Mar 13, 2010

Ayieee Bongga! hindi ako manhid...

proof na hindi ako manhid... kinikilig ako! ang bait talaga ni Lord sakin... di' lang nya pinadali ang sagot sa tanong ko nung isang araw, binalik pa nya ang alam nyang makaka heal ng tuluyan... kaya eto HAPPY HEART ulit :D

Kinamusta ako ng crush ko nung college... (as-usual, un-expected time in un-expected day)


Nagulat ako dun... sya nalang? why not?! hahaha XD matino naman syang guy (yun ang pag kakakilala ko sa kanya, kaya ko nga naging crush). bungad palang kinikilig na'ko lalo na sa mga sumunod naming usapan... andun yung sinabi kong pinag se-send ko ng application form ang mga manliligaw then saka ko nire-review, then sabi nya mag apply din sya, biniro ko naman na "cge send lang... pasisingitin pa kita" XD. tapos nung tinanong ko kung hiring sa office nila sabi nya wala pero pa papasukin nyako as GF nya. (talaga naman!) tapos ininterview pa nya ako (application as GF) ayun sa bandang huli pasado rin pala XD dami pang echos.
SYA: ok pasado ka na!
AKO: Uhmm kelan po ako mag sisimula?
SYA: ngayon na! pwede ba?
kinuha pa nya number ko (yun oh! 1st step)... at bago matulog...



Halos hindi na matanggal ngiti ko non. mama ko napansin narin ako "hoy ano ba yan nag co-computer ka lang naka ngiti ka pa" hahaha para 2loy akong baliw XD. sarap namnamin ng kilig factor XD. pero syempre kailangan ko parin maging WISE.
Lord, Thank you Lord! kung joke man yun ok lang, sa apat na oras na nagkausap kami naging masaya ako super saya. kaya na namnamin ko talaga ang kilig... thank you po :'>


No comments:

Post a Comment