Jun 5, 2013

Pagsuko

"Maaari ba muna natin tong pagusapan
Sa dami-rami na ng ating pinag daanan
Ngayon mo pa ba maiisipang isuko 
Ang lahat ng ating pinag samahan"

kasama sa oplan move on ko ang magbalik sa nakaraan, hanggang sa nakita ko ang old post ko, November 30, 2010 grabe! ang dami ko palang "sana" noon:



  • sana ako nalang yung girl na yun
  • kung ako nalang sana ang minahal nya
  • sana maging tayo


  • Pero sabi nga ni Chris Daughtry sa kanta nyang I'm going home "be careful what you wish for cause you just might get it all"... Lahat ng sana nagkaroon ng katuparan, naging kami. kahit long distance relationship, kahit alam kong magagalit sa akin ang buong barkada namin, pinasok ko parin! alam ni Lord kung gaano ako ka-saya nung mangyari yun, Kaya lang nakalimutan ko ang eksaktong sinabi nya noon.. "pwede bang ikaw muna mahalin ko?" muna.. means PANSAMANTALA...

    24 months naging kami,
    1 month sya nandito sa Pinas pero halos
    2 weeks ko lang sya nakasama
    1 year na delay ang uwi nya,
    2 months hindi sya nag paramdam.
    2 months akong nag alala kung ano na nagyari  sa kanya,
    2 months akong naghintay
    2 months akong naniwalang kami pa pero
    2 months na palang wala na...
    nung isang araw ko lang natuklasan ang katotohanan, mabuti pa ang FB status may lakas ng loob ipamuka sakin na para sa kanya "single" na sya habang ako naka "in a relationship" pa, sinubukan ko syang kausapin para tanungin kung ano ang nangyayari, pero ayaw nyang sagutin mga e-mail at tawag ko. That's it! enough na! I choose to hold on but he choose to give up... baka naduduwag pa sya kaya hindi nya ako magawang kausapin. nagtaksil ba sya? nagkasala? nahulog sa iba? o wala lang! bigla lang syang nagising isang araw at nakalimutan nyang may gf syang nangakong magtitiwala at maghihintay sa pagbabalik nya...
    Ano man ang dahilan nya, kung may nagawa man akong hindi nya nagustuhan kaya nagbago sya bigla, sana sabihin nya, sana magpaka lalake sya at harapin ako, dahil gusto kong malaman ang katotohanan, gusto ko malaman saan ako nagkamali, gusto ko malaman 'bat nagawa nyakong saktan. Sa ngayon yun lang ang gusto kong mangyari ang maging HONEST sya sakin....
    Sabi nya mula ng maaksidente sya marami na syang nakalimutan, marahil isa na ako sa mga yun... pero ako tandang tanda ko pa ang lahat, lahat ng memories ko kasama sya...
    • Ex sya ng highschool classmate ko
    • Naiilang ako pag tinititigan nyako sa jeep
    • Mahilig sya sa spaghetti
    • Pag kumakain sya ng french fries yung gitna ang una nyang kinakagat
    • Naging mag best friend kami
    • Napasama sya sa barkada namin
    • Nagbreak sila ng classmate ko
    • Tinawagan nyako sa landline para maglabas ng problema
    • Naging mas close kami
    • Naging kumpare ko sya
    • Sinundo nya ako sa STI nanghiram sya ng mga installer
    • Sa may national bookstore kami nagkita
    • Nagkita din sila ng bf ko non, pinagselosan sya kya umalis kami agad
    • Nagbreak kami ng bf ko non sya naman ang napagsabihan ko ng problema
    • Napansin ng barkada ang closeness namin
    • May pinakilala sila sa kanya
    • Naging textmate sila
    • Magkikita sana sila pero na late yung babae
    • Napagtripan sya, sinaksak ng 10 times
    • Na-ospital sya
    • Pinuntahan namin sya agad
    • Dinadalaw ko sya sa ospital every other day pagkagaling sa school
    • Dun ko unang nakilala family nya (mama nya, kuya nya, bunso nila, at pinsan nya)
    • Dun ko rin nakita ang best friend nya sa college school,
    • Ginawa nya panga kaming saklay non habang namamasyal sa hallway ng ospital
    • Mabigat sya pero kinaya ko naman
    • Pinasama ako ng mama nya sa van nung pinalabas na sya ng ospital
    • Muntik pa kami mahuli ng MMDA nag overtake kasi mama nya pero sabi ng mama nya "pasensya na po nagmamadali kasi ako nasaksak anak ko oh" kaya hindi kinuha yung lisensya (ang cool ng mama nya, ang galing umarte hehe)
    • Nagpunta ng bangko saglit mama nya iniwan kami sa van
    • Nagpatugtog sya ng old song kinantahan ako,
    • Pagdating sa bahay nila dun ko nakilala ang tita nya
    • Naging sila ng textmate nya
    • Pinagselosan ako nun kaya lumayo sya
    • Naging sila in 4 years (4 years ko din sya hindi nakausap)
    • Nasa ibang bansa na pala  sya, nagkaroon kami ng communication sa FB
    • Nagbreak na daw sila,
    • Sa kabila ng pag papaaral nya dun, sinaktan sya
    • Nalaman nyang nabuntis na pala ng iba
    • At ang perang pinadala nya pinangbayad pala sa bahay nila ng nakabuntis sa kanya...
    • Ako ulit ang pinagsabihan nya ng problema
    • Nadevelop sa isa't-isa
    • Naging kami (pinaramdam ko kung gaano ko sya kamahal)
    • Nagalit ang buong barkada pero pinaglaban ko sya
    • Nangako akong hindi ko sya iiwan
    • Pinili ko sya kesa sa kanila, kasi alam ko dun ako mas sasaya
    • Naging legal kami sa mga pamilya namin
    • Nakabonding ko mga pinsan nya
    • Nakabonding nya sila papa
    • The rest is history...

    Napakaraming alaala... Sana tulad nya, dumating din ang araw na makalimutan ko ito bigla, na parang hindi nangyari. O kaya yung tulad sa korea nobelang "missing you"... isang kumpas lang ng kamay...

    Wala na! Goodbye bad memories!


     

    No comments:

    Post a Comment