Sept. 26, 2009 ; Pinasok nang tubig ang bahay. Inakyat ko agad yung CPU sa takot na baka abutin nang baha. Tapos tumulong na ako sa paglilimas nang tubig. Iisa ang view sa magkakapit bahay, lahat naglilimas nang tubig. Dati, sila lang ang madalas bahain pero that time kabilang narin kami. Hapon na bago kami tumigil sa paglilimas, tuloy-tuloy ang buhos nang ulan, kaya parang baliwala ang paglilimas namin nang tubig. Tapos nawalan pa nang kuryente kaya lalong mahirap kumilos sa loob. Madaling araw na non nung makaramdam kami nang antok. Kinabukasan paggising namin lubog na sa baha ang ibang gamit namin, brownout parin, pero tumigil na ang ulan. Feeling ko nasa titanic kami habang inaakyat ko ang mga nabasang gamit sa platera. Mataas ang tubig at flashlight lang ang liwanag. Lumubig din sa baha ang component naming, yung pinaglalagyan nya bumigay, buti hindi tuluyang nahulog ang tv at speakers na nakapatong sa bandang itaaas. Si mama galit na galit nung makita nya ang component inaasahan na kasing sira na yon. Sinisisi pa si papa sa pag kabit non, “pag tumawag ang papa mo sesermonan ko talaga yon” yon ang pagkakasabi ni mama. kesyo palpak sa pag aayos nang gamit na parang napaka talinong tao ni mama. Naaawa nga ako sa papa ko, hindi naman akalain ni papa na papasukin nang baha ang bahay mataas na kasi, tiles pa. at ang pagkakaayos nya sa component, inayos lang naman nya ang cord sa may likuran para hindi buhol buhol ang cord maganda pa tignan. Si mama parang hindi kumpleto ang araw nang walang sinisisi. “sabi ko na nga ba aabutin nang baha yang component eh” sa isip-isip ko (“naisip mo na palang aabutin nang baha, ‘bat di’mo naisipang mag tawag nang kalalakihan para mabuhat yang mga minamahal mong gamit”). Naglilimas kami nang baha ni Rene sya nag tatawag, si rose dun sa bahay ng kaklase nya natulog na stranded kasi sila sa school, at lubog narin sa baha ang Blumentritt. Buti isa sa mga nakausap ni mama sa phone sabi daw sa kanya “ikaw naman papagalitan mo pa si nato nag tra-trabaho ang tao dun, di naman nya alam na babahain kayo, pasalamat ka nalang di tayo tulad ng nangyari sa ibang lugar na lampas tao ang baha. Pasalamat ka buhay pa kayo” siguro nga tinamaan si mama don. Dahil nung tumawag si papa hindi nya pinagalitan kinuwentuhan nya nalang nang nangyari, at yung component ewan ko kung tama pero pinatuyo lang namin nang ilang araw tapos ‘eto ginagamit na ulit gumagana pa naman nakakatakot lang baka sumabog. Tapos non naisip ko naman ang mga kakilala ko. Nag miss call ako sa lahat nang nasa phonebook ko gamit ang landline naming, (wala kasi akong load) Sabi ko sa sarili ko… kapag nag-ring ayos lang sila (magtiwala kay Bro) pero pag hindi kabahan na ako, (baka hindi pa na se-save ni Bro.) Mga kakilala ko sa bulacan hindi ko ma contact. (karamihan pa don X ko) hindi ko ma contact miski mga kapatid nila. Isa lang ang na contact ko, sila kent ( escort ko nung debut ko ). Ang mokong nag aya pa mag swimming kung kelan bumabagyo. Matagal na kasi kaming hindi nagkikita (at parang nawili sya nung nagswimming kami kasama sila papa). Pero nag aalala talaga ako kela Jan, Nap at sa iba pa hindi ko kasi sila ma contact.
Pati mga ka chat ko kinontak ko din, Buti si Alex nag text ayos naman daw sila dun, ganun din si Kath. Si pards miss na miss ko na din yu,n hindi pa ako pwede mag online eh, hindi ko naman sya pwedeng tawagan o i-text dahil long distance (as in)… Pati mga barkada nong nung high school. Si Ayyen noon nasa bulacan sya kaya nag alala din ako buti nalang lumipat na sila ditto ulet sa may Benita kaya safe sila.
Iniisip ko sila Leonard, Rosaline, Fatima, Romeo at iba pa. Pai si bading na nasa divisoria kinamusta ko din buti nalang safe din sya. . .
Pati mga ka chat ko kinontak ko din, Buti si Alex nag text ayos naman daw sila dun, ganun din si Kath. Si pards miss na miss ko na din yu,n hindi pa ako pwede mag online eh, hindi ko naman sya pwedeng tawagan o i-text dahil long distance (as in)… Pati mga barkada nong nung high school. Si Ayyen noon nasa bulacan sya kaya nag alala din ako buti nalang lumipat na sila ditto ulet sa may Benita kaya safe sila.
Iniisip ko sila Leonard, Rosaline, Fatima, Romeo at iba pa. Pai si bading na nasa divisoria kinamusta ko din buti nalang safe din sya. . .
No comments:
Post a Comment