Feb 24, 2009

Kainis...

Inis na inis ako ngayon gusto ko sumigaw, para malabas itong nasa dibdib ko (pero saan ko gagawin yon na walang makaka rinig sakin?)

ang hirap hindi ko na alam gagawin ko, hindi nila ako maintindihan... naisipan ko narin umalis pero hindi ko alam kung tama ba gagawin ko.

sabi ni balweg "wag mag papa-uto" yun nga ang ginagawa ko hindi ako nag papauto kaya nga lumalaban ako, kaso parang minamasama pa ng iba...

naiinis ako dahil nakita kong kapag kaibigan pala nila kahit hindi sumunod sa rules ok lang, mga abnormal na nilalang gagawa-gawa ng rules hindi naman nasusunod, ngayon nadagdagan nanaman natawa nalang ako (may halong pagpapasikat; pero wag ka hindi rin masusunod yan) kapag ako natanggal sa crew tapos yung iba pang lumabag sa rules hindi na tanggal, ewan ko nalang kung ano magawa ko... (naging sila lang, naging pareho narin ugali). ito pa isang negative, may loyalty award tapos ang mga nakikita kong nominated yung may mga iba pang guild (alam ko yon kitang-kita sa feed kung saan sila sumali); may artist of the month (banner contribution) pero wla akong nakitang nag contribute ng banner sa mga na nominate, and huwaw ano ba ginawa ko? di hamak naman na mas malala pa iba sakin pero hayon para akong pumatay ng tao. hindi ako manhid para hindi maramdamang yun ang pinaparamdam nila sakin. sa mga oras na to parang gusto ko syang mura-murahin at sabihin lahat ng negative na nakita ko sa kanya, (like i dont care care ngumawa man sya o mag drama sa harap ng iba, o gamitin ang posisyon para parusahan ako) eh kaso hindi pa ako ganon kasama (pero malapit na) para ipahiya sya sa iba. kailangan ko pabang gawin yon para matauhan sya? sila?

nakausap ko din si pardz, sabi nya "Wg kna lng kmibo..hyaan muh nlng cla..." nagawa ko na'to non sa iba pero nag muka akong loser sa harapan nila. naalala ko tuloy yung napanood kong movie "school for scoundrels" meron kaya non dito sa pinas? parang babagay ako don at baka sakali maturuan nila ako maging matapang, lolz.

be a lion to that world of fools,... lie, lie, lie and lie some more? lolz

hayzzz kaso wlang ganon school dito. malamang sundin ko nalang si pardz wag nang kumibo hayaan nalang sila, (malaking problema ko ang hindi kumibo dahil hindi ako makakatulog kung may mababasa akong hindi maganda tapos hindi ako makakareply)...

hindi nalang muna ako mag bibisita sa gaia at sa ym? (teka sa ym ko nakakausap sila pardz) sa gaia nlng, tapos hanggang.... uhmm.... bahala na nga...

nakausap ko din si shytype (ang batang mahalay, nyahahaha) pero hindi ko sinabi sa kanya problem ko, nakipag kwentuhan lang ako kamustahan blahblah, infairness napatawa nya ako ng hindi sinasadya, matagal na daw akong may pag tingn sa kanya, whahahahaha. aray ko ang batang yon kanino naman kaya nag mana ng ka-kapalan ng muka, full confidence pa sya eh nyahahahaha.

ok tama na masyado ako naaliw.

No comments:

Post a Comment