Dec 15, 2012

It's a small world after all...

Kahapon wala akong gana mag trabaho, wala akong energy mag kikilos. parang napaka boring ng araw, swerte lang yung nag pa Lipo; 10cm pa nabawas ko sa kanya at hindi 2cm (na usually nangyayari kapag wala akong lakas)... Pero nung malapit na mag uwian may sinabi si Cang sakin na parang energy drink dahil bigla akong sumigla :))

si 2 years celebrity crush barkada pa yata ni celebrity friend :)) napakaliit ng mundo, parang kelan lang nung una ko syang masilayan sa TV (naks ang cheezy!) 2010 to be specific :"> . . .  2010 din nung matuklasan ko na yung friend ko sa "tagged" na dating hawig ni Jericho Rosales at si celebrity crush ay magkakilala rin (naging mag ka work sila to be specific) . . .  2010 rin nung makipag unahan akong mag post ng picture ko sa page ng SMP nung sinabing gagawa sila ng presentation kasama si celebrty crush :"> at eto yun to be specific:

 

2010 rin nung mag post ako sa official page nya at surprisingly sumagot sya :"> sa dami ng nagpapapansin sa kanya (isa nko dun syempre) trying to get some attention from him :)) at hindi naman ako nag failed. eto rin yun to be specific:


ayan specific narin kung sino sya haha. simpleng thanks with smiley lang lang tuwang-tuwa na ko davah? (babaw ko ba? hahaha) at ni-print screen ko pa talaga =)) imagine 2010 pa yang post na yan hanggang ngayon naka tago parin sakin :)) ... 

share ko lang hindi ako maka get over eh :)) andun yung HOPE na makabonding ko sya kahit isang araw lang :"> hope na talaga hindi na wish hahahaha

Lord, Thank you po ahhh! hindi mo hinayaang matapos ang araw na mabigat ang pakiramdam ko :) I love you Lord :">

Dec 12, 2012

I'm not perfect...

...but I'm still Beautiful 

Nov 28, 2012

I'm on a serious situation

Alam nyo yung feeling nang nag aalalang nanay sa nawawala nyang anak? ganun! ganun yung feeling, hindi ko lang pinapahalata; trying to think positively... pero honestly nakakabaliw na... para akong nasa isang gera na hindi malaman ang gagawin dahil hindi ko alam kung sino ang kakampi... o kaya nasa isang lugar at hindi ko alam kung saan ang tamang daan... see? I'm insane!
Lord help me conquer this thing happening to me... give me more strength! please!! 
By the way this is a scheduled post... so malamang nasa byahe ako or nasa trabaho once na i-broadcast na ng twitter 'to...

How did I fall inlove with you?

by: Fiona Fung

How did I fall in love with you?
What can I do to make you smile?
I'm always here if you're thinking of
The story of the tears from your eyes

Nov 27, 2012

Back to December

by: Taylor Swift

I'm so glad you made time to see me
How's life? Tell me, how's your family?
I haven't seen them in a while

Nov 26, 2012

Dreaming of you - SimplyRen

>> Ren Singing - Dreaming of you <<

More than words - SimplyRen

Dahil sa GGV at sa Bautista brothers, heto't napakanta nanaman ako... haha! LSS mode? :P
>> Ren Singing - More than words <<

Nov 5, 2012

Tapos na maliligayang araw ko, may pasok na ulet :((

hmmm looking at the bright side

pag may pasok, may sweldo
pag may sweldo, may pera
pag may pera,
may pang KAIN
pag may sobra sa pang kain, may pang ipon
pag may ipon, may iPhone :D

aba! it's not bad at all =))

next time nalang ako mag ku-kwento about my SHORT vacation :)
(yah short, 4 days lang eh long ba tawag dun? :-/)
Goodnight Philippines & Dubai!, Oyasumi Japan ;)

Oct 27, 2012

True

by Ryan Cabrera

I won't talk
I won't breathe
I won't move till you finally see
That you belong with me

Oct 21, 2012

Best Friend

By: Jason Chen

Do you remember when, I said I'd always be there.
Ever since we were ten, baby.
When we were out on the playground playing pretend.
I didn't know it back then.

Oct 17, 2012

Terrified

by: Katharine McPhee (ft. Zachary Levi)


You by the light
Is the greatest find
In a world full of wrong you're the thing that's right
Finally made it through the lonely to the other side

Collide

by: Howie Day

The dawn is breaking
A light shining through
You're barely waking
And I'm tangled up in you
Yeah

Deep

by: Binocular

So this is what you mean
And this is how you feel
So this is how you see
And this is how you breathe

Oct 11, 2012

Para kay P.


Dahil nabulabog na kita kanina dito kita guguluhin ehehehe
(naaalala mo ba ang ganitong moment, 2 years ago? :P)

Oct 8, 2012

Busy ako eh!

Hay nako ang daming puchu-puchung  nangyari sakin nung nag-daang araw. Na stress ako pero konti lang naman. pag ang problema talaga dumating sunod-sunod, may napansin lang akong kakaiba sa sarili ko. I guess marunong na ako mag handle ng DEPRESSION, effective ang yoga! (ilang inhale at exhale lang, parang nag melt yung something solid sa heart ko). Effective din ang stress reliever chocolates.. (para ngang  nag enjoy pa ako, lamon ang ginawa ko.) and I prayed (yah! I really prayed) na sana makayanan ko lahat, So I thank God dahil nag response sya agad. after a few days lang heto't sunod-sunod ang message nya...

*Nanood ako ng TV habang nag i-inventory ng business?! tapos natawag ang atensyon ko sa sinabi ni Sarah Geronimo.

Mahalaga ang nagpapakatotoo, yung hindi mo binabago ang sarili mo at hindi mo itinatago ang nararamdaman mo. Sabi nga nila, the moment you open up yourself is the moment you set yourself free. Magandang malaman na mahal ka ng mga tao sa paligid mo sa totoong ikaw, hindi sa paano ka nila gustong maging ikaw, dahil doon mo lamang malalaman kung sino talaga ang tunay na nagmamahal sa’yo… Yung tatanggapin at handa kang mahalin kung sino ang tunay na ikaw.” -Sarah G Live
Bigla akong naging proud sa sarili ko. I'm not that bad at all naman pala,

*Tapos biglang flash back ng advice ng isang naka-close na artista/model about haters.
You can't please everybody all the time. Artista man o hindi; may haters. kailangan mo lang mag master ng DEDMATOLOGY. Para makamit ang tagumpay, yung tipong biglang isang araw kaya mo na sila tignan sa mata tapos mapapangiti ka nalang sa kanila habang nanggagalaiti sila sa galit pagnakikita ka.
*Tapos ilang araw lang may natanggap na 'kong text invitation from Oneng. Mumunting reunion from DCET,


bukod sa nakaka touch na pangyayaring naalala nila ako ng biglaan... ang galing ng timing nila... saturday night! with full effort, nag-text na pinuntahan pa daw ako sa bahay (kay mudra ko lang nalaman) eh may pasok ako kaya humabol nalang ako. 6pm sila nag start 10pm na yata ako nakarating, BUSY ako eh! hahaha. Pero salamat parin at may tyaga pa silang salubungin ako kahit uber late ako naasikaso pa ng hindi oras =)) sorry naman ahhh pagod ako sa byahe eh. wish ko lang hindi ko naubos ang pagkain =)) wish ko lang din sa susunod may kasama na akong DCS para bonggang reunion na. nakaka-miss ang ganung bonding. nakaka miss ang tambayang school na may multo DAW. miski yung simpleng kwentuhan na may halong asaran na hindi na kailangan i-filter pa ang mga sasabihin... natural lang! Kaya maraming salamat DCET!

Then naisip ko ulit ang pinoproblema ko and I just realize... 'Bat ko nga ba pinagsisiksikan ang sarili ko sa barkadahan hindi naman pala ako tanggap. Maaring tunay nga silang kaibigan pero hindi sakin. Hindi lang sila ang barkada ko, marami pa! May mga kaibigan na hindi ko man nakilala ng matagal pero tanggap ako may nagbago man sakin o wala. So maybe hindi sila para sakin...

After nun OK na'ko! waley na ang mga nababasa ko nag ba-bounce back rin naman sa kanila yun eh. Mas madali ko na silang mapapatawad ngayon. Hindi ko man maibalik ang samahan NOON I must go on with the flow NGAYON. ;)

Good morning rainy Monday! Sweetdreams to me

Finally tapos na'ko mag update ng sandata against the dragon. Lunes nanaman! at napakalakas ng ulan. Lagi kang ganyan Lunes alam mo namang may pasok ang dami tuloy napapasarap ang tulog like me :D bago ako matulog share ko lang 'tong paborito kong version ng "Singing in the rain"


O sya! ako'y matutulog na! Good morning Philippines! Good Night Dubai! and Oyasumi Japan ^_~

Aug 14, 2012

Flash Mob Proposal

after watching FRIENDS WITH BENEFITS movie at magustuhan ang FLASH MOB dance, na attract na talaga ako sa sweet idea na yun, kaya nag search ako sa youtube ng mga flash mob... nakakatuwang isipin na hindi nag pahuli ang Pinas nagkaroon na rin pala ng flash mob sa MOA maraming beses na hehehe although ang inaasahjan kong makita ay dun sa may rice field sa luneta (mas malaki yun eh hahahaha) pero bukod dun may nakita akong uber sweet and cute na flash mob. ang flash mob proposal with a song marry you by bruno mars:



ang nakakatawa lang.... simula nang tumugtog ang marry you hanggang matapos naiiyak ako, feeling ko naman sakin nag propose. lande =))

no really! I guess I'm just too emotional lalo na sa mga ganito ka sweet na surprises hehehe... kaya kung sino mang guys dyan na nag iisip ng unique proposal try nyo to, astig lang :D


Jul 27, 2012

Minsan sa aking buhay... buhay manunulat


kung magkakaroon lang ulit ako ng oras, sipag, lakas ng loob... para maisulat lahat ng gumugulo sa isip ko. baka nagkaroon na ako ng 100+ na pocketbooks. iba't-ibang storya pero iisa ang characters. at bawat title nakapaloob sa isang kanta na parang OST ng bawat storya... pero kaiba sa natural na pocketbook. hindi perfect ang personality ng mga tauhan, hindi rin madalas happy ending.. maiba lang!

highschool palang ako nag susulat na ako ng iba't-ibang stories. hindi ako sumusunod sa fiction rules... malayang pagsulat lang! lahat naka base sa mood ko... basta ang naaalala ko kapag galit, o masama ang loob ko asahan mong may namamatay sa story. Hanggang ngayon naaalala ko pa ang itsura ng kauna-unahan kong LIBRO (actually notebook ko yun, recycled notebook, mula sa mga natirang pahina ng notebook ko sa school, parang tatlong notebook na pinag dugtong-dugtong) lahat un pinuno ko ng stories. un ang naging sumbungan/kaibigan ko nung mga panahon na magulo pa ang childhood life ko. may drawing pa nga eh! minsang dinala ko un sa school para magsulat habang vacant, tapos nakita ng mga classmate ko. binasa nila, natuwa sila hiniram nila!... hindi naman ako naging madamot pinahiram ko sa kanila. nakakatuwa din kasi minsan marinig ang comment nila. tipong parang nakaka-relate sila. ang malas lang... yung huling humiram nasunugan. at kasama sa nasunog ung story notebook at mga drawings ko. hindi ko maiwasan yung pakiramdam na sana hindi ko nalang pinahiram. maingat kasi ako sa gamit, at sumasama talaga ang loob ko kapag may nawawala o nasisira. lalo na kung hindi ako ang may kasalanan. Nung mawala yung notebook kong yun. parang nawala narin ang pinaka memorable na childhood memories ko. bukod sa moment na tinuturuan ako ni papa ng math gamit ang banana-que stick ni mama ;)) ( panahon na hndi pa ako nag aaral )

muli lang ako nagsulat nung college at magkaroon ng writing contest sa school. kasabay kong sumali ang (ngayon ay) X-bestfriend na X-boyfriend narin. kaya may inspiration at moral support rin kahit papaano. nakakatuwa lang na sa 1st time ko sumali at sa dami ng nagpasa ng entries naging finalist pa ako. >ang ibang detalye ay narito<  iba ang feeling non! hindi man ako nag wagi ok lang! experience rin un! at pandagdag self confidence. nag uwi rin ako ng tumataginting na PARTICIPATION CERTIFICATE ;)) sukli yata ng napiga kong utak matapos lang ang storya sa takdang oras. sa gulo ng utak ko non pinagsama ko nalang sa iisang storya ang tatlong story na naisip ko nung panahon na yun. sapat na sa akin na malamang tumatak sa isip ng mga judges ang kwentong ginawa ko.

Tapos na busy ulit nawalan ng time i-type/isulat ang mga ideyang tumatakbo sa utak ko. kaya ayun ang daming PENDING hehehe... well sana nga magkaroon ako ng time na tapusin lahat. gusto kong gawin yung advice ng isa sa X ko noon eh, ang ipunin ang lahat ng storyang nagawa ko at ipa-book binding. good idea di'ba? ;)) nagustuhan din ni papa ang ideyang yun. kaya sana nga matupad... 

Jul 8, 2012

Lumapit ka nga sa akin

Ako ay nagbalik! at muli kang nasilayan... hehe wala lang napakanta lang :P anyway... nag browse ulit ako sa internet at may nakita ulit akong something na connected sakin :D hindi ko alam na gumagala na pala ang kamay ko (na alam kong hindi kagandahan) sa internet, while creating the word LOVE, eto oh click me o dba? haha alam ko NEWBIE palang ako sa editing non pero may naka appreciate rin pala :D salamat PENG (kung sino ka man).
kung noon anim palang ang kayamanan kong libro ni Bob Ong ngayon ay meron narin akong pang 9 na syang pinaka latest. Ang lumayo ka nga sa akin.


Title palang makulit na diba? hehehe... sa halagang php.175 ay may tatlong kwento kana mula kay Bob Ong. yung unang kwento para syang commedy na action movie, yung pangalawa parang commedy na horror at yung pangatlo parang commedy na romance. Nawala ang pagka-stress ko sa work sa kakabasa nito. at lalong nahasa ang kulit na tinatago ko sa katawan ko :D sa katunayan nung naka chat ko si krung ko pinag kwento nya ako ng mga pangyayari sa work ko. nag kwento ako na parang narrator kaya enjoy na enjoy sya sa kwento ko hehehe. bili narin kayo! (uyy promoting!!!)  pero promise nagustuhan ko ang librong to, nag enjoy ako na super!!!! :D

Feb 20, 2012

Love Paradise

- Kelly Chen

You’re always on my mind,
All day just all the time
You’re everything to me,
Brightest star to let me see

Feb 3, 2012

Night Bonding

[Feb.2,2011]

Hindi ako naihatid ni Ryan sa work, sa kadahilanang kulang na daw ang pera nya, pero sinundo nya'ko nung gabi na, then surprisingly nag-aya sya pumunta ng Quezon city, inimbita daw kami ni ate Annie (birthday nya kasi). Nagtaka ako syempre… kaya tinanong ko sya “akala ko ba kulang na pamasahe mo?” sagot nya?! “binigyan nila ako ng pamasahe”. hmmm? ok! sabi nya eh