reliever - someone who takes the place of another (as when things get dangerous or difficult)....
RELIEVER yan ang tawag sakin sa ospital kung saan ako nag wo-work kapag may absent o may mag babakasyon na employee sa kanila... Ako ang tinatawagan para pansamantalang pumalit sa pwesto nila... para hindi maging mahirap ang trabaho ng mga "boss"... they feel relief tuwing andun ako para saluhin ang problema nila...
Reliever din ako ng mga friends ko: taga-pakinig sa mga hinaing nila, taga-isip ng pwedeng solusyon sa problema nila, lahat para lang gumaan loob nila.... ok na eh ang sarap sa feeling pag may napapangiti kang tao, lalo na kung ikaw ang dahilan ng ngiting yun... masasabi mong once in your life nag-exist ka sa life nila hindi lang basta memories ang iniwan mo kundi HAPPY MOMENTS....
Pero nung dumating yung araw na yung taong gusto ko na ang nangailangan ng pagiging reliever ko, nahirapan na ako..... sinaktan sya ng mahal nya so as his close friend... he needs my comfort... sya ang kusang lumapit sakin... ang hirap pagaanin ng loob nya dahil ako mismo nasasaktan din tuwing iku-kwento nya kung gaano nya kamahal yung gurl na yun... sa isip-isip ko "swerte naman ng girl na yun nakatagpo ng LIMITED EDITION na boyfriend", "sana ako nalang yung girl na yun", "kung ako nalang sana ang minahal nya iingatan ko sya".... blanko ako pag hihingian na nya ako ng advice... lalo na nung tanungin nya ako "ano gagawin ko para bumalik sya sakin?" I was like: "Hello?! 'bat mo pa ipagsisiksikan sarili mo sa taong pinagpalit ka sa iba? andito naman ako" syempre d'ko masabi sa kanya yun... sagot ko nalang "di'po ako makakasagot nyan; hindi ko kasi alam ang takbo ng isip ng mahal mo"... Ang hirap... ang hirap ng sitwasyon ko.... lalo na ngayong lumalalim samahan namin.... magkatext sa umaga, tanghali, at gabi kahit nasa ibang bansa sya... nagsasabihan ng ingat ka lagi, wag ka magpapagutom, i miss you, i like you, pero walang commitment... M.U na nga daw ang tawag dun eh! Mutual Understanding o Malabong usapan....
Ang hindi nya alam... isa sya sa dahilan kaya nakapa compose ako ng kanta... kanta na talagang nagustuhan nya hindi ko alam kung bakit pero like daw nya... hindi naman ako composer, basta nalang lumabas ang mga lyrics na'to sa utak ko... eto yun oh:
may kailangan pa ba akong i-explain? yun na eh nasa lyrics na saloobin ko... minsang pinost ko yan sa wall ko sa fb nakita nya... at nagustuhan naman nya.... kung naramdaman nyang para sa kanya yun kaya nagustuhan nya edi THANK YOU atlease nasabi ko ang nararamdaman ko ng walang kahirap-hirap...
"pwede bang ikaw muna mahalin ko?" ang tanong na di'ko alam kung paano ko sasagutin... bakit may "MUNA" pwede namang gawing "NA" yun... Hanggang kelan ba ako magiging reliever nya? paano kung balikan sya ng mahal nya? pano pag sumama sya? kakayanin ko pa kaya syang bitawan? mag paparaya nanaman ba ako, maging masaya lang sya? o ipaglalaban ko na sya? si Mr.Right na ba yun o si Mr.Wrong ulit? magulo... magulong-magulo utak ko.... sa ngayon ganun parin! ninanamnam ko parin ang moment na pwede pa ang lahat... pwede ko syang mahalin, pwede nyakong lambingin... sabi nga sa commercial ng sky flakes "break mo kagatin mo"... moment yun so bakit hindi ko i e-enjoy?
sana lang... sa mga araw na makakasama ko sya.... mag iwan ako ng masasayang alaala... para mag kabalikan man sila. ako parin nasa isip nya... hanggang ma-realize nya na ako pala mahal nya... edi hindi na ako basta reliever lang ako na ang LIFE nya o diba bongga? hehehehe
No comments:
Post a Comment