Apr 18, 2009

Busy-busyhan

Bagong video?! meron! inaayos pa audio nalang di ako makapag record sa ngayon dahil paos ako (sa sobrang init uminom ako ng malamig natubig; na hindi ko naman kadalasan ginagawa)...

Nung isang araw bumili ako ng webcam (request ni ama gusto kasi nya makita sila tito from abroad) sawa na sila sa phone calls. tapos kahapon naman printer ang binili ko (susyal! pa shopping-shopping nalang.) nasira kasi printer ko non kaya heto pinalitan, (ang cute pa ng nag benta; super asikaso sya) di tulad nung mga tao sa national dun sa robinson place manila na ang susungit, ang sarap i report sa amo nila.

Tapos naka chat ko si bruhildang kat! aba ang tagal ko din hindi naka usap yon, pati si dheo (thesis partner ko, na gwapo na makulit pa). 2nd job na daw nya ako isa palang (ano yan? padamihan? hehehe) Ganon parin makulit parin sya punta daw sya dito sa bahay ang damuho puro kalokohan parin. but infairness nakaka miss ang bonding moment namin. pati si ryan (kaberkz since high school) na kahit busy nagawang mangamusta. Naikwento ko narin sa kanya na nanggaling ako kela mhica nung sabado.


No comments:

Post a Comment