Jan 1, 2010

2010 na! @_@

Iba ang aura ng bagong taon ngayon. lumabas ako ng bahay ng walang takot dahil nasa mag-kabilang kanto lang ang mga nagpapa-putok, as in malayo.. eka may video ako non.. marami pa akong newyears video (yung sayawan sa loob ng bahay) upload ko nalang pag na compile na lahat. actually ang dami na naming newyears videos, camcorder pa gamit ko non at hindi pa na transfer sa cd or even dito sa computer kulang kasi sa accesories yung camcorder.

Nag trip pala kami ni kuya C. pataasan tumalon, tapos may picture

ayan naki join ang mga kapit bahay... tamang trip na kaming lahat, wala ako dyan kasi po masyadong mataas yung talon ko... char! hehe hindi kasi marunong si kuya C. kumuha pag nasa ere na lahat kaya aun, But honestly, mas maganda yung previous new year, may sayawan sa tapat ng tindahan namin, at na video-han ko pa yung sunod-sunod na pumasok sa loob ng bahay para maki kain hehe.

Inabot din pala kami ng 7am na kantahan, Una kwentuhan lang (ako pati ang "TV5" boys) habang nakikipag inuman sila sa tito ko (muntik na maubos ang laman ng ref. namin kaka-kuha ni tito ng redhorse... amp LUGE na tindahan!) tibay din ng dalawa (hindi kasi maka takas) tapos etong isa nung mag sawa sa kaka-kanta ako na napag tripan (itanong daw ba si "THE PAST") new year na new year pinaiyak ako takte talaga, pero hindi ko alam 'bat nga ba ako naiyak nung nabanggit na sya..
  • hindi naman siguro sa hindi ako maka move-on - dahil unti-unti akong NAKAKA MOVE-ON
  • pwedeng na mi-miss ko sya - sya lang kasi ang taong nakakaintindi sa ugali ko at nakakaalam kung paano ako mapapasaya
  • posible kayang... mahal ko pa sya? - ewan ko ba'ka akala ko lang yon kasi wala pa akong bf hanggang ngayon.
Mababaw lang talaga luha ko kapag napag uusapan "ANG NAKARAAN". yun din ang dahilan kaya hanap ko si "HAPPINESS" para maiba naman...

Hayzzz may mga tao talagang panira lang ng araw...

No comments:

Post a Comment