May 1, 2015

Anong misyon ko?

Kung minsan mag po post ako ng masasayang bagay sa facebook, twitter, IG,  YT o sa mga blog ko. pero walang may alam ng TUNAY na pakiramdam ko sa tuwing ba-byahe ako pauwi mula sa trabaho, walang may alam ng pakiramdam ko tuwing gabi bago matulog, walang may alam ng pakiramdam ko sa umaga pagkagising at bago pumasok sa trabaho...

Dahil walang may pakealam sa kung ano man nararamdaman ko. maaaring sensitive ako o insensitive lang mga tao sa paligid ko... 

"Kaya tayo nabuhay sa mundo dahil may misyon tayo"

Kung baliwala ako sa lahat ng tao, Ano misyon ko? Pandagdag populasyon?

bakit ako nandito? May napasaya na ba akong tao? May na inspire na ba ako? May natulungan na ba ako?

Hindi ko alam, kung meron man, hindi ko naramdaman kung may naka appreciate ba ng mga gawa ko. Hindi ko alam kung ano halaga ko sa mundong ito.


 

No comments:

Post a Comment