Mar 10, 2009

Why am I blogging?

I started blogging since 2004, tapos na busy ako sa school napabayaan ko ang blog ko for almost 3 years, and now I’m starting from the scratch (todo hanap sa mga blogs ng friends ko, at mga naka link exchange ko non). Halos lahat sa kanila hindi na gumagana ang link (maaaring nagbago ng domain or tuluyan ng iniwanan ang blogging) and then I found this old friend of mine, nakilala ko sa isang
online game na nilaro ko noon, dati syang may blog pero mula ng magka-work sya napabayaan narin nya ang blog nya wala na daw sya time para mag isip ng code, layout at mga mapapag usapan sa blog nya kaya tuluyan na nyang dinelete. and then he ask me, bakit tinuloy ko ang blogging kahit hindi naman ako kumikita tapos kinuwento ko sa kanya ang katotohanan.

Nagkaroon ako ng barkada noon (school mate) na sakitin din tulad ko, wala na sya ngayon (sumalangit nawa). Sobrang bait, maalalahanin, at napakaraming words of wisdom. Sa kanya namin narinig ang salitang “Live your life like it was your last” kaya nung mailibing ang barkada namin napagkasunduan naming gumawa ng kanya-kanyang tribute sa aming mga sarili at huling habilin para sa mga taong maiiwan namin, tapos ibigay ang key or map (parang treasure hunting) sa pinagkakatiwalaan naming tao. Isa sa barkada nagtago ng alaala sa diary tapos binigay nya sa akin yung susi, actually dalawang susi na ang nasa akin (yung isa sa barkada ko nung college) susi daw ng kahon yon ewan ko kung ano laman.

kaya ako heto! website na naglalaman ng mga kwento ko, collections, pictures at iba pa. (at para high-tech :p)

… karamihan naman sa blog nag lalaman ng kwento ng buhay ng may akda …


Updates:
- ang video plan ay malapit nang matapos (summary video nalang kulang) inabot ng up to part 4 na may above 5 mins na time kada video. (ang haba noh?) PLUS!!!!! isang tribute at isang summary video, na upload ko na sya sa youtube (pero naka private pa :p)

- simplified navbar on the side (hindi lang halata pero may nabago dyan!) dinagdagan ko narin ng sticky notes para sa mga important things tulad nyan jabbawockeez kung fans ka nila at malapit ka sa manila click mo lang ang demand button kapag top 10 ang pinas sa mga pinaka maraming demand mag pe-perform ang jabbawockeez sa pinas!!!!

- tapos mga bagong layout sa iba ko pang site (online diary | poems | stories | songs and lyrics) ang angel figurine na picture sa header ng “stories” sites, ay binigay nung sweetest best friend ko nung highscool, (may sentimental value :p)

- at pwedeng mag contribute ng short stories fiction man o hindi, pwedeng mag request lyrics ang songs, pwede din mag send ng poems, at ng testimonial about me (if you know something about me)

- banner nitong site… saka ko na papalitan pag tapos na ang aking movie plan.

- at nagsumbong nanaman ako sa aking online diary

No comments:

Post a Comment