Oct 11, 2016

The infin-EIGHT friendship

     8 months ago nang sinulat ko ito. so ito na yung continuation ng message ko nung birthday mo, medyo na ngarag mo pa'ko habang sinusulat ko ito nung kausap kita at magkamali ka sa year ng uwi mo, anyway...


     2008 nang maging mag pardz tayo, 8 yrs of friendship! 8 a symbol of infinity! hindi lang basta walong taon na lumipas, Eight meaningful years! Na halos araw-araw may memories. Panahon pa ng social online game at friendster, Nauna pa nga tayo mag tawagan na pardz kesa kela Cardo at Glen ng Ang Probinsyano (FYI Maja Salvador at Coco Martin yan; and yes ipipilit ko paring kamukha ko si Maja! 'wag ka na umangal papayag naman akong mas pogi ka kay Coco Martin, Ok lang mag bolahan paminsan-minsan para masaya.) 

     Madami kang friends pardz, hindi lang AKO ang nakatagal sayo, pero sa side ko IKAW lang ang nakatagal sa ugali ko... kaya Iba ka! Ang tyaga mo! hindi nga ako sure kung nagagampanan ko pagiging bessy pardz ko sayo o kung napapasaya ba kita pag malungkot ka tulad ng mga ginagawa mo para sakin. Kaya thankful ako andyan ka parin.

 .    Super dami na nating pinagdaanan... Naging human diary na natin ang isa't-isa (almost). mga awkward topic naging normal topic nalang tipong age doesn't matter na, gender doesn't matter pa! (Isama narin natin si distance doesn't matter). Tinanggap mo ako sa kabila ng mga negative sides ko physically and mentally. We've been together through ups and downs. May mga tao nang dumaan at umalis sa buhay natin, Nag-aasaran, Nag-kukulitan, Iniistorbo ang isa't-isa. Dumaan ang maraming trials na nalagpasan natin, May konting tampuhan pero hindi pa lumilipas ag 24hrs ok na ulit kaya heto tayo! Strong parin!

     Hindi ko alam kung na e-experience mo yung ma-question ng iba. Sa tuwing mababanggit kita lagi silang may banat na "pano mo nasabing bestfriend mo ang isang taong never mo pa nakita?" Pag sinabi bang bestfriend required na nagkikita? Hindi naman diba? Malayo ka pero mas ramdam kita kesa sa kanila. Lots of people makes me feel na kilala lang nila ako kapag may kailangan sila. Nung magkasakit ako mas naramdam ko concern mo compare sa iba na nagsasabing kaibigan ko, (nasa kanila ang salita pero nasayo ang gawa). Nakikita ko sila personally, I've seen they're smile at me but I can't see the sincerity. Yun lang mga panahon na tinatawagan mo'ko kahit wala lang! Kahit trip mo lang o bored ka lang. The fact na you've shared every single moment big impact na sakin pardz. Iba yung feeling na alam kong may isang tulad mong nagtitiwala sa isang tulad ko. Alam ko ganyan ka sa lahat ng kaibigan mo, o hindi lang ako ang nag iisang bestfriend mo, friendly ka eh! Pero thank you parin dahil napabilang ako sa mga taong naging mahalaga sayo.

      Sorry sa mga araw na tinotopak ako at napag bubuntungan kita. Salamat sa pag iintindi mo sakin. Sa sobrang understanding mo pati baluktot na Nihonggo, English or even Tagalog naiintindihan mo. And thanks for correcting every single words. Mapang-asar ka, bully, pero nung panahong naagrabyado nako pinagtanggol mo'ko. Nung sinabi mong wag ko na pansinin o wag ko na patulan tapos maya maya na beast mode ka narin. Nakipag away ka narin para sakin. Kahit busy ka lagi kang may oras para makinig sa ka dramahan ko, isa na dun nung sa kalagitnaan ng paglalaro mo inistorbo kita, akala mo kung sino nanaman nagpaiyak sakin yun pala otwol lang haha.


     Aaminin ko nakaka tampo ka minsan, kapag inlove ka o sobrang saya sa isang tao nakakalimutan mo 'ko, Alam ko sa sarili ko hindi ako perpektong tao, may mga araw na nagiging immature at makitid ang utak ko. Pero sa mga araw na yun nag eexpand ang pagiging understanding mo. Pag mali ako mali talaga ako, pinapakinggan mo side ko after awhile saka mo ako pagsasabihan sa mga pagkakamali ko in a way na hindi ako nasasaktan but instead natututo ako. Ang dami mo na ngang words of wisdom na inipon ko.

    Salamat pardz! sana 'wag ka magbabago. Kung dumating man yung araw na muli kang lumisan ng biglaan. asahan mong nag-aantay lang ako sa pagbabalik mo. (Makakaramdam ako ng pagtatampo dahil umalis ka ng walang paalam, pero once na bumalik ka may bonggang bigwas sa sikmura kang matatanggap, pwera nalang kung may bitbit kang rilakkuma or isang box na planner essential with 48 colors kuretake zig brush) yan ah! May idea ka na kung ano ireregalo mo sakin much better kung ikaw mismo mag de-deliver :p

    Sana lang hindi ito LAST muka kasing wala na'ko sa eksena... :( hindi kana nag ku-kwento, lagi na'kong huli sa balita... naglilihim ka na! Deadma mo na'ko madalas :(

     I know you hate drama! I just wanna make you cry. Na achieve ko ba? yung totoo? kahit teary eyes wala? Ok sige siguro naman napangiti kahit konti? Happy 8th friendship Anniversary! Bessy Pardz! Miss yah! (>^3^)>

No comments:

Post a Comment