mama don. Dahil nung tumawag si papa hindi nya pinagalitan kinuwentuhan nya nalang nang nangyari, at yung component ewan ko kung tama pero pinatuyo lang namin nang ilang araw tapos ‘eto ginagamit na ulit gumagana pa naman nakakatakot lang baka sumabog. Tapos non naisip ko naman ang mga kakilala ko. Nag miss call ako sa lahat nang nasa phonebook ko gamit ang landline naming, (wala kasi akong load) Sabi ko sa sarili ko… kapag nag-ring ayos lang sila (magtiwala kay Bro) pero pag hindi kabahan na ako, (baka hindi pa na se-save ni Bro.) Mga kakilala ko sa bulacan hindi ko ma contact. (karamihan pa don X ko) hindi ko ma contact miski mga kapatid nila. Isa lang ang na contact ko, sila kent ( escort ko nung debut ko ). Ang mokong nag aya pa mag swimming kung kelan bumabagyo. Matagal na kasi kaming hindi nagkikita (at parang nawili sya nung nagswimming kami kasama sila papa). Pero nag aalala talaga ako kela Jan, Nap at sa iba pa hindi ko kasi sila ma contact.
Pati mga ka chat ko kinontak ko din, Buti si Alex nag text ayos naman daw sila dun, ganun din si Kath. Si pards miss na miss ko na din yu,n hindi pa ako pwede mag online eh, hindi ko naman sya pwedeng tawagan o i-text dahil long distance (as in)… Pati mga barkada nong nung high school. Si Ayyen noon nasa bulacan sya kaya nag alala din ako buti nalang lumipat na sila ditto ulet sa may Benita kaya safe sila.

Iniisip ko sila Leonard, Rosaline, Fatima, Romeo at iba pa. Pai si bading na nasa divisoria kinamusta ko din buti nalang safe din sya. . .

Aug 20, 2009

Ang mapagmahal

Naririto nanaman ako sa lugar na kung saan wala akong ginawa kung ang humiga. Nakaka-boring pero may magagawa paba ako? Diko naman sinasadyang magkasakit ako. Ako nga pala si Susie, maliit pero maganda…

Aug 19, 2009

The times of your life


...Good morning, yesterday, you wake up and time has slipped away and suddenly it's hard to find the memories you left behind remember, do you remember?...

Kilala mo ba si Sandy?


Sandara Park ang whole name nya, Dating Star Circle Questor na partner ni Hero Angeles (nung kapanahunan nila Sanchai at Lei ng Meteor Garden) Sya din ang pambansang krungkrung (sa kanya namin nakuha ang tawagan namin ni special someone *slash* bestfriend)

Sa ngayon isa sya sa myembro ng sikat na 2ne1 bilang si Dara



O ayan kilala nyo na? wala lang na natutuwa lang ako sa achievement nya ngayon, parang kelan lang abot kamay ko pa sya (as in abot kamay sa sobrang lapit).

May shooting kasi sila noon Because of you sa may riles, halos isang kanto o eskinita lang ang pagitan mula sa truck ng ABS-CBN (ano nga ba tawag dun?... basta yun na 'yon!) Tapos si Sandy nag CR ata or nag retouch isa sa mga bahay dun mismo sa eskinita ng aming tambayan, Gabi na non kaya medyo madilim unang daan nya hindi ko nakilala kasi naka rollers sya non, Tapos halos mag kasing laki lang kami...

*dumaan si sandy*
Kuya Troy: Ren, Nakita mo yung dumaan?
Ako: Hindi, bakit sino 'yon? (hindi ko napansin kasi kausap ko si drix non)
Kuya Troy: Si Sandy
Ako: Sinong sandy? (kala ko 'yung naka away ko non dumaan na para rumesbak, :p)
Kuya Troy: Sira si Sandara Park
Ako: O_O
Kaya ayon inabangan ko talaga pagdaan ulit ni Sandy, Gusto ko mag pa picture pero wala pa akong cam non or cellphone na may cam ehehe, Di 'rin naman pwedeng autograph alangan namang pasulatin ko sa katawan ko hehehe. Kaya ayon hanggang tanaw nalang ako, sinundan ko sya ng tingin hanggang sa lugar kung saan sila nag sho-shooting. Tapos nanood kami (pauwi na ako non super gabi na) natandaan ko panga yung part na yon pareho sila ni Hero nakasandal sa kotseng kuba, tapos si pokwang lasing-lasingan... sa sobrang ka krungkrungan ko kela sandy nag ipon talaga ako pangbili ng VCD ng movie nila (syempre orig, mas matibay ang orig kesa sa pirated :p).

Nakakamiss ang moment, Moment na napalampas ko nanaman, (si TJ Valerio lang ata ang hindi nakaligtas sa pagka krungkrung ko) Alam kaya nila Sandy ang nangyari sa dating bahay na pinag shootingan nila? naalala pa kaya nya ang mga taong nakasalamuha nya 'don? (hmm try ko picturan kapag dumaan ako dun dala ang cam, sana lang walang snatcher >.<) Grabe kasi, Sikat na sya ngayon astig!

Gayahin ko kaya sya, at iba pang mga nawala tapos pagbalik may malaking surpresa na, Tipong surpresa na wala sa katangian ko na nakilala nila hehhehehe lalim!!! na dive nyo ba? basta mmhmmm we'll see... abangan sa mga susunod na kabanata...

Aug 18, 2009

Lapis

Hay, eto nanaman ako… walang magawa kung hindi kausapin ang sarili… sa totoo lang di ko alam kung bakit ko ito ginagawa, para ba pasayahin sila? Hindi noh! Wala gusto ko lang talaga magsulat, dito kasi ikaw lang ang nasusunod, ikaw ang may control. Sa pagsusulat kaya mong baguhin ang lahat ng ayaw mo o gusto, marami ang nagbago sa buhay ko dahil sa lapis.

Jul 29, 2009

I'm back!!!!!

Yes, I’m still alive… nawala lang ako ng ilang linggo dahil nung June 24 kasabay ng pag-init ng aking ulo, ang pag init ng computer ko. kaya ayun! sabog ang motherboard

salamat sa tulong ng aking f4 (four friend) na sila Eco, Jounel, Eric at Jeff. Dahil nabawasan ang stress ko. mga komidyanteng comtech kasi sila. sa ngayon konti nalang buo na ulit ang pc ko. tapos balik na ulit sa editing studio. balik sa umpisa; search ulit ng clips, at songs tapos layering at effects. Mahirap pero ganon talaga ang life

at syempre hindi pa ako tapos sa mga DAPAT MAGBAYAD bwahahaha.

salamat din pala kela
Raineil para sa bagong program na pag a-adikan ko at ituturo sa aking f4 in the future.
kuya Jay-R para sa pag install ulit ng MS’07, at paglagay ng GG client.
Dheo para sa advice at pag sagot sa makukulit kong tanong tungkol sa computer ko.

at kay Lord dahil binigyan nya ako ng talino para makaisip ng diskarte sa pagpapagawa ng computer ko


Jul 28, 2009

B.H Syndrome ( love-nat in tagalog :D )

B.H Syndrome ( Broken heart syndrome )

Broken heart syndrome is a temporary heart condition brought on by stressful situations, such as the death of a loved one. Many people who have broken heart syndrome may have sudden chest pain or may think they’re having a heart attack. These broken heart syndrome symptoms may be brought on by the heart’s reaction to a surge of stress hormones. In broken heart syndrome, a part of your heart temporarily enlarges, a condition called cardiomyopathy.

First described medically in 1991 by Japanese doctors, the condition was originally called takotsubo cardiomyopathy. Takotsubo is a type of pot used by Japanese fishermen to capture octopuses. When doctors take X-ray images of a person who’s experiencing broken heart syndrome, part of his or her heart resembles the pot. Today, the condition is also referred to as stress cardiomyopathy, stress-induced cardiomyopathy or apical ballooning syndrome.

Broken heart syndrome is treatable, and usually requires about a week to recover.

Symptoms

Broken heart syndrome can mimic a heart attack, with common symptoms being chest pain or shortness of breath. Any long-lasting or persistent chest pain could be a sign of a heart attack, so it’s important you take it seriously and call 911 if you experience chest pain. When to see a doctor
If you’re having any chest pain or shortness of breath after a stressful event, seek emergency medical assistance immediately.

for more info. visit: mayoclinic.com

meron ako nyan (symptoms palang hindi ko pa na kukunsulta sa doctor, nakakahiya eh) ikaw? baka meron ka nyan, pa check-up ka na rin.


Jul 7, 2009

Hindi nabibili, ang tiwalang binigay sakin?


Yan ang CD na pinagkakaguluhan dito sa amin. Pinanood ng mga kapatid ko at nakita ng mga “usi” kong kapitbahay. Binalak hiramin para kopyahin, pero syempre kapag gamit ko bawal ilabas ng bahay ng walang pahintulot ko. Kinukulit nila ang mga kapatid ko, mama ko, pati pinsan ko makumbinsi lang nila ako na ipahiram ang CD. Sinubukan narin nilang hiramin sakin. Pero matigas na “Hindi Pwede” ang sinagot ko sa kanila. Oo nga’t kapitbahay ko sila pero HINDI
KAMI CLOSE.

Hindi naman sa nagdadamot, I just have some reason kung bakit ayoko ipahiram sa kanila…
  1. Nakapangako ako sa isang tao na “Personal Copy” ko lang ‘yon at pang back-up if ever magka-problema sa youtube. (kung san ko inapload ang dance compilation)
  2. three months ko syang inipon, inedit pinagpaguran; para i-dedicate sa tatlo kong online friends bilang pasasalamat na pinakilala nila sa akin ang jabbawockeez at para narin sa pagbibigay pugay sa mga proudly pinoy na myembro ng jabbawockeez.
  3. Ayokong may kapareho ako, lalo na kung ang bagay na ‘yon pinagpaguran ko, kaya sinadya kong maging kakaiba ang jabbawockeez compilation video (actually lahat ng videos na ginagawa ko). At para narin masasabing kong may karapatan ako if ever na manakaw sakin ang video.
Kaya hindi pwedeng hiramin ng ganon lang para magkaroon sila ng kopya, at isa pa pag ginawa ko yon parang namigay narin ako ng pirated CD “No Way!” … pero hindi naman ako ganon kasama, sinabi kong panoorin nalang nila sa youtube o sa website ko, yung dance compilation. Hindi lahat ng nasa CD inapload ko pero kung talagang gusto lang nila mapanood ang sayaw ng Jabbawockeez; makuntento na sila sa mapapanood nila sa youtube o sa website ko.

A figment of your imagination
The Jabbawockeez Dance Compilation by SimplyRen
-> Watch Here <-

Jul 5, 2009

Idaan sa kanta ang aking mensahe para sa kanila…

para sa mga taong
  • nagdidikta sakin kung ano ang dapat kong gawin,
  • naiinis sa ugali ko,
  • hindi ako maintindihan
'di ko malaman kung ano ang gagawin ninyo sana ay makilala kung sino na nga ako bakit di nyo ma-gets
Try to understand me and you know me well, Try to understand me, This is just the real me, Why can't i just be my self and be accepted can't you see

Di na kailangang magkunwari kung minsan, wala namang masama sa ginagawa diskarte ko'y iba ang kailangan ko'y pagbigyang tumindig sa sarili supports what i need, sa aking barkada sa aking pamilya 'wag ipilit sa'kin ang hindi ako… ok ako

Ako ay kausapin mo at makikita mong pareho lang naman ito, kakaiba lang talaga ang mga diskarte ko Kung tingin mo'y mali, nagkakamali oh ay naku!


Gets nyo?

Jun 27, 2009

Ang dami ko palang “fallen dreams”

  • bike ( binilhan pero side car, para daw angkas ko mga kapatid ko )
  • piano / keyboard... nabilhan ako ni papa non nung bata pa ako 8 keys lang at may tutorial sheets, dun ako natuto tumugtog ng nursery rhyms, silent night, broken vow, happy birthday (hindi kumpleto) balak nya kasi ako sanayin until maging pianonist ako. kaso ang pianong yon hindi na nasundan :( nakalimutan na ata ni papa, naiingit nga ako sa pinsan ko may sarili syang grand piano at may sariling piano teacher.
  • miniature room (hindi nabuo isang item lang nabili ko “pencil holder”) ang mahal kasi ng mga pieces.
  • dream room (may sariling room ako noon kaso habang tumatagal napapadalas ang bangungot ko, sabi ng feng sui master na bumisita sa bahay namin non, base sa date of birth ko hindi ako pwede sa side ng bahay na kinalalagyan ng sarili kong room. kaya nilipat ako sa kabilang room ( sariling bed nalang, kasama ko na mga kapatid ko sa room ) at yung dati kong room naging guest room nalang :(
  • Fine arts / graphic artist coarse… pero ayaw nila sa anything related to “ARTS” wala daw pera sa art. Alam nating lahat na mahirap mahalin ang kursong hindi mo talaga gusto; Kaya ang kinalabasan nagkaloko-loko ang college life ko…
  • sariling library / attic / studio room sa bahay (asa pa ako...aus lang libre naman mangarap lolz).
Habang tumatagal ang nilalagi ko sa earth, padami rin ng padami ang mga pangarap na hindi natutupad. Pero ayos lang, kahit isang dream nalang sana ang matupad… True Happiness in Life. Kahit yun lang…

Jun 2, 2009

Boys over flower ^_~

natapos ko na panoorin ang Boys Over Flower! (syempre english sub.) ngayon-ngayon lang… June.2,2009 exactly 12:36pm. sa internet ako nanood, bitin kasi ako sa 30 minutes na panonood sa TV, kahit na tagalog yon sana 1 hour manlang ^_^

mula sa love story nila = goo jun pyo – geum jan di – ji hoo…
hangang sa love story nila = yi jhung – ga eul

pati commercial ng cellphone pinanood ko na sa sobrang addicted sa kanila…

ang cute talaga nang dalawang yan… uhmmm once in my life may na meet akong jun pyo at ji hoo hindi sa yaman, hindi rin sila magkaibigan, pero sa ugali!… same lang sa meteor garden na sila dao ming zu at wa se lei. kaya attracted talaga ako sa character nila. na miss ko tuloy yung dalawang ‘yon ^_^

Jun 1, 2009

ang cute nya v_v



ows? talaga lang ha! you can be my hero?

but infairness...
ang KILAY!
ang TINGIN!
ang BOSES!
hayzzzzzzzzz



kung ganyan ba laging sasalubong sakin sa umaga,
for sure napaka ganda ng araw ko...

imagine nakalimutan ko agad yung problem ko.

( ' 3') (^-^)>

May 9, 2009

pwede pala ako maging action star...

May 8. (friday) ng mangyari ang nakaka-trauma na pangyayari sa aking life. May nakalaban akong holdaper... ganito ang buong pangyayari.

Kailangan namin magtipid dahil na postponed ang alis ni papa. Kaya nung mamimili si mama ng sapatos at slipers ng mga kapatid ko pinasama ako ni papa, (kahit masakit ulo ko, sumama ako) alam nyang pwede ko pa mapigilan sa paggasta si mama, (sakin kasi hindi uubra ang pagiging maluho ng mga kapatid ko). kaya kung ano ang dapat sa kanila yun lang! un nga ang nangyari as in TODO pag titipid kami ni mama, nag aya si mama kumain sa jollibee (pag yung dalawa kasi kasama nya, lagi sila sa jollibee). eh ako Jollibee kung may pera pero kung wala wag na ipagpilitan, bandang hapon na non at medyo may sinat narin ako...

Edi yun na nga pauwi na kami, pagsakay namin sa jeep, may nakasabay pala kaming holdaper. nasa may pintuan ako ng jeep non, katabi ko si mama at ang holdaper kaharap nya. Kalagitnaan ng byahe nag salita ang holdaper. pinapahubad kay mama ang wedding ring nya, nung ayaw ibigay ni mama lumakas ang boses ng holdaper "Hubarin mo sabi yan!" tapos nakita ko yung hawak nyang kutsilyo, sa takot ko na saksakin si mama, sumigaw na ako "Hoy!!" (parang siga ng tondo ang pagkakasigaw ko) sabay tadyak sa kanya, nakita ko ang gulat sa muka ng holdaper hindi nya siguro akalain na sa liit kong 'tong lalaban ako sa kanya. Tapos ako na binalingan sabi nya "Ano? ano?" (habang pinapakita ang kutsilyo nya). ako naman parang sira diko iniisip ang posibilidad na isaksak nya sakin yon (may kalawang panaman) sumagot pa ako, "Ano din?" sabay sigaw sa may pinto ng jeep ng "Magnanakaw!!" (talagang sa may labas ako ng jeep sumigaw para ma-alarma ang mga tao sa labas, dahil takot na rin ang iba pang pasahero ng jeep non) yakap ko ang karton ng sapatos non, yun lang ang hawak kong panangga sa kutsilyo nya, Pinabilisan ng driver ang pagpapatakbo nya ng jeep para umabot sa malapit na police station sa takot nang holdaper naiisipan na nyang bumaba (akala ko may nakuha kay mama). Di'ko tinigilan yung holdaper pinagtatadyakan ko sya, balak ko sya ihulog sa jeep, hindi ako nagpakita ng takot, kaso may pagka stuntman pala ang holdaper na yon tindi ng kapit, kaliwang kamay nakasabit sa jeep, kanang kamay may hawak na kutsilyo balak na nya ako saksakin non para maka ganti sya, pero di sya masyadong makakilos sa sikmura ko sya pinag tatadyakan. hawak ako sa bewang ni mama at ng iba pang pasahero takot silang mahulog ako. kung may dala akong di-spray na pabango non baka binulag ko pa sya. huling malakas na tadyak napabitiw na yung holdaper pinaghahabol na sya ng mga sidecar boy at ng iba pang nakarinig sa sigaw ko...

Tapos nalaman ko walang nakuha kay mama at buti nalang din at di sya nasugatan, (diabetic si mama, bawal sa kanya masugatan dahil mahirap na gumaling). Nakita ko rin ang gulat ng ibang pasahero, small but terible O_O

Ninenerbyos pa si mama non nung makauwi kami sa bahay at kinuwento kay papa ang nangyari. Natawa naman si papa kinuwento namin yung pagkakasigaw ko ng "Hoy!" sa holdaper.,parang siga lang. pati yung pag sabi ko ng "Ano din?" sabay sigaw ng "magnanakaw" wais! e kasi kung sa loob ako ng jeep sisigaw maalarma lang ibang pasahero hindi rin makakatulong sa takot ,kaya sa labas nalang para pagbaba ng holdaper bugbog sarado sya sa taong bayan. natawa din si papa dun sa pag tatadyak ko sa holdaper, (may pagka karate kid daw ako).

Pero pinagsabihan din ako ni papa, 'wag ko na daw uulitin na lumaban lalo na kung mag isa lang ako, sinuwerte lang aq nung araw na 'yon, di'ko na masasabi ang mangyayari sakin sa susunod, pwede pa daw nya kitain ang mananakaw samin, pero ang buhay namin hindi na. at nadala lang daw ako ng takot na baka isaksak kay mama yung kutsilyong hawak ng holdaper kaya nagkaroon ako ng lakas ng loob kalabanin ang holdaper...

pero ewan ko lang ha! kasi nung may nagwawalang lasing dito, (dedo na ngayon naaksidente; sumalangit nawa) parang siga din ako na pinagalitan sya, Lasing 'yon! problemado at pwedeng ihagis sakin ang mga boteng binasag nya pero di'ko pinansin, madaling araw kasi 'yon nagwawala sya super ingay at nagbabasag ng bote (si mama nagwawalis ng binasag nya) kaya sinigawan ko "Ano ba? nagbabasag ka ng bote dyan ginawa mong tagalinis si mama, kung may problema ka dun ka sa bahay nyo magwala hindi dito at bayaran mo yang mga binasag mo! kung ayaw mo basagin ko yan sa muka mo!" hayun umuwi sya sa sobrang hiya.

Hayz grabe bihira lang ako magalit pero pag lumabas na nakakatakot na daw O_O
palagay ko nga...

May 4, 2009

pa-HUG!!!

Hayzz hindi ko malaman kung bored lang ba ako o talagang nalulungkot ako. Madami pa akong dapat tapusin pero wala pa ako sa mood gawin (baka masira ko lang). Ayoko naman mag online (DUN) kasi maiinis lang ako baka makagawa pa ako ng gulo pag di'ko napigilan sarili ko. . . parang gusto ko mamasyal (pero ayoko mag isa), wala naman ako maaya kasi busy sila, at siguradong ilang oras pa muna ang lilipas bago maka decide kung saan pupunta. nalulungkot tuloy ako namimiss ko ang galaan, happy moments with my REAL friends, pag ganitong nalulungkot ako nang hihingi ako sa kanila ng hug (para medyo mabawasan lungkot ko) kaya nga pag ginagawa ko yon alam na agad nilang depress nanaman ako. nakita ko rin sa youtube 'tong video,

grabe naiyak ako dito Free Hugs Manila, Philippines


isang free hug compaign ginawa sa pinas (orihinal sa ibang bansa). meron 'ding music video version ang Itchyworms (pinost ko sa main site) Parang gusto ko tuloy gawin 'yun pag nalulungkot ako, nakakagaan kasi sa pakiramdam kapag niyayakap ka ng isang tao, para syang silent way to say "wag kang malungkot nandito ako"


May 1, 2009

Isa ba ito sa aking biggest mistakes?

alam kong marami nang nagtataka, dati akong aktibo sa *clan name* isa sa mga ganado mag share ng idea, ganado mag-isip ng mga activities para hindi na maboring ang members, ganado mag-reply sa forum, ganadong tumambay kahit ilang oras, at ganado mag accept ng mga request banner man o video kahit walang kapalit. dahil hindi ko sila tinuring na clan kundi tunay na kaibigan. halos tinuring ko narin na 2nd family sa 4 na taon na pagiging member nila. Nagkaroon ako ng tinatawag na lolo, daddy, mommy, mga kapatid, apo, boyfriend, asawa, instant baby, at mga apo. na meet ko pa sa personal yung iba. 1 year ako nawala 'yun 'yung panahon na kailangan ko talagang pagtuunan ng oras ang pag-aaral para maka-graduate. after graduation at magkaroon ng trabaho, balik ako sa pagiging adik sa online games dun ko nalaman na lahat ng mga ka close ko sa clan (mga family ko don) pati mga inaya kong sumali noon, naglipatan na. 'yung iba nagsabi sakin ng dahilan kung bakit hindi na sila active... nakapag-asawa na yung iba kaya tuon sila sa sarili nilang pamilya. yung iba wala nang panahon maglaro dahil sa trabaho, yung iba may nakitang game na mas interesting daw, pati mga observations nila. Ako naman... kaya hindi na ako active kasi nawala na yung "SAYA" at "AT HOME" na feeling. napalitan na nang pagkasuklam sa kanila....

Bakit ko sila kinasusuklaman? Dahil ninakawan na ako sinabutahe pa'ko nang mga taong akala ko kaibigan ko... kahit bilyon-bilyon ang tao sa mundo hindi lahat tunay na kaibigan, karamihan dyan kaibigan kalang kapag may pakinabang ka sa kanila pero pag wala, baliwala ka. masaklap pa non kung sino pa pinagkatiwalaan mo sya pang magnanakaw sayo. sa halip na suportahan ka, sinabutahe ka pa.

siguro nga may kasalanan din ako, kasalanan kong mali ang mga pinagkakatiwalaan ko, mali ang mga taong inasahan ko na susuporta sakin para ma achieve ko happiness ko. kaya kinalabasan... ako ang talo.

Apr 21, 2009

Ito ang kwento tungkol sa cancelled video…

ok balik sa request ni BOSS-kuno. nag request nga sya, tinanong ko kung anong song sagot nya "BAHALA KA NA" tinanong ko kung paanong year-end sagot nya "BAHALA KA NA, basta meron nitong mga names na'to" ang labo diba??? eto matindi sa kabila nang hindi nya pagbigay ng detalye sa kung ano mang gusto nyang makita sa requested video nya, tuwing makikita nya ako mag online tinatanong ako "TAPOS NA?" parang gusto ko ngang sagutin na "Nagmamadali ka? ikaw na gumawa" at alam nya din na kasalukuyan akong may ginagawang Vid. nung panahon na yon pinarinig ko pa sa kanya yung song, surpricingly, nagustuhan nya at gusto pa agawin ang song, eh heller??? xmas song yon hindi bagay pang year-end duh! wala rin syang nabigay na pics, ako parin, kaya nilibot ko ang forum naghanap ako ng bagay na pics, then nakita ko yung message nya sa forum, yun nalang nilagay ko parang sulat lang,

at ang masaklap sa lahat, dahil minamadali nya ako sa vid. sinakripisyo ko ang surprice xmas gift ko na ipapalabas ko sana sa youtube exact dec.25,2008. maayos naman ang naging kinalabasan ng year-end tribute naipalabas din on time, mula sa pagpili nang song, pictures, clips, at iba pang detalye, mabuo lang ang requested vid. AKO lahat ang nagtrabaho don, isama na ang pag sasakripisyo ng isa kong planned video.

tapos nung first week of January may nagtanong sakin (isa sa mga nasabihan ko about sa surprice vid. Pero di nya alam kung anong klaseng vid.), tinanong nya ako kung tapos na yung surprice gift, nasabi ko nalang na... "BAKA hindi na maipapalabas yon kasi ang video na yon para lang sa once in a year event, and since lumagpas na sa date na dapat ipalabas sya baka i-cancelled ko nalang, or next year ipalabas kung walang magiging problema"

in other words 90% ang bahaging nagawa ko sa bawat video na inalay ko para sa kanila at 10% lang ang contribution nila... kaya ganon nalang ang galit ko nung kinuha nila direkta sa youtube ko ang mga video na ginawa ko hindi lang isa kungdi lahat nang ginawa ko... nang walang paalam, tapos gumawa sila nang sariling youtube account at inapload sa account nila. same video, walang labis walang kulang, kaya tuloy ang mga viewers dapat ng vid ko dun nalang sa account nila nag view, malinaw na pang sasabutahe sakin ang ginawa nila....

Apr 18, 2009

Busy-busyhan

Bagong video?! meron! inaayos pa audio nalang di ako makapag record sa ngayon dahil paos ako (sa sobrang init uminom ako ng malamig natubig; na hindi ko naman kadalasan ginagawa)...

Nung isang araw bumili ako ng webcam (request ni ama gusto kasi nya makita sila tito from abroad) sawa na sila sa phone calls. tapos kahapon naman printer ang binili ko (susyal! pa shopping-shopping nalang.) nasira kasi printer ko non kaya heto pinalitan, (ang cute pa ng nag benta; super asikaso sya) di tulad nung mga tao sa national dun sa robinson place manila na ang susungit, ang sarap i report sa amo nila.

Tapos naka chat ko si bruhildang kat! aba ang tagal ko din hindi naka usap yon, pati si dheo (thesis partner ko, na gwapo na makulit pa). 2nd job na daw nya ako isa palang (ano yan? padamihan? hehehe) Ganon parin makulit parin sya punta daw sya dito sa bahay ang damuho puro kalokohan parin. but infairness nakaka miss ang bonding moment namin. pati si ryan (kaberkz since high school) na kahit busy nagawang mangamusta. Naikwento ko narin sa kanya na nanggaling ako kela mhica nung sabado.


Ang muling paglabas sa lungga ni Ren...

Nung sabado (April 11) kahit birthday ni papa, lumabas ako ng bahay namasyal kami ni Raineil (isang high school friend) may problem daw kasi sya, palipas oras lang ewan ko kung bakit ako ang naisipan nyang ayain XD. Nanibago ako sa paligid ilang buwan na ba ako hindi naka labas ng bahay?! unang pinuntahan namin sa tutuban nakipag kita ako kay jean (classmate ko sa STI; bading ang tawagan namin kahit hindi sya bading) kinuha ko yung inaamag ng t-shirt ko sa kanya.



Hehe ang tagal na nyan, sa sobrang pagmamahal ko sa avatar ko at sa partner nya pinagawan ko ng t-shirt, sa likuran nandon avatar name ko. Nag kwentuhan pa kami ni bading ewan ko kung kung ilang oras, pinag kwentuhan namin mga old friends namin (ung isa na nganak na) tapos sinabi din nya reaction nya nung maging kami ni Nap na classmate nya. di daw nya akalaing magiging kami (ako din eh! d'ko akalain). pero sinabi ko ding matagal na kaming break, si bading parang sanay na sanay nang single ako whahaha. sabi pa nya ayos lang yan bading hindi pa tayo napagiiwanan makikita din natin si mr.right, naturo pa nya si Rainiel (na tahimik sa isang tabi). jusku po! na intriga nanaman kaming dalawa. Medyo bitin pag kikita namin ni bading kasi kailangan pa nyang bantayan tindahan nya (tuluyan ng kinarir ang pagtinda). Tapos kami naman ni Rainiel may bonding moment pa. Next naming pinuntahan bahay nila Micah na classmate din namin ni Rainiel non (binisita ko ang aking inaanak; malaki na utang ko don kahit bisita man lang makabawi). Ganon din kwentuhan sa mga life and friends kami ni mhica at natahimik nanaman si Rainiel, pero naka hanap sya ng mapag lilibangan nilaro nya yung inaanak ko.. nung medyo nakahalata si mhica sa katahimikan nya (ni Rainiel) sya ang inintriga namin. Naalala ko may problem DAW sya kaya yon na pinakwento namin kay Rainiel. grabe di parin nagbabago ang tipid nya mag salita. tapos may nabanggit pabulong pero narinig ko (shocking revelation yon!). As in shocking wala sa face nya; dun ko nalaman na mas malandi pala sya sakin ang dami nyang girlet sa buhay, inintriga din sya ni Mhica sa mga pics sa cellphone nya. Katagalan ng pang iintriga namin kay Rainiel nalaman kong wala talaga syang problema, na miss nya lang ako, gusto nya akong makita whahaha. 9 pm na ata kami naka uwi non. kinabukasan todo explain sya tungkol sa revelation nya (as if naman GF nyako) whahaha.

Syempre may next time ang lakaran, super nag enjoy ako, siguro dahil alam kong kilala na ako ng mga taong yon topakin man ako maiintindihan agad nila.

Mar 21, 2009

Funny people sa TAGGED.com

nagbukas ako ng tagged account at anak ng pating ang daming messages mga taga ibang bansa na nag comment sa naka display kong pic. heto sample:
Country: New Delhi , India
Message: You have an angel’s face, a loving heart, A peaceful, sunlit smile that lasts forever. Care to be my friend pretty Lady ?!!!!


nang bola pa! angel face? lasing ba’to o malabo lang talaga mata. loving heart, sunlit smile huuuu scripted!!!! but infairness gwapo sya at mukang model O_O poser yun malamang :P
Country: Tunis, Tunisia
Message: hi how are u?? really u are so pretty really so if u can give me ur msn i want talk serious with u
serious nga ba? o isa rin sa mga taong mahilig sa online date; at kabilang sa mga gusto makipag chemberlu?
Country: cairo, Egypt
Message: hi! im egyptin work in italy Architect architecture buildings rich man in italy now i like u in pic send yahoo u please now
rich man DAW!!!! parang gusto ko patulan ‘tong mayabang na’to, ano kaya kung sabihin kong ipamana nya muna sakin kayamanan nya bago ko isend ang yahoo ko XD

iilan lang yan sa mga nakakatawang bolero ng ibang bansa na may makakating tutut at pinay ang puntirya. pero thank you narin sa kanila dahil sa ilang segundong binuhos nila para mag send ng message sakin, sorry nalang dahil hindi ako basta-basta nag bibigay ng YM (pwera nalang kung nag tatagalog sila at kung maipapangako nilang hindi sila mag papakita sa webcam na tanging NECKTIE lang ang suot) may isa panga aminadong horny sya (and so? anong pake ko kung horny sya; punta sya sa banyo kamutin nya tutut nya)

kaloka talaga, SINGLE ako pero hindi ako ganon ka desperada na basta-basta papatol sa kung sino mang HUDLUM… at GUNGONG… lalo na kung walang dugong pinoy. dahil hindi ko pinangarap magkaroon ng boyfriend na half GERMAN half SHEPHERD. lolz


Updates:

lilinisin ang computer ko, kaya naglilipat ako ng files, in-upload ko mga recorded songs ko at yung mga ginawa kong ringtone. (isa-isa kong ililipat lahat ng songs; sa ngayon tinatamad pa’ko lahatin XD)


Mar 14, 2009

Pana-panahon lang yan...

Nung isang araw nakipag kwentuhan ako sa mga nag audition sa PBB may mga naka pasa at may mga bumagsak, may nagwawala dahil hindi natangap ang schedule for audition nya, may nang hihingi ng advice para maka pasa, may nag bigay ng tip, at may muntik nang maniwala sa balitang may napili na (gawa-gawa lang sa youtube ang news).
hindi ako sumali sa kadahilanang taglay ko ang

  • lack of self-confidence
  • stage freight
  • at hindi pang artistang pagmumuka
kaya bakit pa ako aasang makukuha?… Pero alam ko ang hirap na pinag dadaanan nila, kasi minsan sinamahan ko friend ko nung mag audition sya. sya lang ang nakapasok sa pinaka loob, naiwan kami sa labas ng pinsan nya, nung mainitan balik kami sa van
(kala namin may makikita na kaming artista, lolz)

grabe ang tao; kita ko din mula sa van ang haba ng pila mga parang baliw na hindi ko malaman kung nag pra-practise nga lang ba o talagang may problema? kanya-kanyang eksena sila habang nag aantay, pero ang pinaka nagpalula sakin yung mga dumadaan na GWAPO! at ang masakit na katotohanang hanggang tingin lang ako sa kanila,

Isa ang friend ko sa mga minalas na hindi nakapasa. gwapo naman sya, matalino, talentado, ang problema lang kapag tinamaan ng kaba na me-mental block na. nakakaawa sya nung mga oras na yon, ang gwapo nyang mukha naging instant goofy sa sobrang lungkot kaya ang nagawa namin ng pinsan nya hayon inaliw namin, dating gawi! pinakanta namin sya sa isang karaoke bar (way ‘yon para maisigaw nya palabas ang malaking bara sa puso nya.) nang magtagal ok na sya! sya na mismo ang nagsabing “pana-panahon lang yan, better luck next time”…

Umuwi akong hindi na naikwento sa kanya ang mga nabasa nya sa diary ko, (isa ‘yon sa dahilan kaya kami nag kita; alam nyang may problema.) pero ayos lang better luck next time hehehe… (means marami pang next time na mag kikita kaming dalawa).


Updates:
- Hayaan napag tripan ko ang mga banner ng sites ko iba na banner sa taas (simple pero panget whahaha) ang theme name: crystal dream (wala lang ako maisip na title XD).

- iba narin banner sa diary ko, syempre ako gumawa same parin ang base banner lang ang naiba, wala lang trip ko lang puno, para parang… (“i found her diary underneath a tree, and started reading about me…”) and YES ako ang gumawa maraming salamat sa adobe photoshop.


Mar 10, 2009

"OROCAN" ang pinasusyal na bansag (o _ o )

Mga online SO CALLED FRIENDS (isang term na nakuha ko sa isang classmate), ibang-iba sa mga nakilala kong online friends din, kung may malala man sa nakaraan mas malala naman 'to, (but in other way) in ARTISTIC way, tipong mga magagaling umarte para magmukang mabuti sa harap ng iba, mga magaling magtago lolz, I thought they are my friends, I even treat them as my 2nd family until one day... (teka from the beggining?)

Summary: sa palagay ko hindi lalaki ang gulo kung hindi sila parang mga tuod na tahimik lang (PLAYING SAFE) nakikiramdam... 'coz that's the thing na talagang nagpa baba ng respeto ko sa kanila. (eh kung nasa gera pala kami at pinagbintangan akong bumaril sa isang mandirigma kahit alam nila kung sino talaga bumaril, tatahimik lang sila papabayaan nila ako, para MAGING SAFE sila?) true friends ba 'yon? at kung matured nga SYA o sila na hindi basta-basta nagre-react instead ay iniintindi muna ang sinasabi ng iba.

Novel: here ( sobrang haba eh)

Pagkatapos heto na I just trying to be honest sa mga bagong crew, dapat lang na malaman nila mga pinagdaanan namin para maiwasan nila diba? kaso kontra ang iba ayaw nilang magpakatotoo sa mga taong bago lang sa posisyon (ewan ko bakit sila nagagalit, maybe they're hiding something...) or maybe gusto nilang mag mukang mabubuting kaibigan, who thinks matured but the truth is THEY REALLY DONT HAVE A MATURED MIND coz if they did, edi sna marunong sila umintindi. hindi ko naman sinabing nag hahanap ako ng kapalit or appreciation sa ginagawa ko, ginawa ko yon as a friend to them not a crew (ok na sana eh kayo lumalabas parang payabangan pa, pasikatan) I don't know kung bakit tuwing magpapabida sila lagi nilang sinisingit ang salitang MATURED. honestly natatawa ako sa salitang yan kasi nanggaling sa kanila (so they think they are matured huh?) sa ibang bagay Oo pero karamihan naman sa gawain nila, kung oobserbahan (na observe ko na) para silang mga nag uulyaning matanda. (hahah sorry for being so mean; but that's the truth) they think they are perfect, they think they are the Gods of all Gods...

ow come on don't be plastic! show them what's your true color!!!
http://simplyren.blogspot.com/2009/04/ang-muling-paglabas-sa-lungga-ni-ren.html

The Novel Type War

Part 1:
Nag-umpisa ang lahat sa isang grupong parang bagyong bigla nalang sumulpot at ipinangalandakan sa buong bayan na sila ang "ORIGINALS" at nung makita ko ang laman ng thread na 'yon bumulantang sakin ang mga pagmumuka ng mga THE LATE OFFICIALS (lolz parang namatay lang) ahm "X" officials, (ano yan boyfriend/girlfriend?) ahh basta mga dating opisyal at ang mission DAW nila ay ang magyabang ng gold este charitable institution something na sumasagasa sa trabaho ng mga kasalukuyang CREW at ng isang programa na ginawa ng VICE, tapos tinanong ko sila kung ano meron sa thread na yon, (may rules kasi na kailangan ilipat sa PROPER place ang mga... paikliin sa tawag na "TRASH"). so I ask them syempre mga kasamahn ko muna tinanong ko at na shock din sila, wala rin pala silang alam don, some of us planned to move that thread pero mas minabuti na naming mag tanong muna, kaso ang pagtatanong ko ay minasama nila (showing like they are the BOSS) na halos bastos na kung magsalita, kalaunan lumabas ang salitang "friend namin si "SO CALLED BOSS at may permiso kami sa kanya" huwaw! para akong nasa goverment that time POLITIKA! kaibigan ko ang presidente kaya gagawin ko ang mga gusto kong gawin (ganon ba yon?) lolz,
by that time nag observe na ako kung PATAS nga ba sila o hindi, ang I felt disappointed, mas matimbang ang kaibigan kesa sa mga ordinaryong myembro lang, palakasan, naawa ako sa mga LOYAL members na sobrang bilib sa kanila, marami naring mga rules KUNO ang nag mistulang vandalism ng opisina dahil hindi nasusunod akala ko nga nung una they just giving chances but guest what ang pagkakamaling 'yon ilang beses na naulit DEADMA lang...

Part 2:
Heto naman ang isa at nagdrama, biglang one day hindi ako kinibo, kinausap ko dinedma ako (not just once but twice!) parang batang hindi lang nabigyan ng candy nagalit na, isang true friend lang ang nagsabi sakin na nabasa daw ang pinost ko sa journal with a banner thing, eto DAW ang reason...


kung alam nyang true friend sya hindi sya mag re-react, (napaisip tuloy ako kung REAL FRIEND nga ba sya), eh hindi naman para sa kanya yan para sa mga ORIGINALS typhon, eh bakit sya ang nag react? lolz... dahil ba sa words sa banner na " it's kind of sad, 'coz you think that you are the perfect friend" eh diba nga sabi ng mga dakilang bagyo na friend sila ni SO CALLED BOSS kaya bagay sa kanila yan coz they think they are perfect, lolz... hindi ko talaga inaasahan na maling tao ang magre-react kung alam ko lang edi sana nag lagay ako sa baba ng banner ng sign na "BATO-BATO SA LANGIT ANG TAMAAN GUILTY" at kung yun nga ang dahilan ang babaw huh! wala bang to the highest level? sus! teka nga baka hindi nya alam na marami narin syang nagawang MASAKIT sakin pero hinayaan ko lang (mababaw eh), kung TRUE friend sya bakit tinatago nya ang blog site address nya? (the real one' kung wala ka talagang tinatago), bakit inilihin nya ng almost 1 month ang pagiging sila ni SO CALLED BOSS? samantalang kami ang nakasama nya kapag umiiyak sya, nag seselos, at kinikilig, tapos isang masayang bahagi ng lovelife nya hindi nya kinuwento samin? (aba magaling na artista napaniwala kaming hindi sila), minsang sinabi ko sa kanya na naiingit ako sa kanya dahil special birthday nya (kitam pagiging ingitera ko sinabi ko sa kanya), sabi nya sakin "hindi ko kayang gumawa ng ganyang site pero gagawin kong special ang birthday mo" (pero hayon drawing lang pala; ni hindi nga ako binati nung birthday ko, dinedma nya ang announcement ng iba). at wala rin syang narinig sakin nung mag post sya ng picture nyang labas ang clevage nya kahit alam nyang rated PG-13 ang community na yon. (mababaw? eh bakit yung isang pic na naka "fuck you" sign dinelete nya? DALIRI LANG NAMAN YON whahahaha, Nabasa ko din ang post nya sa isang thread pa professional words pa sya (hindi ako tanga para hindi malamang hindi ako ang pinatatamaan nya, sakin mainit ulo nya eh), kesyo paawa ako blahblah... HUWAW!!!!! paawa???? sino kaya???? lolz, eh samantalang saming dalawa ako lang naman ang walang takot na nagpapaka totoo, alam yan ng iba, "KJ sign" lolz, kapal pa ng mukang sabihin na kung kakausapin ko sya kakausapin nyako? eh heller ilang beses ko na sya kinausap dinedma lang ako (sya kaya deadmahin ko kapag kinausap nyako para alam nya feeling) namihasa porket ako unang kumausap sa kanya nung unang tampuhan namin,. eto lang eh... hindi naman pwedeng laging ako mag bababa ng pride sa kanya, no sya prinsesa???? mamihasa!!! lolz

Part 3:
si truefriend din ang nagsabi sakin about sa pag tatampo nung isa, nabasa daw nya na pinost sa blog (pero nakalimutan nya ang exact address ng blog kaya ginamitan ko nalang ng detective power ko para makita) hindi naman ako binigo ng aking power nakita ko ang blog nya nung araw 'ding yon na sinabi sakin. binasa ko at nalaman kong minasama pala nya ang sinabi ko (natambakan ng project kaya madaling uminit ang ulo) pero ayos na yon naiintindihan ko ang biglaan nyang pagtampo? naranasan ko narin kasi ang matambakan ng projects sa school sabay-sabay pa deadline ( kadalasang sinasadya ng mga prof. na pag sabay-sabayin ang projects para masukat ang tibay ng isang student; kung paano nya haharapin ang problemang kakaharapin nya kapag nag work na sya, kung sa project palang hindi na nya magawa o gumagawa ng paraan para matapos nya ano pa pag nag work na sya? ) kasi pag nag trabaho na sila they have to be independent dahil hindi nila alam ang mangyayari outside world sa mundo ng mga adults, normal na mamamayan, hindi naman pwedeng aasa ka nalang sa iba, that's what I'm trying to teach him, pero hayon minasama nya, kinuwestyon pa ang pagiging friend ko, (yun ang masakit don) I tried to be one of the good friend to him / to them (in my own way) tapos ganon pala reaction, ganon ba talaga sya? parang sinabi nya na "WAG MO'ko pakelaman, I can make my own damn decissions, you are just a FRIEND" so ano ang friend para sa kanya? yung taong gumagawa ng projects nya? NG MAY KAPALIT? hindi naman masamang magpatulong ang masama ay yung dinaan pa nya sa contest at ang contestants ay mas bata sa kanya, na namulot lang ng sagot sa internet, (reaction paper na naging history) alam ko namang kaya nyang gawin yon, bumaba din ang pag tingin ko sa kanya nung araw na yon bilib panaman ako sa sipag nya sa pag aaral at kagustuhang makapag tapos, pero ganon pala. ginawa pa nyang mukang pera ang mga members na papatok sa kagustuhan mo basta may kalakip na GOLD. nag PM ako sa kanya sa friendster nag aplogize ako dahil pinost ko pa sa thread, (na post ko na bago ko pa maisipang i PM nlng sa kanya 'yon) pero walang reply (ayun na, chain reaction na sila ugaling nagmula sa tatay-tatayan na na-adopt ng ina-inahan na ginagawa narin ngayon ng anak-anakan) at wag nilang isusumbat sakin na TINULUNGAN nila ako, paki recap nga sakin kung kelan yon?

Part 4:
tutal kayo naunang manumbat (hindi lang pahalata) pwes manunumbat narin ako! diba nag simulang mabuo ang community nyo sa mga taong sinabihan mo (so called boss) na kapag may na recruit ay bibigyan mo ng gold, hanggang sa dumami ng dumami, at ang taong nag recruit sakin tapos ako maisali iniwan na'ko hindi man lang ako tinuruan ng tungkol sa larong 'yon kahit member nyo sya non hindi ko kayo dinamay sa inis ko sa kanya dahil sya yon hindi nyo na naman ATA sinabing turuan nyo ang mga newbie na marecruit nyo, at ang tanging tumulong sakin ay ang taong sinasabi nyong nag traydor sa inyo! ipapaalala ko din sa inyo na nung mga panahong yon OP ako dahil kayo-kayong magkakakilala lang nag uusap, inentertain nyo ba ako nung newbie ako sa group nyo???? so ano ang sinusumbat nyo sakin na tulong? gold? pinaghirapan ko yon! galing yon sa mga pagsali-sali ko sa events nyo, mga pinag hirapang entry para manalo, hindi rin kayo o ang comunidad na tinayo nyo ang dahilan kaya madami akong nakilalang online friends, sariling pakikisama ko sa tao yon! hindi nyo binigay sakin, wala kayo sa mga araw na kailangan ko ng kausap dahil sa bigat ng dinadala ko, at ako kinakausap nyo lang KUNG KELAN NYO GUSTO no choice o kapag may kailangan, kapag wala na kayong masumbungan! gusto nyo bang idetalye ko pa mga yan???? at huwag din kayo mag mamalinis na hindi umaasa sa appreciation, ano ang pinost mo non na "matapos bihisan, bigyan ng gold, blahblah" hindi ba't umaasa ka din sa appreciation ng ginawa mo sa kanya? in other words gusto mong tumanaw sya ng UTANG NA LOOB. utang na loob din ha!

Part 5:
Kung saan man hahantong ang COLD WAR na'to, (cold kahit mainit na talaga ulo ko) ay hindi ko na alam, kung pataasan ng pride ang gusto nila FINE! kung gusto nila ako manahimik FINE! wala na silang maririnig sakin (wag lang nila isusumbat ang pananahimik ko)

Why am I blogging?

I started blogging since 2004, tapos na busy ako sa school napabayaan ko ang blog ko for almost 3 years, and now I’m starting from the scratch (todo hanap sa mga blogs ng friends ko, at mga naka link exchange ko non). Halos lahat sa kanila hindi na gumagana ang link (maaaring nagbago ng domain or tuluyan ng iniwanan ang blogging) and then I found this old friend of mine, nakilala ko sa isang
online game na nilaro ko noon, dati syang may blog pero mula ng magka-work sya napabayaan narin nya ang blog nya wala na daw sya time para mag isip ng code, layout at mga mapapag usapan sa blog nya kaya tuluyan na nyang dinelete. and then he ask me, bakit tinuloy ko ang blogging kahit hindi naman ako kumikita tapos kinuwento ko sa kanya ang katotohanan.

Nagkaroon ako ng barkada noon (school mate) na sakitin din tulad ko, wala na sya ngayon (sumalangit nawa). Sobrang bait, maalalahanin, at napakaraming words of wisdom. Sa kanya namin narinig ang salitang “Live your life like it was your last” kaya nung mailibing ang barkada namin napagkasunduan naming gumawa ng kanya-kanyang tribute sa aming mga sarili at huling habilin para sa mga taong maiiwan namin, tapos ibigay ang key or map (parang treasure hunting) sa pinagkakatiwalaan naming tao. Isa sa barkada nagtago ng alaala sa diary tapos binigay nya sa akin yung susi, actually dalawang susi na ang nasa akin (yung isa sa barkada ko nung college) susi daw ng kahon yon ewan ko kung ano laman.

kaya ako heto! website na naglalaman ng mga kwento ko, collections, pictures at iba pa. (at para high-tech :p)

… karamihan naman sa blog nag lalaman ng kwento ng buhay ng may akda …


Updates:
- ang video plan ay malapit nang matapos (summary video nalang kulang) inabot ng up to part 4 na may above 5 mins na time kada video. (ang haba noh?) PLUS!!!!! isang tribute at isang summary video, na upload ko na sya sa youtube (pero naka private pa :p)

- simplified navbar on the side (hindi lang halata pero may nabago dyan!) dinagdagan ko narin ng sticky notes para sa mga important things tulad nyan jabbawockeez kung fans ka nila at malapit ka sa manila click mo lang ang demand button kapag top 10 ang pinas sa mga pinaka maraming demand mag pe-perform ang jabbawockeez sa pinas!!!!

- tapos mga bagong layout sa iba ko pang site (online diary | poems | stories | songs and lyrics) ang angel figurine na picture sa header ng “stories” sites, ay binigay nung sweetest best friend ko nung highscool, (may sentimental value :p)

- at pwedeng mag contribute ng short stories fiction man o hindi, pwedeng mag request lyrics ang songs, pwede din mag send ng poems, at ng testimonial about me (if you know something about me)

- banner nitong site… saka ko na papalitan pag tapos na ang aking movie plan.

- at nagsumbong nanaman ako sa aking online diary

Feb 25, 2009

pinoy MV for online games

biglaan ko lang nakita while trying to upload my vid. napa huwaw ako sa lyrics, GOd is good all the time, kapag humahantong ako sa pagkakataong napakaraming katanungan sa isip ko na kailangan ng agarang desisyon. May mga bagay-bagay na biglaan nalang bubulaga sa harap ko, nakakatuwang isipin pati pala mga simpleng bagay gumagawa ng way to cheer me up hahaha. ito share ko na ang MV…
ROSE ONLINE: isa sa pinaka nakaka enjoy na nalaro ko, astigin ang avatars nakakatuwa ang mga kalaro ko, dito ko din nakilala si kuya Noel na nagturo sakin kung paano mag capture ng vid. sa online games. panoorin nyo, I REALLY LOVE THE LYRICS

Good to Be Me by Iya Villania




PERFECT WORLD: pahirapan i-install sa pc ko, sa ngayon inantay ko pa dumating yung friend ko na may installer ng mga online games, dadalhin daw nya kapag di na sya busy sa work. gusto ko din lyrics ng MV nito.

Perfect world by Toni Gonzaga


Feb 24, 2009

Kainis...

Inis na inis ako ngayon gusto ko sumigaw, para malabas itong nasa dibdib ko (pero saan ko gagawin yon na walang makaka rinig sakin?)

ang hirap hindi ko na alam gagawin ko, hindi nila ako maintindihan... naisipan ko narin umalis pero hindi ko alam kung tama ba gagawin ko.

sabi ni balweg "wag mag papa-uto" yun nga ang ginagawa ko hindi ako nag papauto kaya nga lumalaban ako, kaso parang minamasama pa ng iba...

naiinis ako dahil nakita kong kapag kaibigan pala nila kahit hindi sumunod sa rules ok lang, mga abnormal na nilalang gagawa-gawa ng rules hindi naman nasusunod, ngayon nadagdagan nanaman natawa nalang ako (may halong pagpapasikat; pero wag ka hindi rin masusunod yan) kapag ako natanggal sa crew tapos yung iba pang lumabag sa rules hindi na tanggal, ewan ko nalang kung ano magawa ko... (naging sila lang, naging pareho narin ugali). ito pa isang negative, may loyalty award tapos ang mga nakikita kong nominated yung may mga iba pang guild (alam ko yon kitang-kita sa feed kung saan sila sumali); may artist of the month (banner contribution) pero wla akong nakitang nag contribute ng banner sa mga na nominate, and huwaw ano ba ginawa ko? di hamak naman na mas malala pa iba sakin pero hayon para akong pumatay ng tao. hindi ako manhid para hindi maramdamang yun ang pinaparamdam nila sakin. sa mga oras na to parang gusto ko syang mura-murahin at sabihin lahat ng negative na nakita ko sa kanya, (like i dont care care ngumawa man sya o mag drama sa harap ng iba, o gamitin ang posisyon para parusahan ako) eh kaso hindi pa ako ganon kasama (pero malapit na) para ipahiya sya sa iba. kailangan ko pabang gawin yon para matauhan sya? sila?

nakausap ko din si pardz, sabi nya "Wg kna lng kmibo..hyaan muh nlng cla..." nagawa ko na'to non sa iba pero nag muka akong loser sa harapan nila. naalala ko tuloy yung napanood kong movie "school for scoundrels" meron kaya non dito sa pinas? parang babagay ako don at baka sakali maturuan nila ako maging matapang, lolz.

be a lion to that world of fools,... lie, lie, lie and lie some more? lolz

hayzzz kaso wlang ganon school dito. malamang sundin ko nalang si pardz wag nang kumibo hayaan nalang sila, (malaking problema ko ang hindi kumibo dahil hindi ako makakatulog kung may mababasa akong hindi maganda tapos hindi ako makakareply)...

hindi nalang muna ako mag bibisita sa gaia at sa ym? (teka sa ym ko nakakausap sila pardz) sa gaia nlng, tapos hanggang.... uhmm.... bahala na nga...

nakausap ko din si shytype (ang batang mahalay, nyahahaha) pero hindi ko sinabi sa kanya problem ko, nakipag kwentuhan lang ako kamustahan blahblah, infairness napatawa nya ako ng hindi sinasadya, matagal na daw akong may pag tingn sa kanya, whahahahaha. aray ko ang batang yon kanino naman kaya nag mana ng ka-kapalan ng muka, full confidence pa sya eh nyahahahaha.

ok tama na masyado ako naaliw.

Feb 9, 2009

Name Quiz Game

A very COOL quiz to know the hidden meaning of your name, I got it from my highschool friend. I was surprised of the result because it’s all TRUE about me!!!


You Are Carefree and Passionate

You are wild, crazy, and a huge rebel. You're always up to something.
You have a ton of energy, and most people can't handle you. You're very intense.
You definitely are a handful, and you're likely to get in trouble. But your kind of trouble is a lot of fun.
You are friendly, charming, and warm. You get along with almost everyone.
You work hard not to rock the boat. Your easy going attitude brings people together.

At times, you can be a little flaky and irresponsible. But for the important things, you pull it together.
You are very intuitive and wise. You understand the world better than most people.
You also have a very active imagination. You often get carried away with your thoughts.
You are prone to a little paranoia and jealousy. You sometimes go overboard in interpreting signals.
You are relaxed, chill, and very likely to go with the flow.

You are light hearted and accepting. You don't get worked up easily.
Well adjusted and incredibly happy, many people wonder what your secret to life is.
You are a free spirit, and you resent anyone who tries to fence you in.
You are unpredictable, adventurous, and always a little surprising.
You may miss out by not settling down, but you're too busy having fun to care.



Jan 30, 2009

Birthday ko nung January 29...

Hindi mo ako binati nakakatampo ka diary!!! lolz.., naging especial lang birthday ko nung batiin ako ng mga friends ko, unang bumati sakin c janjan (hindi natulog para batiin ako exact 12am ng jan.29) hindi parin sya nag babago alam parin nya mga bagay na gusto ko. tapos pag-gising ko 7am na ata yon. nagtext barkada ko nung high school, nakipag chikahan pa, kamustahan blah-blah, tapos nag online ako 10am ata yon (mababaw lang kaligayahan ko batiin lang ako ng mga un expected people, sa special day ko, masaya na ako) nag bukas ako ng friendster binati din ako ng mga college friends ko, online ako sa YM kaka touch, daming bumati friends sa Oz at Gaia, tapos nag off ako ng 3pm kumain at natulog, 7pm nagising ako weee may spaghetti ako biniro ko pa si papa sabi ko "hindi na uso handa CASH na uso ngayon yung malapad tapos kailangan pa ipa-palit sa money changer" hahaha gets nyo? natawa nalang si papa sakin tapos sabi nya "wala akong ganon ngayon bayaran ko nalang utang ng mama mo" weeee panalo! 10.5k yon makakabili na ako ng dream cell phone weeeee!!!! ok balik sa friends masyado ako na excite... tapos non maya-maya c bruhang kath tumawag (susyal!!!!!) pinag o-online ako hahaha nag paalam ako birthday naman eh pinayagan ako hanggang 10pm lang. ayon online nako sa YM at Gaia, touch ako kay kath talagang nag GM na ngalap ng babati sakin hahaha. tapos sa special announcement binati ako ni micah weee may gift pa thanks! si pardz nag tatampo hindi daw ako nag paparamdam eh samantalang nag paalam ako sa kanya na baka hindi muna ako mag adik mode dahil nga andito si papa, may nangyari daw sa kanya ayaw naman sabihin (mukang naaksidente nanaman) pinag se-selosan pa si kath (sabi ko kasi kung naging lalake lang si kath pipikutin ko talaga) hehehe. si pardz talaga kung umarte daig pa HUSBAND... tapos pinagalitan ko si renz pasaway talaga kaya naaksidente nag dahilan pa "hindi naman ako nag drive" asowssss kung alam lang nya na yon ang kinamatay ng asawa ng pinsan ko (angkas lang din sa motor; RIP kuya ryan). tapos c ryuu kakadating lang bumati na agad si Ian ayaw maniwalang bday ko hahaha, si rhea nag GM din sa YM may nag pasabi pa ng pagbati sa kanya hahaha un-expected person. natatawa din ako sa iba belated daw (adik kasi ang gaia mag aannounce lang jan.28 pa eh jan.29 birthday ko) mukang late din announcement sa friendster hahaha. tapos ayon, ginawan ko nang fansign sila renz, kath at pardz (pero kay pardz hindi ko pa na transfer dito sa PC)...
Hayzzz yun lang mga pangyayari sa birthday ko, touch ako sa mga taong nagbigay ng time sakin para batiin ako, at NAG TATAMPO AKO sa mga taong alam naman birthday ko hindi manlang ako binati (meron pa don, nag-sabing gagawing special ang birthday ko, pero wala DRAWING lang pala yung sinabi nya, WALA KAYO ISANG SALITA!!!) hindi manlang ako binati hmmp tandaan nyo yang ginawa nyo. Ang galing magyabang... hindi naman pala gagawin. TAMAAN NA TATAMAAN alam nyo kung sino kayo! sabihin nyo nang mababaw, pero isa sa pinaka ayoko sa isang tao, yung MAGALING SA SALITA KULANG SA GAWA. hmmmp!Justify Full


Jan 28, 2009

Heto nanaman!

Birthday ni Rene ngayon bukas ako naman... nadagdagan nanaman ang edad ko, may magbago na kaya sa takbo ng life ko?? kanina nag takas ako ng Chocolates...


bawal sakin yan eh pero kumain parin ako whahaha kaya eto nag hahabol nanaman ng hininga, hindi ko alam kung babalik pa ako sa doctor, baka kasi taningan nalang ako, pero sabagay atlis alam ko kelan ako mawawala para ma rush ko mga unfinish business ko oha! lolz. hayz, miss ko na mga online friends ko yung mga kaibigan na pinapatawa ako pag alam nilang nalulungkot ako, tapos kanina nag preview ako ng clips ng ginagawa kong video nakita ko yung namatay na member ng jabbawockeez pati yung dedicated dance nila para sa kanya (ang sweet nila noh) naisip ko nga bigla kung ako kaya nawala sa mundo, mag de-dedicate din kaya ng sayaw or kanta ang mga friends ko? or pupunta nalang sila para tignan ang natutulog kong katawan. sabagay less effort yon, bat pa nga naman sila mag aabalang gumawa ng isang bagay na alam nilang hindi ko na makikita. pero kung may gumawa nga non o kung sino man gumawa non kukulitin ko si lord para maging angel ng taong yon. ipaparamdam ko sa kanya ang 100% happiness bilang thank you sa ginawa nya. para hindi sya matulad sakin na hindi pa nararamdaman ang 100% happiness kahit kelan... hayz... mmhhhhmmm senti ano ba yan!!!

Jan 27, 2009

Bored but I'm happy...

walang magawa bawal magbabad sa PC, kailangang nasa tamang oras ang gising, kain at tulog. At hay na'ko napakain ako ng gulay akalain mong naka kain ako ng ampalaya pinagbet kasi ang ulam, ginawa ko tinadtad ko ng patatas para hindi ko masyadong malasahan ang ampalaya then sabay lunok... miski noodles ko may gulay parin...


Hindi yan jampong, hindi ako kumakain ng maanghang. iba yan, nakalimutan ko tawag... dala ni papa, grabe sa gulay nakakainis. kinakain ko yan habang binabasa ang manual (nanaman) na binigay ni papa. ahay sakin nya pinapabasa yung manual tapos nag papaturo sya pero ok narin atlis mas madami akong pwedeng malaman kaka review ng manua... manual pala 'yon ng mga bagong gadget ko hehehe... mukang bibilan narin ako ng webcam pero sana unahin additional memory nitong pc ko puno na kasi... nakita narin ni papa yung mga ginagawa kong video, (na amaze sya pagka kitaan ko daw whahaha) wish ko lang kumita nga whahaha. eh hindi nga ako maka abot ng 1 million subscribers sa youtube, maybe its not yet time. hehehe weeee naalala ko friend ko na ang isang members ng jabbawockeez!!!!! si Joe "Emajoenation" Larot (lolz kumpleto) ang babait talaga nila lalo ako na iinspired tapusin ang fan-made video (opps!!!) tapos waaaaaa kilala ng prof. ng kapatid ko si bob ong at papa sign daw lahat ng collected books ko pag hindi na busy si bob ong (ahay sana hindi nya makalimutan). Kung swerte man ito sana magtagal ka sa buhay ko @_@.


Jan 24, 2009

Mix emotion nanaman

nag-browse ako sa google nagbaka sakaling ma recover ko pa yung dati kong blog nandon kasi yung short stories na ginawa ko kasama yung istoryang naging finalist sa Artisan Literary Award, ang dali palang hanapin sa google ng mga ginawa ko pati mga videos ko. pero hindi ko na makita ang dati kong blog may natuklasan lang ako. ang videos ko kasama sa na featured sa funny videos hindi naman lahat ng ginawa ko funny... halos karamihan lang 'don something na talagang nakaka-HOOK I mean maapektuhan ka kasi nakakarelate ka, but anyway BAKA nag o2ver react lang ako at wala lang talaga ang site na 'yon whatever it is funny man o hindi atlist na HOOK sila bwahahahahaha... at ang website ko dumadami ang nag view (means may mga taong gustong makilala ako) which is good.... tapos ang mga idol ko sa youtube na director and comedians friends ko na weeee...

  • si kuya Noratu (yung nagturo sakin sa pag capture ng video sa online games, nagllaro din sya ng rose online)
  • si ate HappySlip (yung fil-american na sikat sa youtube, astigin ang mga vlog nya as in KAKAIBA)
  • si kevjumba (friend ni HappySlip, astigin din mga vlog nito)
  • si ArshaAsteraki aysus isa pa'to astigin sa pag mix ng songs, COOL raper!!!
  • si ninjadrops ang alam ko pinoy din 'to ang daming alam na games at
  • si namskie ang cute nya crush nya daw si happyslip kamukha pa sya ni pareng patrick, fav. ko sa vid nya yung sumayaw at kumanta sya ng "I bow like a chino" ang cute nya dun hehehe.
inaantay ko nalang ma accept ng iba yung invitation ko, mga super sikat kasi kaya hectic ang sched sa pag accept ng friend invites eheheheh, may (group dancer na nanalo sa isang susyal na contest, comedian na nadiscover kaya may movie na ngayon, at singer na nakakakilig pag kumakanta feel ko ako kinakantahan nya hehehehe) tapos meron na akong 29 subscribers sa youtube bago sumapit ang Jan. 29 na birthday ko, oha!!!!! at nasa 50% na ako sa pag tapos ng isang fan made video na ide-dedicate ko sa 3 sa aking mga kaibigan na fan din... actually ang dami kong video clips na inaayos nawili ako sa pag gawa ng vids hehehe. meron pang "Me singing" whahaha kamusta naman na inspired ako gumawa non dahil kay tinkerchel japanese song pa kinanta ko (dati ko pa pinag tri2pan kantahin yon ewan ko lang kung nag improve na kaka practice) yan ang isa sa aking vid na dapat abangan whahaha... mmhhmmm tama na nga. inaliw ko lang sarili ko (pang iwas stress, may nabasa kasi ako MEDYO hindi ko nagutuhan) may mga tao talagang hindi ako kilala, hindi nila alam na SUPER SENSITIVE ako kaya minsan may mga nagagawa sila na akala nila ok lang sakin pero hindi!!! at proud pa silang sabihin na MATURE sila mag isip (kung mature sila edi sana malawak pag iisip nila, lolz) tipong hindi basta-basta nag re2act sa mga nababasa nila. (tulad nung nag post ako sa isang website tapos may nag-react crying chuvanes and hurt pa daw...) I was like, heller!!! feeling mo naman ikaw tinutukoy ko, kung marunong lang sya mag tanong edi hindi sya napahiya... natatawa talaga ako nung nalaman kong nag react sya sa pinost ko (sorry pero pinagtatawanan ko talaga mga taong na MISUNDERSTOOD ako) tapos iniisip ko nalang na "ayos lang! ganon talaga walang taong perpekto, meron lang mga feeling PERFECT) lolz... those are the kinds of people na hindi marunong tumingin sa sarili nilang salamin kaya ako lang ang nakikita BATO-BATO SA LANGIT ANG TAMAAN GUILTY...

Jan 21, 2009

Medyo weird...

Haysss editing!!!!... mula sa notebook lipat dito sa computer bago pa mawala ang mga bagay na umiikot sa isip ko.... habang inaayos ko site ko, nakita ko ulit ung mga luma kong blog, ang blog ng buhay ko sa tunay na mundo at ang blog na tungkol sa online world ko. tapos napansin ko sa Oz Blog ko, naulit lang lang ang mga nangyari noon. ang mga ugali nila ang mga ginagawa ko noon at ngayon walang pinagbago. ang mga nangyari sa oz at sa gaia halos pareho lang... ang mga taong nakilala ko pareho lang din... naluha nalang ako bigla nang ma-realize ko ang mga bagay-bagay... Ako parin ito, walang nag bago, kung gaano ko pinapahalagahan ang mga kaibigan ko noon ganon parin ngayon, kung paano ako lumalaban sa mga bagay na alam kong mali, ang pag sasakripisyo ganon parin... pati sa pag mamahal sa maling tao... "mahal ko sya, pero hindi nya pinahalagahan yon," anak nang pating yun at yun parin pati ang picture na ala titanic meron din pala ako sa oz @_@ heto ang similarity...
"X" babyzuk at alex pareho silang M.A.D king... bessy ladylace at bruhang kat pareho silang nakaka intindi sa nararamdaman ko... bessy blitz56 at bessy renz mga tahimik pero caring na best friend... pareng zaire at ryuu na kung minsan parang matanda kausap... mareng monique at micah mga friends ko na naging girlfriend ng taong naging malapit sakin... simplecute at pareng patrick mga simpleng pa sweet... Huwaw! ano ito bat, ganon?! @_@ what does it mean? ang weird talaga, ang mga moments at mga taong nakilala ko, same lang sa Oz World at Gaia... ang problema ko noon hanggang ngayon ganon parin walang pag babago... hayz ang sakit sa ulo...