Apr 21, 2009

Ito ang kwento tungkol sa cancelled video…

ok balik sa request ni BOSS-kuno. nag request nga sya, tinanong ko kung anong song sagot nya "BAHALA KA NA" tinanong ko kung paanong year-end sagot nya "BAHALA KA NA, basta meron nitong mga names na'to" ang labo diba??? eto matindi sa kabila nang hindi nya pagbigay ng detalye sa kung ano mang gusto nyang makita sa requested video nya, tuwing makikita nya ako mag online tinatanong ako "TAPOS NA?" parang gusto ko ngang sagutin na "Nagmamadali ka? ikaw na gumawa" at alam nya din na kasalukuyan akong may ginagawang Vid. nung panahon na yon pinarinig ko pa sa kanya yung song, surpricingly, nagustuhan nya at gusto pa agawin ang song, eh heller??? xmas song yon hindi bagay pang year-end duh! wala rin syang nabigay na pics, ako parin, kaya nilibot ko ang forum naghanap ako ng bagay na pics, then nakita ko yung message nya sa forum, yun nalang nilagay ko parang sulat lang,

at ang masaklap sa lahat, dahil minamadali nya ako sa vid. sinakripisyo ko ang surprice xmas gift ko na ipapalabas ko sana sa youtube exact dec.25,2008. maayos naman ang naging kinalabasan ng year-end tribute naipalabas din on time, mula sa pagpili nang song, pictures, clips, at iba pang detalye, mabuo lang ang requested vid. AKO lahat ang nagtrabaho don, isama na ang pag sasakripisyo ng isa kong planned video.

tapos nung first week of January may nagtanong sakin (isa sa mga nasabihan ko about sa surprice vid. Pero di nya alam kung anong klaseng vid.), tinanong nya ako kung tapos na yung surprice gift, nasabi ko nalang na... "BAKA hindi na maipapalabas yon kasi ang video na yon para lang sa once in a year event, and since lumagpas na sa date na dapat ipalabas sya baka i-cancelled ko nalang, or next year ipalabas kung walang magiging problema"

in other words 90% ang bahaging nagawa ko sa bawat video na inalay ko para sa kanila at 10% lang ang contribution nila... kaya ganon nalang ang galit ko nung kinuha nila direkta sa youtube ko ang mga video na ginawa ko hindi lang isa kungdi lahat nang ginawa ko... nang walang paalam, tapos gumawa sila nang sariling youtube account at inapload sa account nila. same video, walang labis walang kulang, kaya tuloy ang mga viewers dapat ng vid ko dun nalang sa account nila nag view, malinaw na pang sasabutahe sakin ang ginawa nila....

No comments:

Post a Comment