Naririto nanaman ako sa lugar na kung saan wala akong ginawa kung ang humiga. Nakaka-boring pero may magagawa paba ako? Diko naman sinasadyang magkasakit ako. Ako nga pala si Susie, maliit pero maganda…
ay hindi! Cute lang pala. Nandito ako sa ospital kasi may malubha akong sakit congenital heart disease isang sakit sa puso na hindi ko malaman kung bakit sa akin pa dumapo, marami naman dyang iba na wala nang magandang ginawa sa mundo.pero ok lang! kasama sa pag-ikot ng mundo yan! Alam kong part ng destiny ko ang magkaroon ng ganitong sakit. E ano?! Basta ang alam ko maraming nagmamahal sa akin ang parents ko,relatives,mga kaibigan lahat ng kakilala ko alam kong mahal nila ako. Iba-iba man ang way nila sa pagpapakita non alam kong mahal nila ako. Ang kulit ko no ?! pero dati hindi ako ganito. Binalak ko pangang magpakamatay non dahil iniisip kong walang nagmamahal sa akin. Palagi akong nakakagalitan sa bahay,kung minsan din sa school,wala akong kaibigan non lahat sila inaaway ako, pinagtatawanan, ilan buwang akong pipe dahil wala akong kinakausap, may sarili akong mundo noon. Natatandaan ko pa nga ang sinabi sa akin nang papa ko…
May bagyo noon: malakas ang hangin at bumabaha sa daan,sumasabay naman sa pagbuhos nang ulan ang pagpatak nang tubig sa sahig mula sa sira-sirang kisame ng bahay nila at kahit anong ingay ng ulan at rinig parin sa labas ang sigaw nang ama ni Mario.
At mula nang ampunin siya ng mag-asawa naramdaman niya ang kakaibang pagmamahal.tinuring siyang parang isang tunay na anak, tinuturuan ng mabubuting asal, pinapakain ng sapat at nagging kaibigan diba?!. Kaya ko rin nalaman ang isang bahagi nang buhay niya kasi nga KAIBIGAN ko siya… Haayyy nako… pitong taon na ang lumipas mula nang maranasan niya ang pagsubok na yon sa kanyang buhay at ngayon masasabi kong naka-recover na siya sa mga pangyayari. Dahil sa pagtsatsaga niya sa pag-aaral nakatakda siyang umakyat sa stage at tanggapin ang napakaraming medalya, VALEDICTORIAN kasi siya. Pero sa ngayon nandito siya sa ospital at inaalagaan ako ang sweet diba! Kaya nga mahal na mahal ko si Mario bilang kaibigan syempre.
Sya nga pala muntik ko nang makalimutan, siya si Nina isa sa aking mga kaibigan.mabait rin yan!
“Daddy, pinapatawad kana naming sapagkat sinabi ni Jesus na ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo Matt 5:44.. ngayon mapapatawad mo ba kami?”
ay hindi! Cute lang pala. Nandito ako sa ospital kasi may malubha akong sakit congenital heart disease isang sakit sa puso na hindi ko malaman kung bakit sa akin pa dumapo, marami naman dyang iba na wala nang magandang ginawa sa mundo.pero ok lang! kasama sa pag-ikot ng mundo yan! Alam kong part ng destiny ko ang magkaroon ng ganitong sakit. E ano?! Basta ang alam ko maraming nagmamahal sa akin ang parents ko,relatives,mga kaibigan lahat ng kakilala ko alam kong mahal nila ako. Iba-iba man ang way nila sa pagpapakita non alam kong mahal nila ako. Ang kulit ko no ?! pero dati hindi ako ganito. Binalak ko pangang magpakamatay non dahil iniisip kong walang nagmamahal sa akin. Palagi akong nakakagalitan sa bahay,kung minsan din sa school,wala akong kaibigan non lahat sila inaaway ako, pinagtatawanan, ilan buwang akong pipe dahil wala akong kinakausap, may sarili akong mundo noon. Natatandaan ko pa nga ang sinabi sa akin nang papa ko…
“anak,hindi ka magkakaroon nang kaibigan kung patuloy kang mananahimik sa isang tabi. Makipaglaro ka sa ibang mga bata,matuto kang makisama, at matuto ka ring buksan ang puso mo nang maramdaman mong maraming nagmamahal sayo.”Kaya nung mag-high school ako sinubukan kong makisalamuha sa mga kaklase ko iba sa kanila nabaitan ako, yung iba maarte, yung iba naman mayabang, kaya pinipili ko ang kakaibiganin ko. May mga naiinis sa akin suplada daw ako at maarte pero di’ko sila pinansin kesa naman matulad ako sa masasama nilang gawi. Dumating yung time nakilala ko nang lubos ang mga pinili kong kaibigan may mga yumabang din mapagmataas, mapanglait, basta! Natuklasan ko ang ugaling hindi ko magustuhan. Kaya balik ako sa dati solo flight ika nga! Masaya pero malungkot din.masaya kasi hindo ko na kailangan magtiis sa ugaling hindi maganda,peo malungkot dahil walang dumadamay sa akin kapag may problema ako. Hanggang nakilala ko si Mario kinulit niya ako ng kinulit para lang kaibiganin ko siya, nung una naiilang ako feeling ko kasi crush niya lang ako kaya ganon nalang ang pangungulit niya sa akin. Yun pala siya ang magbabago ng buhay ko. Kanina sinabi kong binalak kong magpakamatay pinigil ako ni Mario at pinarangalan kaya di natuloy pagpapakamatay ko. Mula nang balakin ko ang pagpapakamatay hindi na niya ako magawang iwan hatid-sundo pa nga ako sa bahay,kulang nalang pati sa banyo ay nakabantay rin siya. Hindi niya ako pinabayaan kahit kailan. Lalo pa akong natauhan at nagbago nung ikwento niya nangyari sa kanya nung bata pa sya. Pati pala sya iniisip rin noon na walang nagmamahal sa kanya… tandang-tanda ko panga mga detalye nang kinuwento nya.
May bagyo noon: malakas ang hangin at bumabaha sa daan,sumasabay naman sa pagbuhos nang ulan ang pagpatak nang tubig sa sahig mula sa sira-sirang kisame ng bahay nila at kahit anong ingay ng ulan at rinig parin sa labas ang sigaw nang ama ni Mario.
“hoy Mario! Eto ang lata,magtrabaho kana sa labas nang makakain na’ko!”Laging gano’n ang ama ni Mario kapag nalalasing, pinag-lilimos nya si Mario para sa alak at sariling pagkain,pagkatapos ay kapirasong tinapaylamang ang binibigay nya sa anak. Mag kaganon man hindi parin nagawang mag reklamo ni Mario sa ama, ulila na sya sa ina kaya ano mang iutos nang ama ay sya niyang sinusunod,kahit bumabagyo ay lumabas parin sya para manlimos at kagaya nga nang inaasahan ay wala masyadong tao sa labas.nanginginig na siya sa lamig pero nakatayo parin sya sa sulok nang kalsada. May mga nagdadaan man sa kanyang harapan ay hindi lahat nagbibigay sa kanya nang pera. Inabot na nang hating-gabi si Mario tuloy-tuloy parin ang pagbuhos nang ulan pero piso sentimos palang ang laman ng latang dala nya. Nang magtagal-tagal pa ay nagpasya na syang bumalik ng bahay.naroon nama’t nag-aantay ang galit na mukha nang kanyang ama.
"ho?! Pero malakas pa ang bagyo,wala pong masyadong tao sa daan”
“e ano ngayon?! Ang mahalaga maka-uwi ka dito na may dalang pera. Naiintindihan mo?”
“ba’t ba ang tagal mo? Kanina pa ako nagugutom ditto! Tignan ko nga kung magkano ang nalimos mo!”At inagaw nya kay Mario ang hawak na lata.bakas sa mukha nang ama nya ang galit nang makitang piso sentimos lang ang dala nya. Pinukol nya sa uli ni Mario ang lata saka pinagmummura.
“ang tagal-tagal mong nawala pagkatapos uuwi ka ditong piso lang dala mo?!”Pero sa halip na maawa ay lalo itong nang galaiti sa galit. kaya nagtungo ito sa kwarto at kinuha ang sirang hawakan nang walis tambo. Natakot si Mario nang makita ang hawak na panalo nang ama, kaya kumaripas siya ng takbo ngunit sa kasamaang palad ay naabutan sya at saka pinagpapalo. Duguan at puro galos na ang katawan ni Mario pero hindi parin nakuntento ang kanyang ama, kinaladkad sya nito at tinapos sa labas ng bahay. Mula sa putikan ay gumapang palayo si Mario. Ginapang nya ang kahabaan nang kalsada at naghanap nang matutulungan. Sa isang sulok nang kalsada ay nakakita sya ng munting kahon kaya doon sya tumuloy,nanginginig sa lamig at nahihilo na sya sa gutom hindi nya alam kung paano makakain, nilalagnat narin si Mario noon matagal syang nakatitig sa bawat patak nang ulan at sa ilang saglit pa ay kinausap nya ang sarili.
“patawad po,kaunti lang po kasi ang tao sa labas kaya yan lang ang dala ko”
“bakit gano’n ni minsan hindi ko naramdaman ang mahalin ako? Lagi nalang ako sinasaktan,binubugbog pinapahirapan. May ginawa ba akong hindi tama kaya dinaranas ko ang ganitong klaseng pagsubok? Bakit sabi nang iba lahat nnang tai sa mundo nararanasan ang mahalin? Bakit sa akin walang nagmamahal? Masama ba akong bata? Masama ba?"At pagkatapos ay nakatulog na kakaiyak si Mario. Sa pagmulat ng kanyang mga mata ay nasa isang di mapaliwanag na lugar na sya. Nilakad nya ang puting kalsada at nakita nya mula sa malayo ang isang anghel na nag-aantay sa ibaba ng putting hagdan.
“halika dito mario, sumama ka sa akin sa taas at may gustong kumausap sayo..”Sumama si Mario kahit hindi nya alam kung saan sya dadalhin nang anghel at nang marating nila ang dulo ng hagdan ay pumasok sila sa puti at malaking pintuan. sa hindi malamang kadahilanan ay hindi nya magawang magsalita o ibuka man lamang ang bibig.nagmistulang pipe si Mario nang mga oras na yon. Habang papalapit ay naaaninag na nya ang nakangiting mukha ng panginoon.
“lumapit ka sa akin anak at tatanggalin ko ang galit sa dibdib mo.”at nang hawakan nang panginoon ang dibdib ni Mario ay nakadama ito nang bahagyang init na nagging dahilan para mapanatag ang kanyang loob.
“making ka sa sasabihin ko, mula ng ipanganak ka ay naranasan mo ang pagmamalupit nang iyong magulang, dumating ang panahon namatay ang iyong ina at naiwan sayo ang iyong ama.pinagmaltratuhan ka nya,ginutom at sinaktan. Iniisip mo ngayon na walang nagmamahal sayo dahil yon ang nakikita mo. Pero mali ang akala mo anak. Bata ka pa,maraming tao pa ang nakatakdang makilala mo. Maraming pagsubok pa ang dadanasin mo para makamit mo ang minimithi mong pagmamahal. ‘wag kang susuko anak kung gusto mo talagang maramdaman ang mahalin ka magpakatatag ka,gaya ng pagtitiis mo sa lamig,at pagtsatsagang manlimos.maraming nagmamahal sayo.hindi magtatagal mararamdaman mo ito.”Pagkatapos no’n nagising na si Mario pero wala na sya sa kahong tinutulugan, pagmulat ng kanyang mata ay nasa ospital na pala sya. At isang mabait na mag-asawa ang nagdala sa kanya sa ospital.
“gising ka nap ala! Ang sugat mo, masakit paba?”Nanatiling tahimik si Mario takang-taka sa mga pangyayari.nang gumaling sya ay doon sya dinala sa bahay ampunan donn nya naranasan ang maging Masaya kasama ng iba pang bata makalipas ang ilang buwan na papamalagi nya sa bahay ampunan ay nagbalik ang mag-asawa na nagdala sa kanya sa ospital.
“kamusta ka na? natandaan mo paba kami? Kami yung nagdala sayo sa ospital. Sya nga pala narito kami para ampunin ka,wala kasi kaming anak sana pumayag ka.alam mo naba ang nangyari sa tatay mo?”
“opo sinabi nila sa akin na namatay si tatay dahil sa pagkalulong sa alak.pumapayag po akong ampunin ninyo.”
“talaga? Naku salamat naman kung ganon, pinapangako ko hinding-hindi ka magsisisi sa desisyon mo”
At mula nang ampunin siya ng mag-asawa naramdaman niya ang kakaibang pagmamahal.tinuring siyang parang isang tunay na anak, tinuturuan ng mabubuting asal, pinapakain ng sapat at nagging kaibigan diba?!. Kaya ko rin nalaman ang isang bahagi nang buhay niya kasi nga KAIBIGAN ko siya… Haayyy nako… pitong taon na ang lumipas mula nang maranasan niya ang pagsubok na yon sa kanyang buhay at ngayon masasabi kong naka-recover na siya sa mga pangyayari. Dahil sa pagtsatsaga niya sa pag-aaral nakatakda siyang umakyat sa stage at tanggapin ang napakaraming medalya, VALEDICTORIAN kasi siya. Pero sa ngayon nandito siya sa ospital at inaalagaan ako ang sweet diba! Kaya nga mahal na mahal ko si Mario bilang kaibigan syempre.
“O liit! Kumain kana binili kita ng pagkain sa Jollibee para ganahan kanang kumain, ramdam ko kasing sawa kana sa nirarasyon sayong lugaw..”
“buti alam mo! Muntik ko pangang makaaway yung nagdadala sa akin ng lugaw dahil walang lasa ang nirarasyon nila.”
“ikaw talaga!... sige na! kumain kana para mabilis ka gagaling”
“hi! Susie,magaling kana ba?”
Sya nga pala muntik ko nang makalimutan, siya si Nina isa sa aking mga kaibigan.mabait rin yan!
“linggo ngayon ahh! Ba’t nandito ka?”Wala naring nanay si Nina, namatay sa sakit sa puso. Kaya nga sobra-sobra ang pag-aalala nya nung malaman nyang may sakit din ako sa puso. Natutuwa naman ako para sa kanila ng Daddy niya. Dati sa halip na sa simbahan pumunta ang Daddy nya ay sa mga beer house ito tumutuloy. Yun din ang dahilan kaya inatake sa puso ang Mommy ni Nina. Ang alam ko…
“mamayang gabi pa po kami magsisimba ni Daddy, ayaw mo dinalaw na kita?"
"Jerry, ano ang ginagawa mo?”Pagkatapos no’n nag-away nanga ang mag-asawa, lumabas nang bahay ang Daddy nya at dinala ang pera naipon nila. Nasa school si Nina no’n kaya naiwan sa bahay ang kapatid nyang si Bobby na walong taon palamang pagkauwi nya nakita nalang nyang nakahiga na sa sahig ang Mommy nya habang umiiyak si Bobby sa tabi nito.
“aalis ako ditto,Alice”
“pero yan kahat ang tanging pera na naipon natin!”
“anong nangyari dito Bobby? Anong ginawa ni Daddy kay Mommy?”Nang hingi ng tulong si Nina sa kapit-bahay na si Gng.Jenkins tumawag sila nang ambulansya at dinala sa ospital ang Mommy ni Nina. Hinanap ni Nina ang Daddy nya para malaman nito ang nangyari sa Mommy nila. Nagpunta sa iba’t-ibang beer house si Nina, halos lahat nang bar tender sa bawat beer house ay kilala ang Daddy niya. Halatang madalas magpunta doon ang Daddy niya. Mabuti nalamang at mabait ang isa sa bar tender nang huli nyang napuntahan na beer house sinabi nito kung saan pa pwedeng magpunta si Nina kaya natagpuan nya ang Daddy nya. Pinilit nyang pasamahain sa kanya ang Daddy nya pero ayaw nitong sumama lasing na lasing na ang Daddy nya sa alak at pinagtatabuyan na si Nina sa beer house na yon. Kaya napag pasyahan nyang bumalik nalang sa ospital. Pagkabalik nya patay na ang Mommy niya. Binurol at nilibing na ang Mommy ni Nina pero hindi nagpakita sa kanila ang Daddy nila. Bumlik lang ang Daddy nila nung wala na itong pera.
“nag-aaway sila ni Daddy tapos bigla nalang sumakit ang dibdib ni Mommy!”
“Nina, ibigay mo itong pera sa iyong Daddy para ibili ng pagkain.”Kinabukasan binigay ni Nina sa Daddy nya ang pera para ibili ng pagkain. Hating gabi na wala parin ang Daddy nya,namimilipit na sa sakit nang tiyan ang kapatid nya. Pagkabalik ng Daddy nya himbis na pagkain ang dala ay alak ang dala nito, kaya sa inis ni Nina ay binasag nya ang mga bote ng alak.
“pero tiya Maria, hindi ito ibibili nang pagkain ni Daddy sa halip ay alak lang ibibili niya.”
“hindi niya gagawin yon, Nina. Magbabago rin sya… siya’y nalulong na sa alak.”
“ikaw na demonyita ka, tignan mo ang ‘yong ginawa!”Hanggang sa dumating ang araw na linggo nagsimba sila Nina at Bobby kasama ang kapit-bahay na si Gng.Jenkin. pagkapasok nila nang bahay ay naabutannila ang Daddy nila na nanonood ng TV.
“salingin mo kami at masusugatan ka Daddy! Sana ikaw nalang ang namatay sa halip na si Mommy!”
“palagay mo ba gusto ko ito? Hindi ko matulungan ang sarili ko. May pumipigil sa akin. Ikinalulungkot ko mga anak… patawarin ninyo ako. Kailangan ko nang tulong n’yo… naiintindihan ba ninyo?”
“hindi ka namin mapapatawad Daddy!”
“Daddy, pinapatawad kana naming sapagkat sinabi ni Jesus na ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo Matt 5:44.. ngayon mapapatawad mo ba kami?”
“oo naman mga anak.”Kaya nung gabi ring yon ay nagsimba ang mag-ama. Pagkapasok nila ng simbahan ay nagsasalita na ang pari.
“ngayon, maari bang sumama ka sa amin sa simbahan mamayang gabi?”
“uh, oo! Sige! Sasama ako!”
“marami ay nasa di kapani-paniwalang mundo, kaya sila ay nalulong sa droga o alak.tanging si Kristo ang makakaputol sa bisyo mo, ano man iyon, -kayong lahat na napapagal at nabibigatan sa inyong pasanin, at kayo’y pagpapahingahin ko. Matt 11:28”Napaisip ang Daddy ni Nina pakiramdam nya’y mabigat ang kanyang dibdib kaya tinanong niya sa sarili kung sya ay may pag-asa pa.
“paano ako lalapit kay Kristo? Ako ay nasa dulo na ng aking pisi… saan paba ako makakapunta? Sinubukan ko na lahat,maliban kay Jesus.”Kaya simula no’n madalas ng nagsisimba ang mag-ama at sa bawat linggong pagsisimba nila ay unti-unting tumitibay ang samahan nila. Pero bakit ko nga ba kinukwento sa inyo ang buhay ng mga kaibigan ko?... simple lang! para maisip nyo na sa bawat mabibigat na problemang dinadanas nyo naroon ang Panginoon, isa sa tumutulong sa inyo. Lahat naman kasi nang tao sa mundo dumadanas ng problema. Maliit man ito o malaki nariyan si God para gumabay. Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, ibinigay nya ang kanyang bugtong na anak, upang ang sinumang sa kanya’y sumampalataya ay huwag mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan Juan 3:16… kaya nga tanggap ko ang sakit kong ito. Mabuhay man o mamatay ako nagpapasalamat parin ako kay Jesus dahil once in my life naramdaman kong may nagmamahal sa akin. At isa na si Jesus doon…
“kapag si Kristo ang nangunguna sa iyo.. maggiging bago kang nilalang. Ang sabi nang bibliya. Kaya’t ang sinumang nakipag-isa kay Kristo ay isa nang bagong nilalang.wala na ang dating pagkatao, siya’y bago na. 2 Cor. 5:17… ang sabi ni Jesus, lalapit sa akin ang lahat ng ibinibigay sa akin nang Ama at hindi ko itataboy ang sinumang lumapit sa akin. Juan 6:37 halikayo, tayo’y magkatuwiranan, sabi nang panginoon,kahit ang mga kasalanan ninyo maging kasimpula ng eskarlata, yan ay maggiging kasimputi nang niyebe;halikayo tanggapin ninyo si Jesus bilang inyong Panginoon at tagapagligtas.”
No comments:
Post a Comment