May 11, 2015

How strong am I?

Ganun talaga ang buhay! Dadating at dadating talaga tayo sa puntong matatanong mo ang sarili mo kung gaano ka ka-strong...
...Pagdating sa pagsubok.

"you never know how strong you are, until being strong is the only choice you have"
Quote yan sa planner notebook ko sa work. Sapalagay ko sakto sya sa mundong ginagalawan ko dun. May mga pagkakataon gusto kong sumuko, pero madalas binibigyan ako ni Lord ng rason para maging strong. Madalas man sumama ang loob ko, o na i-stressed dumadating parin yung oras na napapalitan ng ngiti ang lungkot. Good thing na natutunan ko mag appreciate ng kahit na maliit na bagay. Blessings narin dahil may natututunan ako...

  1. Choose whom you trust
  2. Hindi lahat ng mabait sayo ay kaibigan mo.
  3. May mga taong malambing lang sayo pag may kailangan.
  4. At the end of the day, walang ibang magmamalasakit sayo kundi sarili mo.
  5. Hindi lahat ng may bisyo ay masamang tao.


 

No comments:

Post a Comment