DAGA 1: ako tapang kain ako racumin
DAGA 2: mas tapang ako! kain ako cheese sa mouse trap
DAGA 3: ako tapang sa lahat!!!
DAGA 1 & 2: Bakit?
DAGA 3: barkada ko mga pusa
“Be brave enough to love your friends whom you know might hurt you in the end…”
Hayz parang ganon na nga ang nangyari, minahal ko’t pinagkatiwalaan ang mga taong akala ko makakatulong sakin para gumaan ang loob ko. Pero mali, maling-mali, dahil hibis na I cheer-up nila ako lalo akong na down. Pakiramdam ko lalo nila akong binabaon sa “kumunoy ng pagsubok”. Hindi lang ako dinamay pa si “Cookie”. Hiyang-hiya nga ako sa tao nung mangyari yon, Na nanahimik kasi sya, nakikisama, tapos pakikitaan nila nang kakitiran nang utak? Huwaw! As in Huwaw! Bat sila ganon? Nag matured nga sila sa kilos pero parang nahuli sa pag grow ang mga utak nila. Bakit ang kikitid parin nang utak nila?
Tuwing napapaaway ako laging sinasabi sakin na “wag mo nalang sila pansinin”. Na-apply ko sya that night at ang nakakatawa nariyan silang apat nagtatalumpati kaming dalawa ni Raniel tahimik lang. I cried nung maungkat ang problem ko sa bahay gusto ko silang pagsisigawan pero buti nalang na control ko sarili ko hinayaan ko sila mag speech pero walang nag sink-in na salita sakin. Hindi ko alam kung start na yon nang pakikipaglaban ko sa weakness ko. O dahil alam kong bawat masakit na salita nila sakin ay nasa pagkatao rin nang mga nagsasalita sakin.
“dahil dyan sa kinikilos mo, kami ang napapahiya sa ibang tao” natawa ako sa speech na ‘yon ano ba ginawa ko? Naging close lang naman ako sa isang kaibigan, hindi naman ako bulgarang naghubad sa harap nila, paano sila napahiya? Nung maging batang ina sila, at yung iba binuntis lang tapos iniwanan hindi ba sila napahiya non? Wala silang narinig sakin nung pinag sabihan ako nang magulang ko na lumayo na sa kanila dahil mga disgrasyada daw sila at baka matulad lang ako sa kanila. But instead heto ako nakikisama parin sa kanila, pinapatunayan sa mga magulang ko na kahit ganon ang barkada ko hindi ako nadadala sa IMPLUWENSYA nila. “konti respeto lang” respeto? Bakit may respeto ba sya sa sarili nya? Babae sya pero nagbibihis at kilos lalake sya, kahit na sabihing tibo pa sya. Nasaan ang respeto nya sa sarili nya?
Hindi ko pinapakelaman mga buhay nila kaya wala silang karapatan na pakelaman buhay ko. Kung may problema man ako sa family ko ‘wag na sila manghimasok antayin nila na kusa kong ikwento sa kanila hindi yung pipilitin nila akong sabihin sa kanila dahil kaibigan ko sila? Hindi sapat na dahilan ‘yon, hindi porket mga barkada ko sila dapat transparent na’ko sa kanila, hindi lahat pwede ko ipagkatiwala sa kanila, lalo na’t alam kong kung ano man ang sabihin ko; yun din ang gagawin nilang panlaban sakin. Hindi ko sila naging barkada para diktahan ako kung ano ang tama at mali. Sila dapat yung mga taong nakakakilala nang lubos sakin, mga taong magle-lend nang shoulder for me to cry on, mga taong mag chi-cheer-up sakin kapag sumusuko na ako, mga taong tutulong sakin para ma conquer ko mga fears at kahinaan ko sa buhay. Once in my life naging ganon sila, “ONCE” lang hindi pangmatagalan, kasabay nang pag graduate namin ang pag graduate din nila nang pagiging tunay na kaibigan…
Ngayon… kung isa man sa kanila ang makabasa nito, alam kong masasaktan sila, magdadamdam, o magagalit sakin…
Pero ayos lang! atlis quits na kami… para sa kanila ang “MIRROR AWARD” :D
No comments:
Post a Comment