May 4, 2009

pa-HUG!!!

Hayzz hindi ko malaman kung bored lang ba ako o talagang nalulungkot ako. Madami pa akong dapat tapusin pero wala pa ako sa mood gawin (baka masira ko lang). Ayoko naman mag online (DUN) kasi maiinis lang ako baka makagawa pa ako ng gulo pag di'ko napigilan sarili ko. . . parang gusto ko mamasyal (pero ayoko mag isa), wala naman ako maaya kasi busy sila, at siguradong ilang oras pa muna ang lilipas bago maka decide kung saan pupunta. nalulungkot tuloy ako namimiss ko ang galaan, happy moments with my REAL friends, pag ganitong nalulungkot ako nang hihingi ako sa kanila ng hug (para medyo mabawasan lungkot ko) kaya nga pag ginagawa ko yon alam na agad nilang depress nanaman ako. nakita ko rin sa youtube 'tong video,

grabe naiyak ako dito Free Hugs Manila, Philippines


isang free hug compaign ginawa sa pinas (orihinal sa ibang bansa). meron 'ding music video version ang Itchyworms (pinost ko sa main site) Parang gusto ko tuloy gawin 'yun pag nalulungkot ako, nakakagaan kasi sa pakiramdam kapag niyayakap ka ng isang tao, para syang silent way to say "wag kang malungkot nandito ako"


2 comments:

  1. haha thanks! pero baka next time nalang pagwala na trauma ko sa labas. XD

    ReplyDelete