- bike ( binilhan pero side car, para daw angkas ko mga kapatid ko )
- piano / keyboard... nabilhan ako ni papa non nung bata pa ako 8 keys lang at may tutorial sheets, dun ako natuto tumugtog ng nursery rhyms, silent night, broken vow, happy birthday (hindi kumpleto) balak nya kasi ako sanayin until maging pianonist ako. kaso ang pianong yon hindi na nasundan :( nakalimutan na ata ni papa, naiingit nga ako sa pinsan ko may sarili syang grand piano at may sariling piano teacher.
- miniature room (hindi nabuo isang item lang nabili ko “pencil holder”) ang mahal kasi ng mga pieces.
- dream room (may sariling room ako noon kaso habang tumatagal napapadalas ang bangungot ko, sabi ng feng sui master na bumisita sa bahay namin non, base sa date of birth ko hindi ako pwede sa side ng bahay na kinalalagyan ng sarili kong room. kaya nilipat ako sa kabilang room ( sariling bed nalang, kasama ko na mga kapatid ko sa room ) at yung dati kong room naging guest room nalang :(
- Fine arts / graphic artist coarse… pero ayaw nila sa anything related to “ARTS” wala daw pera sa art. Alam nating lahat na mahirap mahalin ang kursong hindi mo talaga gusto; Kaya ang kinalabasan nagkaloko-loko ang college life ko…
- sariling library / attic / studio room sa bahay (asa pa ako...aus lang libre naman mangarap lolz).
Jun 27, 2009
Ang dami ko palang “fallen dreams”
Labels:
Blog
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment