...Good morning, yesterday, you wake up and time has slipped away and suddenly it's hard to find the memories you left behind remember, do you remember?...Haayyy. Panibagong araw nanaman, Habang tumatagal, nakakasawa 'ding tignan 'yung apat na sulok nitong kwartong ito. Madaming kalat. Puro litrato.
"eto nga pala yung picture nung mga barkada ko ng magpunta kami ng tagaytay. "yan si Rachelle ang pinaka matangkad sa amin pero pinaka bata ang edad pag magkakatabi kaming lahat nagmumukha kaming Snow White and the Twelve Dwarfs.
eto naman 'yung kuha namin nung JS Prom, ang kukulit namin dyan mga feeling model Hehe!"
kinuha naman itong picture na ito noong..."
Sadyang napaka bilis ng panahon, parang kailan lang, ang mga ito'y nangyari pa lamang. Subalit ngayon, mga simpleng litrato na lamang sila. Mga alaala ng kahapon. Talagang patuloy ang pa-inog ng mundo. Tuloy ang takbo ng oras. kaya nga minsan, iniisip ko ang kalagayan ng mga taong bilang na ang oras. Ano kaya ang nararamdaman nila? Sila kaya'y nagpaplano pa para sa kanilang kinabukasan o hinihintay na lamang nila ang nalalapit na katapusan.
"Hoy, whitey akin yan! errr!" taragis na aso 'to. kain ng kain kaya tumataba, pati ulam ko inubos.
Hehehe! naalala ko tuloy nung bata pa ako. Mataba rin ako noon, yun bang tinatawag na lumba-lumba, tapos kapag nadadapa gumugulong sa daan kaya ngayon, eto! buto't balat na, siguro dahil sa kakatagas ng dugo ko sa kadadapa.
"hoy kumain ka na ba?"
"paano ako makakakain eh inalmusal na ni Whitey ulam ko."
"o sya, sya, sya. ikukuha kita ng bago."
...The laughter and the tears. The shadows of misty yesteryears. The good times and the bad you've seen and all the others in between. Remember, do you remember .The times of your life?...
Masaya 'yung naging highschool life ko. 'yun nga lang, hindi ko naging close lahat ng mga classmates ko. Ewan ko kung bakit. Pero syempre, may masaya at malungkot na alaala.
Sa kabila ng madalas na pagkahilo, nakaraos din ako. Nung ga-graduate na kami, isa iyon sa pinakamasaya at pinakamalungkot na alaala. Masaya, kasi sa wakas college na kami. malungkot kasi hindi na kami madalas magkikita-kita.
At si Sagittarius...'di ko na sya makakasama. Ang kakulitan nya na nagpapangiti sa akin kapag nalulungkot ako, kahit madalas nya akong asarin dahil sa height ko. Hwaaaaaa!!!
Hehehe! Pero isa lamang si Sagittarius sa malulungkot na alaala. Oo nga at naging close kami nung high school. Madalas magkasama sa bleacher at kumakain ng tortillos na sinawsaw sa Pepsi. Magkaibigan, ika nga ng awitin ni chique pineda na una kong narinig na inawit ng pari sa simbahan nung magsimbang gabi ako at magkakilala kami ni Sagittarius. "I guest what I'm really trying to say it's not everyday that someone like you comes my way no words can express how much I love you..." Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang ma-inlove sa kanya. Gayunpaman, nagpapasalamat parin ako sa magagandang alaala. Kahit tanggap ko na kahit kailan ay hindi pwedeng ako ang manliligaw sa kanya. O hindi...
Anyway ayun na nga ang nangyari.
"Ate, palaro sa computer"
"Tse! gumawa ka ng project mo dyan!"
"Minsan lang mag-computer eh..."
Iyon na nga at nag-college na ako. Bihira ko na silang makita. Minsan pag kaarawan ng isa mag-tatawagan kami para makadalo. Minsan pumunta ako, minsan tinatamad ako. Mas gusto ko kasi yung nag-iisa ako. Mas komportable.
"Eto nga pala yung picture ko nung grumaduate ako.
Eto yung angel figurine na binigay ni Sagittarius nung birthday ko, hawig nya, hehe
Eto naman yung una at huling sulat na natanggap ko mula sa kanya. May poem pa! at drawing, ang sweet talaga!"
...Reach out for the joy and the sorrow, put them away in your mind, the mem'ries are time that you borrow, To spend when you get to tomorrow...
"O, may message ka."
"Mamaya na."
"Bilis buburahin ko na'to."
Sa college, mangilan-ngilan lang ang mga magagandang alaala. Isa na dito si aquarius. Genuine Love ko. Gwapo ba sya? Uhm... mabait. Gwapo? Malambing. Gwapo? Cute.
Oo, inlove ako kay Saguittarius noon pero nung makilala ko si Aquarius, Mas naramdaman ko ang feeling ng inlove. Pareho silang makulit pero higit na mas sweet si Aquarius. naging mag-bestfriend kami, at dito ko nakilala ng lubos si Aquarius. Nagka-inlaban at naging kami, nag-away, nag-brake at ngayon kami ulit, tunay ngang hindi matatakasan ang pag-ibig ilan beses mo mang iwasan.
"inom ka muna ng gamot."
Anyway nagkaroon din ako ng barkada sa college. Masaya rin silang kasama. Lahat naman ng classmates ko okay din. Ang mga ka...A...Teka...Ahhhh! Ang ulo ko!!! Ang sakit na... naman...!!!
Ahhhhhhhhhhh!!!!!
"Magpahinga ka muna... tatawag ako ng duktor!"
..Here comes the saddest part. the seasons are passing one by one so gather moments while you may collect the dreams you dream today remember, will you remember the times of your life?...
Naalala ko yung hapon na umuwi ako galing sa school. Mabigat ang ulo ko. Bigla itong sumakit ng pagkatindi-tindi. Nawalan ako ng malay. Nagising nalang ako nasa ICU na ako ng isang ospital. Marami na akong napagdaanan. Na X-ray na ako. CT scan...
"na autopsy na ba ako?"
Pabiro 'yon pero sa mukha nila, alam kong malubha na ang kalagayan ko. Ilang check-up, ilang tests, saka lang na-comfirm ang kalagayan ko. Brain Cancer sa stage na wala ng pag-asa.
Tinaningan narin ako ng duktor. Ilang buwan nalang daw...
Nung una, akala ko galit sakin ang Diyos, pinagdamot nya sa akin ang ilan pang maliligayang araw. Hindi nya ako pinayagang mabuhay nang matiwasay. Bakit ako pa? Marami pa akong pangarap na gustong makamtam. Ilang araw din akong 'di nakakain noon. Pero mas naawa ako sa mga tao na alalang-alala sa akin. At ng buksan ko 'yung photo album, nawala 'yung hinanakit ko sa diyos.
Niloob nya ang mga bagay na ito. malugod kong tatanggapin. magaan kong sinalubong ang mga araw na dumarating. kahit alam kong, malapit ng maubos ang araw ko. Pero ayos lang! nabubuhay pa ako sa mgagandang alaala. Kapiling silang lahat. Ang mga kaibigan ko, mga kapamilya, at si Aquarius.
"Bakit ayaw mong ipaalam sa mga kaibigan mo at sa boyfriend mo? dadamayan ka nila."
"ayos lang po ako. ayoko po silang magkasama-sama sa malungkot na parte ng buhay kong ito. sa masasayang alaala nalang po kami magsasama-sama. Saka nyo nalang ipaalam sa kanila 'pag wala na ako."
Oo. dahil sa katulad ko na sa alaala na lamang nabubuhay, masakit ang makitang lumuluha ang mga mahal mo dahil sa'yo. Tama na Gusto ko lang alalahanin ang mga masasaya naming pagsasama. Sapat na iyon. kaya bago ako magpaalam inipon ko ang lahat ng ito, mga litrato at mga bagay, itong mga alaala ninyo.
...Gather moments while you may collect the dreams you dream today remember, will you remember?...
"Eto yung picture ko nung grumaduate ako sa elementary."
...The times of your life? ...
"Eto naman nung pumunta si Sagittarius nung birthday ko"
...Of your life...
"Nung mag-camping kami ni Aquarius..."
...Of your life
Do you remember the times of your life?...
© Kalyo Book
a revised story of Ren
No comments:
Post a Comment