Aug 19, 2009

Kilala mo ba si Sandy?


Sandara Park ang whole name nya, Dating Star Circle Questor na partner ni Hero Angeles (nung kapanahunan nila Sanchai at Lei ng Meteor Garden) Sya din ang pambansang krungkrung (sa kanya namin nakuha ang tawagan namin ni special someone *slash* bestfriend)

Sa ngayon isa sya sa myembro ng sikat na 2ne1 bilang si Dara



O ayan kilala nyo na? wala lang na natutuwa lang ako sa achievement nya ngayon, parang kelan lang abot kamay ko pa sya (as in abot kamay sa sobrang lapit).

May shooting kasi sila noon Because of you sa may riles, halos isang kanto o eskinita lang ang pagitan mula sa truck ng ABS-CBN (ano nga ba tawag dun?... basta yun na 'yon!) Tapos si Sandy nag CR ata or nag retouch isa sa mga bahay dun mismo sa eskinita ng aming tambayan, Gabi na non kaya medyo madilim unang daan nya hindi ko nakilala kasi naka rollers sya non, Tapos halos mag kasing laki lang kami...

*dumaan si sandy*
Kuya Troy: Ren, Nakita mo yung dumaan?
Ako: Hindi, bakit sino 'yon? (hindi ko napansin kasi kausap ko si drix non)
Kuya Troy: Si Sandy
Ako: Sinong sandy? (kala ko 'yung naka away ko non dumaan na para rumesbak, :p)
Kuya Troy: Sira si Sandara Park
Ako: O_O
Kaya ayon inabangan ko talaga pagdaan ulit ni Sandy, Gusto ko mag pa picture pero wala pa akong cam non or cellphone na may cam ehehe, Di 'rin naman pwedeng autograph alangan namang pasulatin ko sa katawan ko hehehe. Kaya ayon hanggang tanaw nalang ako, sinundan ko sya ng tingin hanggang sa lugar kung saan sila nag sho-shooting. Tapos nanood kami (pauwi na ako non super gabi na) natandaan ko panga yung part na yon pareho sila ni Hero nakasandal sa kotseng kuba, tapos si pokwang lasing-lasingan... sa sobrang ka krungkrungan ko kela sandy nag ipon talaga ako pangbili ng VCD ng movie nila (syempre orig, mas matibay ang orig kesa sa pirated :p).

Nakakamiss ang moment, Moment na napalampas ko nanaman, (si TJ Valerio lang ata ang hindi nakaligtas sa pagka krungkrung ko) Alam kaya nila Sandy ang nangyari sa dating bahay na pinag shootingan nila? naalala pa kaya nya ang mga taong nakasalamuha nya 'don? (hmm try ko picturan kapag dumaan ako dun dala ang cam, sana lang walang snatcher >.<) Grabe kasi, Sikat na sya ngayon astig!

Gayahin ko kaya sya, at iba pang mga nawala tapos pagbalik may malaking surpresa na, Tipong surpresa na wala sa katangian ko na nakilala nila hehhehehe lalim!!! na dive nyo ba? basta mmhmmm we'll see... abangan sa mga susunod na kabanata...

No comments:

Post a Comment