Oct 11, 2013

Bestfriend

Every year madami tayong ocassion na sine-celebrate... Birthday, Valentines, Christmas, New Year, etc. pero alam nyo bang may isang SPECIAL occasion tayong madalas makalimutan?, ang FRIENDSHIP day! each one of us meron kaibigan, pero bihira lang ang may TUNAY na kaibigan.

  • kaibigan na tanggap ka sa kabila ng weakness mo,
  • yung tipong hindi ka huhusgahan kahit marami kang negative na ugali sa halip ay iintindihin nya yun,
  • yung magpapakaka TOTOO sayo!
  • yung kayang sabihin kung pangit ka ba ngayong araw, o may inugali kang hindi nya gusto pero sa paraan na hindi ka masasaktan o mapapahiya sa ibang tao,
  • yung mag se-share ng happy o sad moments nya sayo.
  • patatawanin ka pag malungkot ka
  • pagtatawanan ka pag OA na ang drama mo; saka mo nalang mare-realize mababaw lang pala yung kinabadtrip mo.
  • yung pag feeling mo mag isa ka nalang, kulang nalang batukan ka nya mula sa likod para lang ma realize mong may kakampi ka pa.
  • yung walang kinakampihan, kung mali ka; MALI KA. pero hindi ka iiwan, pagsasabihan kalang.

Minsan kapag may problema tayo sa pamilya o sa lovelife sila ang nasasabihan natin, Pero aminin na natin hindi lahat ng nagtatanong kung ano problema natin ay concern talaga sa nararamdaman natin, yung iba dyan nagtatanong lang para may mai-chismis sa iba. Pero ang TRUE FRIEND? hindi lang yan magtatanong sayo, makikinig, at mag a-advice pa yan, at hindi lang yun natatapos ng isang araw na kwentuhan nyo, kakamustahin ka pa sa mga susunod na araw kung OK ka na.

Kaya kung sa tingin mo natagpuan mo na ang true friends mo, pahalagahan mo! maging tunay karin na kaibigan sa kanya, maglaan kayo ng special occasion every year, ang friendship day! yung panahon kung kelan kayo nagkakilala o kung kelan kayo naging mag kaibigan,

Ako? feeling ko God gave me the greatest gift, Isang anghel na nagkatawang tao at naging Bessy Pardz ko, malayo nga lang sya sakin siguro mga 1,860 miles away... pero kahit ganun daig pa nya yung mga taong nandito lang din sa Pinas. kasi pag nalulungkot ako at kailangan ng kausap sya yung unang nag reresponse, wiling makinig kahit pointless drama pa kinukwento ko sa kanya, handang mag advice (mala-papa jack pa nga mag advice minsan), at laging may nakahandang katatawanan. Kaya nga pag nalulungkot ako binubulabog ko sya kasi sure akong after namin mag usap masaya na ulit ako...

bessy PARDZ!!! para sayo 'to!

5 years na tayo! Salamat at hindi ka parin nagbabago,
Thanks you for always being there for me, Lalo na sa mga araw na malungkot ako,
The best ka talaga! Ingat ka lagi dyan ah! Miss you!



 reaction ni pardz sa facebook 



 

No comments:

Post a Comment