Yan ang CD na pinagkakaguluhan dito sa amin. Pinanood ng mga kapatid ko at nakita ng mga “usi” kong kapitbahay. Binalak hiramin para kopyahin, pero syempre kapag gamit ko bawal ilabas ng bahay ng walang pahintulot ko. Kinukulit nila ang mga kapatid ko, mama ko, pati pinsan ko makumbinsi lang nila ako na ipahiram ang CD. Sinubukan narin nilang hiramin sakin. Pero matigas na “Hindi Pwede” ang sinagot ko sa kanila. Oo nga’t kapitbahay ko sila pero HINDI
KAMI CLOSE.
KAMI CLOSE.
Hindi naman sa nagdadamot, I just have some reason kung bakit ayoko ipahiram sa kanila…
- Nakapangako ako sa isang tao na “Personal Copy” ko lang ‘yon at pang back-up if ever magka-problema sa youtube. (kung san ko inapload ang dance compilation)
- three months ko syang inipon, inedit pinagpaguran; para i-dedicate sa tatlo kong online friends bilang pasasalamat na pinakilala nila sa akin ang jabbawockeez at para narin sa pagbibigay pugay sa mga proudly pinoy na myembro ng jabbawockeez.
- Ayokong may kapareho ako, lalo na kung ang bagay na ‘yon pinagpaguran ko, kaya sinadya kong maging kakaiba ang jabbawockeez compilation video (actually lahat ng videos na ginagawa ko). At para narin masasabing kong may karapatan ako if ever na manakaw sakin ang video.
Kaya hindi pwedeng hiramin ng ganon lang para magkaroon sila ng kopya, at isa pa pag ginawa ko yon parang namigay narin ako ng pirated CD “No Way!” … pero hindi naman ako ganon kasama, sinabi kong panoorin nalang nila sa youtube o sa website ko, yung dance compilation. Hindi lahat ng nasa CD inapload ko pero kung talagang gusto lang nila mapanood ang sayaw ng Jabbawockeez; makuntento na sila sa mapapanood nila sa youtube o sa website ko.
No comments:
Post a Comment