May 8. (friday) ng mangyari ang nakaka-trauma na pangyayari sa aking life. May nakalaban akong holdaper... ganito ang buong pangyayari.
Kailangan namin magtipid dahil na postponed ang alis ni papa. Kaya nung mamimili si mama ng sapatos at slipers ng mga kapatid ko pinasama ako ni papa, (kahit masakit ulo ko, sumama ako) alam nyang pwede ko pa mapigilan sa paggasta si mama, (sakin kasi hindi uubra ang pagiging maluho ng mga kapatid ko). kaya kung ano ang dapat sa kanila yun lang! un nga ang nangyari as in TODO pag titipid kami ni mama, nag aya si mama kumain sa jollibee (pag yung dalawa kasi kasama nya, lagi sila sa jollibee). eh ako Jollibee kung may pera pero kung wala wag na ipagpilitan, bandang hapon na non at medyo may sinat narin ako...
Edi yun na nga pauwi na kami, pagsakay namin sa jeep, may nakasabay pala kaming holdaper. nasa may pintuan ako ng jeep non, katabi ko si mama at ang holdaper kaharap nya. Kalagitnaan ng byahe nag salita ang holdaper. pinapahubad kay mama ang wedding ring nya, nung ayaw ibigay ni mama lumakas ang boses ng holdaper "Hubarin mo sabi yan!" tapos nakita ko yung hawak nyang kutsilyo, sa takot ko na saksakin si mama, sumigaw na ako "Hoy!!" (parang siga ng tondo ang pagkakasigaw ko) sabay tadyak sa kanya, nakita ko ang gulat sa muka ng holdaper hindi nya siguro akalain na sa liit kong 'tong lalaban ako sa kanya. Tapos ako na binalingan sabi nya "Ano? ano?" (habang pinapakita ang kutsilyo nya). ako naman parang sira diko iniisip ang posibilidad na isaksak nya sakin yon (may kalawang panaman) sumagot pa ako, "Ano din?" sabay sigaw sa may pinto ng jeep ng "Magnanakaw!!" (talagang sa may labas ako ng jeep sumigaw para ma-alarma ang mga tao sa labas, dahil takot na rin ang iba pang pasahero ng jeep non) yakap ko ang karton ng sapatos non, yun lang ang hawak kong panangga sa kutsilyo nya, Pinabilisan ng driver ang pagpapatakbo nya ng jeep para umabot sa malapit na police station sa takot nang holdaper naiisipan na nyang bumaba (akala ko may nakuha kay mama). Di'ko tinigilan yung holdaper pinagtatadyakan ko sya, balak ko sya ihulog sa jeep, hindi ako nagpakita ng takot, kaso may pagka stuntman pala ang holdaper na yon tindi ng kapit, kaliwang kamay nakasabit sa jeep, kanang kamay may hawak na kutsilyo balak na nya ako saksakin non para maka ganti sya, pero di sya masyadong makakilos sa sikmura ko sya pinag tatadyakan. hawak ako sa bewang ni mama at ng iba pang pasahero takot silang mahulog ako. kung may dala akong di-spray na pabango non baka binulag ko pa sya. huling malakas na tadyak napabitiw na yung holdaper pinaghahabol na sya ng mga sidecar boy at ng iba pang nakarinig sa sigaw ko...
Tapos nalaman ko walang nakuha kay mama at buti nalang din at di sya nasugatan, (diabetic si mama, bawal sa kanya masugatan dahil mahirap na gumaling). Nakita ko rin ang gulat ng ibang pasahero, small but terible O_O
Ninenerbyos pa si mama non nung makauwi kami sa bahay at kinuwento kay papa ang nangyari. Natawa naman si papa kinuwento namin yung pagkakasigaw ko ng "Hoy!" sa holdaper.,parang siga lang. pati yung pag sabi ko ng "Ano din?" sabay sigaw ng "magnanakaw" wais! e kasi kung sa loob ako ng jeep sisigaw maalarma lang ibang pasahero hindi rin makakatulong sa takot ,kaya sa labas nalang para pagbaba ng holdaper bugbog sarado sya sa taong bayan. natawa din si papa dun sa pag tatadyak ko sa holdaper, (may pagka karate kid daw ako).
Pero pinagsabihan din ako ni papa, 'wag ko na daw uulitin na lumaban lalo na kung mag isa lang ako, sinuwerte lang aq nung araw na 'yon, di'ko na masasabi ang mangyayari sakin sa susunod, pwede pa daw nya kitain ang mananakaw samin, pero ang buhay namin hindi na. at nadala lang daw ako ng takot na baka isaksak kay mama yung kutsilyong hawak ng holdaper kaya nagkaroon ako ng lakas ng loob kalabanin ang holdaper...
pero ewan ko lang ha! kasi nung may nagwawalang lasing dito, (dedo na ngayon naaksidente; sumalangit nawa) parang siga din ako na pinagalitan sya, Lasing 'yon! problemado at pwedeng ihagis sakin ang mga boteng binasag nya pero di'ko pinansin, madaling araw kasi 'yon nagwawala sya super ingay at nagbabasag ng bote (si mama nagwawalis ng binasag nya) kaya sinigawan ko "Ano ba? nagbabasag ka ng bote dyan ginawa mong tagalinis si mama, kung may problema ka dun ka sa bahay nyo magwala hindi dito at bayaran mo yang mga binasag mo! kung ayaw mo basagin ko yan sa muka mo!" hayun umuwi sya sa sobrang hiya.
Hayz grabe bihira lang ako magalit pero pag lumabas na nakakatakot na daw O_O
palagay ko nga...

hahaha.. ayos ah.. idol na kita ate.. paturo naman magkarate.. haha! ^^,
ReplyDeletesana di na maulit yang ganyan.. nakakatakot.. o.O
galing mo ate.. small but terrible.. haha! go!
haha hindi ako marunong magkarate :p
ReplyDelete