Jan 28, 2013

Birthday surprise...

(nung panahon na hindi pa uso ang email)
I was organizing my portable hard drive when i saw this pic:

Tapos biglang flashback ng memories...

10 years ago of January 28 ng gabi... Habang nag-papa xerox ako sa may tapat ng school, Lumapit si guy friend at may inabot na papel at mabilis na umalis sa harapan ko (akala ko nung una assignment). Tapos nung tignan ko ang inabot nya eto nakita ko...


Letter pala sya, take note stationary sya, at hello kitty! tapos nabasa ko ang nakasulat sa likod (upper left photo). I was like "patay tayo nyan, may babala!" may panakot pa kuno (upper right photo) magagalit daw si hello kitty 'pag binuksan ko yun ng wala sa oras, lalo tuloy ako na curious kung ano ang nakasulat sa loob ng mahiwagang sulat. So ayun! excited ako umuwi ng bahay, (sa sobrang excited nakalimutan ko pina-xerox ko binalikan ko pa tuloy).

Pag-dating sa bahay... hindi ako mapakali! Tinititigan ko yung sobre, Tapos nung binuksan ko yung sobre natawa ako sa note "do not open until 12:01am of Jan.29" Ok fine! wag muna buksan, kaya tinulugan ko nalang...

Kinabukasn.. eto na! this is it pancit! yun ang unang-una kong binuksan of all the gifts I received that day...
Ang sweet lang ng message nya (kahit may halong pang-aasar)

Upper left: The sweet birthday message (nag wish pang mapansin na ako ni SECRET CRUSH na hawig ni Ben Adams)
Lower left: Yung poem na ginawa nya nung hating gabi (inspired?)
Right: Angel figurine na binigay nya nung birthday ko mismo, hindi daw nya alam kung bakit ako ang naalala nya nung makita nya yun (pero ako alam ko muka kasi akong angel! ayieeee! ahhahaha)
10 years ago na ang lumipas pero tuwing nakikita ko ang sobreng yun, same feelings parin... NAKAKA-TOUCH!, na parang kahapon lang nangyari... Hanggang ngayon nakatago sya sa aking memory box Sabi nga nya sa sulat ingatan ko daw kung ayaw ko mag ka WW12.

Dinikit ko narin sa sulat ang picture nya na aksidenteng naipit sa hiniram kong math book sa kanya. (hindi ko na ipo-post ang picture nya baka gulpihin na ako nun) Drawing nalang...Ganito pose nya sa picture...

Hahaha sinubukan ko talaga sya i-drawing, but I failed! pose lang ang nagaya ko lolz...

Yung suot nya sa picture yun din ang suot nya nung JS Prom (sinayaw nya ako 'non) kaya ginawa kong remembrance ang picture, Next time ko nalang i ku-kwento yun ^_~

Sa ngayon... matutulog na ako may pasok nanaman bukas... Goodnight!


No comments:

Post a Comment