Apr 30, 2015

kung pinanganak siguro akong MAGANDA...

kung pinanganak siguro akong MAGANDA...

- hindi ko mararanasan ma-reject, mag aagawan pa silang asikasuhin ako, tipong lahat ng tao gusto ako maging close kasi nandun yung feeling nila na sikat sila kapag may friend kang maganda.

- hindi ako masasaktan, dahil mamahalin ako ng lahat, hahabul-habulin pa ako kapag nagagalit ako, dahil matatakot silang mawala ako sa buhay nila.

- kikita ako ng maraming pera, mag aartista ako, dadami endorsement at commercial ko, magkakaron ako ng album kahit hindi kagandahan boses ko, ganda lang ang puhunan.

- at pag nagka bf ako sasabihin ng mga friend nya "wow para kang nanalo sa lotto! Jackpot!" Ipagmamalaki nya ako sa lahat, Lagi syang may sweet surprice, Marami kaming maiipon na picture together dahil bawat oras gusto nyako makasama.

KUNG!... pinanganak siguro akong maganda.

------------------------------------------------------------

Alam ko lahat ng bagay may dahilan,
may dahilan 'bat di ako naging maganda,
Kung bakit hindi ako kasing attractive ng iba,

Kadalasan kung hindi ka kagandahan mabuting tao ka...
pero mabuting tao nga ba ako?

Bakit hindi ko close mga kapatid ko?
Bakit ang daming galit sakin?
Bakit ako na-bully simula elementary hanggang college?
Bakit parang wala akong kaibigan?
Bakit walang may gustong makasama ako?
Bakit pakiramdam ko kinakausap lang ako kapag kailangan ako at pag hindi na ako kailangan ini-snob na'ko?
Bakit ko nararanasan ang mga 'to?

Bakit? Bakit ganun? Bakit ang unfair ng life sakin?




 

No comments:

Post a Comment