Jan 27, 2013

Anong nangyari sa ating dalawa?

by: Aiza Seguerra

Ikaw ang pinangarap
Ikaw ang hanap-hanap
Ngunit bakit nagbago ang lahat
Ang init ng pagmamahal parang naging salat
Pangakong habangbuhay
Pangakong Di'magwawalay
Ngunit 'bat lumamig pagmamahal
Parang di'na ikaw sa may kapal ang dinasal
anong nangyari sa ating dalawa
akala ko noon tayo ay iisa
ako ba ang syang nag kulang o ikaw ang 'di lumaban
sa pagsubok sa ating pagmamahalan
anong nangyari sa ating dalawa
pagmamahal ngayo'y bakit naglaho na?
damdamin ay nasasaktan, puso'y nasusugatan
pangako mong pagmamahal ngayon ay nasaan?
Nasan ang sumpaan?
akala ko ay walang hanggan
ngunit bakit ngayon ay nasasaktan
hanggang dito nalang ba ang ating walang hanggan?
anong nangyari sa ating dalawa
akala ko noon tayo ay iisa
ako ba ang syang nag kulang o ikaw ang 'di lumaban
sa pagsubok sa ating pagmamahalan
anong nangyari sa ating dalawa
pagmamahal ngayo'y bakit naglaho na?
damdamin ay nasasaktan, puso'y nasusugatan
pangako mong pagmamahal ngayon ay nasaan?
anong nangyari?

No comments:

Post a Comment