Nagtataka si Raniel kung bakit ganon nalang ang pag worry ko sa kanilang lahat. (kinikilig naman sya, hehehe) Sa totoo lang mabilis talaga ako mag worry lalo na sa mga ka kilala ko. Ang dami na kasing nangyari, naranasan kong mamatayan ng boyfriend, naranasan kong makipag reunion sa bestfriend ko sa ospital nung masaksak sya (ok na sya ngayon), naranasan ko din mamatayan nang kaibigan. Kaya ganon nalang pag aalala ko sa kanila “ayokong um-attend ng reunion kung may isang natutulog” hindi na gets agad ni Raniel ang sinabi kong yon kaya kinuwento ko sa kanya ang nangyaring reunion sa family namin. Hindi kasi close ang family naming noon, away-away sila, magulo… basta magulo, Si ate Glo. Ang masayahin kong pinsan ang laging nag re-remind sa amin na tawanan lang ang problema. Hindi namin akalain na sya rin pala ang unang susuko. Nag bikti sya, at hindi namin alam ang dahilan, pero parang namaalam na daw sya kela mama at sa iba pa naming pinsan nung makausap sya sa phone. Tuliro kaming lahat nung mangyari yon, halos lahat hindi makapaniwala, naalala ko pa ang biro nya nung nag reunion namin sabi nya “pag ako namatay kikilitiin ko kayo sa paa” tapos nung naka libing na sya sabi nang pinsan kong isa, “ ’te glo reunion ulit tayo oh, kaya lang tulog ka na”. Pigil ang luha ko non. Natanim sa isip ko na “Ayoko nang ganitong reunion”. After ko ikwento kay reniel dun nya lang naintindihan kung bakit ganon ang pag wo-worry ko sa kanila. Kaya lang mapaglaro talaga ang tadhana, Oct. 1 nang gabi nag text si Angie patay na raw ang baby nya (hindi dahil sa bagyo, dahil sa sakit nya). Kahit hindi ko pa nakikita ang baby nya nakaramdam parin ako nang takot. Kinabukasan nag text si Joy pupuntahan naming si ghie sa bahay nila. Naiisip ko bigla reunion nanaman kaming magbabarkada noong high school pero may isang natutulog, hindi pa naming gaanong nakasama ang baby ni ghie pero nakaka lungkot parin, at natatakot ako sa pwedeng mangyari kay ghie. Ang lakas kasi ng imagination nailagay ko agad ang sarili ko kay ghie, (style ko yon para maintindihan ang ibang tao, laging “what if kung ako nasa kalagayan nila”). Mangiyak-ngiyak habang iniisip ko kung ako nasa kalagayan ni ghie, kaya sabi ko kela mhica dapat pasayahin naming si ghie kasi mahirap ang pinag dadaanan nya, Kasama si Raniel non (syempre kaklase naming sya nung high school). sya rin ang ginawa kong pampalakas nang loob, kahit tahimik syang tao kinakausap ko nalang sya para mawala ang isip ko sa babay ni ghie, Kasi naiiyak talaga ako, ayoko namang ipakita sa kanila yon, lalo na kay ghie baka ma apektuhan pa sya, lalong malungkot dahil sakin, Nung nandon na kami kela ghie hindi ko magawang silipin ang kabaong nang baby, miski lumapit hindi ko magawa. Nung nag kwe-kwento na si ghie nakita ko sa mata nyang gusto rin nya maging strong, bilib naman akong kinakaya nya.
No comments:
Post a Comment