Apr 18, 2009

Ang muling paglabas sa lungga ni Ren...

Nung sabado (April 11) kahit birthday ni papa, lumabas ako ng bahay namasyal kami ni Raineil (isang high school friend) may problem daw kasi sya, palipas oras lang ewan ko kung bakit ako ang naisipan nyang ayain XD. Nanibago ako sa paligid ilang buwan na ba ako hindi naka labas ng bahay?! unang pinuntahan namin sa tutuban nakipag kita ako kay jean (classmate ko sa STI; bading ang tawagan namin kahit hindi sya bading) kinuha ko yung inaamag ng t-shirt ko sa kanya.



Hehe ang tagal na nyan, sa sobrang pagmamahal ko sa avatar ko at sa partner nya pinagawan ko ng t-shirt, sa likuran nandon avatar name ko. Nag kwentuhan pa kami ni bading ewan ko kung kung ilang oras, pinag kwentuhan namin mga old friends namin (ung isa na nganak na) tapos sinabi din nya reaction nya nung maging kami ni Nap na classmate nya. di daw nya akalaing magiging kami (ako din eh! d'ko akalain). pero sinabi ko ding matagal na kaming break, si bading parang sanay na sanay nang single ako whahaha. sabi pa nya ayos lang yan bading hindi pa tayo napagiiwanan makikita din natin si mr.right, naturo pa nya si Rainiel (na tahimik sa isang tabi). jusku po! na intriga nanaman kaming dalawa. Medyo bitin pag kikita namin ni bading kasi kailangan pa nyang bantayan tindahan nya (tuluyan ng kinarir ang pagtinda). Tapos kami naman ni Rainiel may bonding moment pa. Next naming pinuntahan bahay nila Micah na classmate din namin ni Rainiel non (binisita ko ang aking inaanak; malaki na utang ko don kahit bisita man lang makabawi). Ganon din kwentuhan sa mga life and friends kami ni mhica at natahimik nanaman si Rainiel, pero naka hanap sya ng mapag lilibangan nilaro nya yung inaanak ko.. nung medyo nakahalata si mhica sa katahimikan nya (ni Rainiel) sya ang inintriga namin. Naalala ko may problem DAW sya kaya yon na pinakwento namin kay Rainiel. grabe di parin nagbabago ang tipid nya mag salita. tapos may nabanggit pabulong pero narinig ko (shocking revelation yon!). As in shocking wala sa face nya; dun ko nalaman na mas malandi pala sya sakin ang dami nyang girlet sa buhay, inintriga din sya ni Mhica sa mga pics sa cellphone nya. Katagalan ng pang iintriga namin kay Rainiel nalaman kong wala talaga syang problema, na miss nya lang ako, gusto nya akong makita whahaha. 9 pm na ata kami naka uwi non. kinabukasan todo explain sya tungkol sa revelation nya (as if naman GF nyako) whahaha.

Syempre may next time ang lakaran, super nag enjoy ako, siguro dahil alam kong kilala na ako ng mga taong yon topakin man ako maiintindihan agad nila.

2 comments:

  1. A L I shigeru / ali ♥May 10, 2009 at 10:18 AM

    parang nahulaan ko na kung anong 'shocking revelation' un ah.. haha! ayyiiee..

    ReplyDelete
  2. O_O nahulaan mo? hala! 'wag ka maingay mayayari ako sa kanya XD

    ReplyDelete