alam kong marami nang nagtataka, dati akong aktibo sa *clan name* isa sa mga ganado mag share ng idea, ganado mag-isip ng mga activities para hindi na maboring ang members, ganado mag-reply sa forum, ganadong tumambay kahit ilang oras, at ganado mag accept ng mga request banner man o video kahit walang kapalit. dahil hindi ko sila tinuring na clan kundi tunay na kaibigan. halos tinuring ko narin na 2nd family sa 4 na taon na pagiging member nila. Nagkaroon ako ng tinatawag na lolo, daddy, mommy, mga kapatid, apo, boyfriend, asawa, instant baby, at mga apo. na meet ko pa sa personal yung iba. 1 year ako nawala 'yun 'yung panahon na kailangan ko talagang pagtuunan ng oras ang pag-aaral para maka-graduate. after graduation at magkaroon ng trabaho, balik ako sa pagiging adik sa online games dun ko nalaman na lahat ng mga ka close ko sa clan (mga family ko don) pati mga inaya kong sumali noon, naglipatan na. 'yung iba nagsabi sakin ng dahilan kung bakit hindi na sila active... nakapag-asawa na yung iba kaya tuon sila sa sarili nilang pamilya. yung iba wala nang panahon maglaro dahil sa trabaho, yung iba may nakitang game na mas interesting daw, pati mga observations nila. Ako naman... kaya hindi na ako active kasi nawala na yung "SAYA" at "AT HOME" na feeling. napalitan na nang pagkasuklam sa kanila....
Bakit ko sila kinasusuklaman? Dahil ninakawan na ako sinabutahe pa'ko nang mga taong akala ko kaibigan ko... kahit bilyon-bilyon ang tao sa mundo hindi lahat tunay na kaibigan, karamihan dyan kaibigan kalang kapag may pakinabang ka sa kanila pero pag wala, baliwala ka. masaklap pa non kung sino pa pinagkatiwalaan mo sya pang magnanakaw sayo. sa halip na suportahan ka, sinabutahe ka pa.
siguro nga may kasalanan din ako, kasalanan kong mali ang mga pinagkakatiwalaan ko, mali ang mga taong inasahan ko na susuporta sakin para ma achieve ko happiness ko. kaya kinalabasan... ako ang talo.

No comments:
Post a Comment