Mar 14, 2009

Pana-panahon lang yan...

Nung isang araw nakipag kwentuhan ako sa mga nag audition sa PBB may mga naka pasa at may mga bumagsak, may nagwawala dahil hindi natangap ang schedule for audition nya, may nang hihingi ng advice para maka pasa, may nag bigay ng tip, at may muntik nang maniwala sa balitang may napili na (gawa-gawa lang sa youtube ang news).
hindi ako sumali sa kadahilanang taglay ko ang

  • lack of self-confidence
  • stage freight
  • at hindi pang artistang pagmumuka
kaya bakit pa ako aasang makukuha?… Pero alam ko ang hirap na pinag dadaanan nila, kasi minsan sinamahan ko friend ko nung mag audition sya. sya lang ang nakapasok sa pinaka loob, naiwan kami sa labas ng pinsan nya, nung mainitan balik kami sa van
(kala namin may makikita na kaming artista, lolz)

grabe ang tao; kita ko din mula sa van ang haba ng pila mga parang baliw na hindi ko malaman kung nag pra-practise nga lang ba o talagang may problema? kanya-kanyang eksena sila habang nag aantay, pero ang pinaka nagpalula sakin yung mga dumadaan na GWAPO! at ang masakit na katotohanang hanggang tingin lang ako sa kanila,

Isa ang friend ko sa mga minalas na hindi nakapasa. gwapo naman sya, matalino, talentado, ang problema lang kapag tinamaan ng kaba na me-mental block na. nakakaawa sya nung mga oras na yon, ang gwapo nyang mukha naging instant goofy sa sobrang lungkot kaya ang nagawa namin ng pinsan nya hayon inaliw namin, dating gawi! pinakanta namin sya sa isang karaoke bar (way ‘yon para maisigaw nya palabas ang malaking bara sa puso nya.) nang magtagal ok na sya! sya na mismo ang nagsabing “pana-panahon lang yan, better luck next time”…

Umuwi akong hindi na naikwento sa kanya ang mga nabasa nya sa diary ko, (isa ‘yon sa dahilan kaya kami nag kita; alam nyang may problema.) pero ayos lang better luck next time hehehe… (means marami pang next time na mag kikita kaming dalawa).


Updates:
- Hayaan napag tripan ko ang mga banner ng sites ko iba na banner sa taas (simple pero panget whahaha) ang theme name: crystal dream (wala lang ako maisip na title XD).

- iba narin banner sa diary ko, syempre ako gumawa same parin ang base banner lang ang naiba, wala lang trip ko lang puno, para parang… (“i found her diary underneath a tree, and started reading about me…”) and YES ako ang gumawa maraming salamat sa adobe photoshop.


No comments:

Post a Comment