Jan 30, 2009

Birthday ko nung January 29...

Hindi mo ako binati nakakatampo ka diary!!! lolz.., naging especial lang birthday ko nung batiin ako ng mga friends ko, unang bumati sakin c janjan (hindi natulog para batiin ako exact 12am ng jan.29) hindi parin sya nag babago alam parin nya mga bagay na gusto ko. tapos pag-gising ko 7am na ata yon. nagtext barkada ko nung high school, nakipag chikahan pa, kamustahan blah-blah, tapos nag online ako 10am ata yon (mababaw lang kaligayahan ko batiin lang ako ng mga un expected people, sa special day ko, masaya na ako) nag bukas ako ng friendster binati din ako ng mga college friends ko, online ako sa YM kaka touch, daming bumati friends sa Oz at Gaia, tapos nag off ako ng 3pm kumain at natulog, 7pm nagising ako weee may spaghetti ako biniro ko pa si papa sabi ko "hindi na uso handa CASH na uso ngayon yung malapad tapos kailangan pa ipa-palit sa money changer" hahaha gets nyo? natawa nalang si papa sakin tapos sabi nya "wala akong ganon ngayon bayaran ko nalang utang ng mama mo" weeee panalo! 10.5k yon makakabili na ako ng dream cell phone weeeee!!!! ok balik sa friends masyado ako na excite... tapos non maya-maya c bruhang kath tumawag (susyal!!!!!) pinag o-online ako hahaha nag paalam ako birthday naman eh pinayagan ako hanggang 10pm lang. ayon online nako sa YM at Gaia, touch ako kay kath talagang nag GM na ngalap ng babati sakin hahaha. tapos sa special announcement binati ako ni micah weee may gift pa thanks! si pardz nag tatampo hindi daw ako nag paparamdam eh samantalang nag paalam ako sa kanya na baka hindi muna ako mag adik mode dahil nga andito si papa, may nangyari daw sa kanya ayaw naman sabihin (mukang naaksidente nanaman) pinag se-selosan pa si kath (sabi ko kasi kung naging lalake lang si kath pipikutin ko talaga) hehehe. si pardz talaga kung umarte daig pa HUSBAND... tapos pinagalitan ko si renz pasaway talaga kaya naaksidente nag dahilan pa "hindi naman ako nag drive" asowssss kung alam lang nya na yon ang kinamatay ng asawa ng pinsan ko (angkas lang din sa motor; RIP kuya ryan). tapos c ryuu kakadating lang bumati na agad si Ian ayaw maniwalang bday ko hahaha, si rhea nag GM din sa YM may nag pasabi pa ng pagbati sa kanya hahaha un-expected person. natatawa din ako sa iba belated daw (adik kasi ang gaia mag aannounce lang jan.28 pa eh jan.29 birthday ko) mukang late din announcement sa friendster hahaha. tapos ayon, ginawan ko nang fansign sila renz, kath at pardz (pero kay pardz hindi ko pa na transfer dito sa PC)...
Hayzzz yun lang mga pangyayari sa birthday ko, touch ako sa mga taong nagbigay ng time sakin para batiin ako, at NAG TATAMPO AKO sa mga taong alam naman birthday ko hindi manlang ako binati (meron pa don, nag-sabing gagawing special ang birthday ko, pero wala DRAWING lang pala yung sinabi nya, WALA KAYO ISANG SALITA!!!) hindi manlang ako binati hmmp tandaan nyo yang ginawa nyo. Ang galing magyabang... hindi naman pala gagawin. TAMAAN NA TATAMAAN alam nyo kung sino kayo! sabihin nyo nang mababaw, pero isa sa pinaka ayoko sa isang tao, yung MAGALING SA SALITA KULANG SA GAWA. hmmmp!Justify Full


No comments:

Post a Comment