Feb 3, 2012

Night Bonding

[Feb.2,2011]

Hindi ako naihatid ni Ryan sa work, sa kadahilanang kulang na daw ang pera nya, pero sinundo nya'ko nung gabi na, then surprisingly nag-aya sya pumunta ng Quezon city, inimbita daw kami ni ate Annie (birthday nya kasi). Nagtaka ako syempre… kaya tinanong ko sya “akala ko ba kulang na pamasahe mo?” sagot nya?! “binigyan nila ako ng pamasahe”. hmmm? ok! sabi nya eh


tapos ayon na nga pumunta na kami sa QC from work sakay kami Mantrade na jeep at bumaba sa Magallanes MRT station. tapos bumaba ng Quezon Avenue (Centris Station) at nakipag kita sa kapatid nyang si Richie at mga pinsan na Moyan at Nat,tapos kumain muna kami sa Shakey’s habang inaantay sila ate Annie at ate Liez. (may pictures din kami sa shakey’s pero hindi pa na-a-upload ni ate liez, edit ko nalang pag meron na).

tapos kumain, deretso sa Lazer Maxx at nag Lazer tag. (Hindi na nakasama si Richi kasi may pasok sya sa trabaho) Noong una akala ko SAKITAN ‘tong larong to na parang paintball, pero sabi nga nila ate Moyan hindi ako masasaktan. ayoko rin naman maiwan sa labas, kaya naglaro narin ako!




matapos magpa-pawis sa lazer tag… binalak naman nilang kumain sa california berry. Hindi ko makakalimutan ang “EXCITED” reaction ni ate Annie, heheh

pasensya na pala sa toppings, I know madaming pagpipilian pero nag stick parin ako sa mga natural kong kinakain (hindi kasi ako nabubusog sa mga food na hindi ko kilala.. :D)

Tapos nun? uwian na! buti may kotse silang dala… hinatid na kami nila ate Moyan at Nat sa bahay. 1am na kami nakarating ng bahay non hindi naman kami pinagalitan, sinilip pa nga ni papa si Ryan pabalik ng van. :) at ako? ayun! pagod … 

 

No comments:

Post a Comment